Epilogue

709 20 6
                                    

“She woke up and saw you there... Realized that it was all real. That she’d seen those things with you. Felt those feelings with you... Oh, it’s true that you made her feel so needy. From the ache, from the want when you taught those things to her, baby...”

Ngumiti si Spice at tinitigan si Sanji na katabi niya sa couch ng dressing room, habang tumutugtog siya ng gitara. Iyon ang kantang ginawa niya noon para sa kanila ni Sanji at pinamagatan niyang Bared.

Ilang buwan na ang nakararaan nang lumantad si Mysterious Siren. At mula noon, naging roller coaster ang biyahe niya. Nag-sign siya ng contract sa SDV Entertainment. Dumami ang music videos niya sa YouTube. Sunud-sunod ang guesting niya sa television at shows sa malls. At sold out agad sa mga market ang album niya.

It still felt surreal. She was overwhelmed tuwing kumakanta siya sa entablado, at nakikitang umiiyak at nakikikanta ang crowd. Ang mga awitin niya ay tungkol sa pag-ibig at depression. Isinama din niya sa album ang kantang ginawa niya noon para sa mga magulang. Taliwas sa inaasahan niya, mas maraming tumanggap at nagmahal sa kanya nang nalaman ng mga tagahanga niyang minsan sa buhay niya ay naging napakahina niya; although the real reason remained between her and Sanji. Ang mahalaga, dahil may magandang epekto sa mga tao ang music niya at maraming na-i-inspire, unti-unti na niyang napapatawad ang sarili. And she was just too grateful for all of it. Hindi rin niya pinapabayaan ang family business nila.

Nagpatuloy siya sa pag-strum ng gitara at sa mahinang pagkanta, “But the moment you did those things to me, you found the key to unlock the intimate places. Stealing my heart, branding my soul, making me whole... Until I could finally say this to you: I need you here with me now, I want you here right now. ‘Cause I’m in love with you...”

Ilang sandali na siyang natapos sa pagtugtog, patuloy pa rin siyang pinagmamasdan ni Sanji. Parati nitong ginagawa iyon, na para bang hindi ito nagsasawang pagmasdan siya. At hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapapigil sa pagtibok ng mabilis ang puso niya. Nangingibabaw iyon sa kabila ng hiyawan ng crowd sa Queen Aya Theater, kung saan gaganapin ang first major concert niya mayamaya lamang.

"What?" Sanji mouthed at her, inabot ang buhok niya at pinaglaruan ang mga hibla niyon sa mga daliri nito, sending a bolt of desire straight to her. Hindi na yata maluluma ang pangangailangang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Each time they made love, it became a thousand times extraordinary.

At mukhang ipinangako ni Sanji sa sariling nitong i-i-spoil siya nito. Parating ipinaparamdam sa kanya kung gaano siya ka-special. He would always shower her with gifts and love. At tulad din ng pangako niya, kahit sinasaway siya nito na hindi niya kailangang gawin iyon, she would shower him with gifts, too. At kahit pa alam niyang ikinatutuwa naman nito iyon, agad nitong sinusuklian ang ginagawa niya. Binigyan lang niya ito ng favorite nitong cookies and cream ice cream at ang painting ng larawan nitong ipinagawa niya kay Sugar, dinala siya nito sa Paris. Goodness, the man really knew how to make a woman fall for him even more. Lagi rin siya nitong pinapatawa sa pamamagitan ng mga playful antics at never-ending flirting nito. Paminsan-minsan, nagpaparamdam sa kanila ang kanilang mga nakaraan, naghahatid ng pangamba. Pero mas matibay ang pagmamahal nila para sa isa’t isa. He promised he would hold her tight. And she promised she wouldn’t loosen her grip.

At kahapon, ginawa siya nitong pinakamasayang babae sa buong mundo. Sakay ng chopper nito, dinala siya nito sa cabin niya sa hacienda. Namangha siya since in-arranged ang loob niyon sa napaka-romantic na paraan. Akala niya, isa na naman iyon sa mga treat nito sa kanya, lalo na at unang concert niya ngayon. Nag-dinner sila at sumayaw, bago niya nalaman ang totoong pakay nito.

"Spice, gusto kong malaman mong hindi kita minamadali. But you need to know that I want you to be my wife. That I will marry you, love. Any damn time if you're ready," seryosong deklara ni Sanji.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon