Chapter Eight, Part Three

357 12 0
                                    

I had to leave for work. Don't forget to eat your breakfast, love. ---Sanji

Napangiti si Spice nang mabasa ang note na iniwan ni Sanji sa bedside table. Naalala na na naman ang ginawa nila kaninang madaling araw at hindi mapigilang mamula. Ibinalik niya ang note at bumangon. Ilang sandali pa ay nakaligo at nakabihis na siya.

Tanghaling tapat na. Pagbaba niya nang kabahayan, sinalubong siya ni Manang Juliana. At parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan nang sabihin nitong hindi raw siya ipinagising ni Sanji. Dahil hindi mahirap hulaang alam ng matanda kung bakit.

Pagkatapos kumain, nagpasya siyang lumabas. Nagbilin daw si Sanji na magpasama siya sa driver kung gusto niyang mamasyal o sumunod sa set. Pero pinili niyang mag-taxi. At hindi rin siya susunod sa set. Dahil kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niyang pangangailangang makita ang binata.

Nagpasya siyang mag-ikot-ikot sa siyudad. Hindi iyon ang unang beses niya sa Cebu. Minsan na siyang isinama ni Sean nang may business trip ito doon. Pero hindi pa siya nakakapag-ikot-ikot sa pinakasiyudad mismo.

Tumitingin-tingin siya sa mga nadadaanang shop habang naglalakad sa sidewalk, nang marinig niya ang pinag-uusapan ng ilang babae sa tapat ng isang ice cream shop. Malaya niyang naintindihan dahil Tagalog ang usapan.

"Ilang araw nang trending ang video niya pero hindi pa rin lumalantad."

"Baka naman gusto lang talaga niyang maging misteryosa para lalo siyang sumikat."

Napayuko siya, nangangambang baka makilala siya ng mga ito. Kahit imposible dahil hindi naman nakikita ang mukha niya sa video.

"Feeling ko, pangit siya. May bulutong sa mukha, ganern," sabi pa nang isang babae na ikinatawa ng mga ito.
Binilisan niya ang paglalakad. Hindi gustong marinig na siya ang pinag-uusapan ng mga tao, lalo na at mukhang hindi maganda ang mga pinagsasabi tungkol sa kanya.

Nanghihina ang loob na napadako ang tingin niya sa isang bulag na matandang lalaking namamalimos sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara habang kumakanta. Nang huminto siya upang magbigay ng pera, nakita niyang kulang ng isang cord ang gitara nito kaya wala na sa tono. Iginala niya ang tingin at nang makakita ng isang educational supply store, iniwan niya ang matanda.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo, narinig niyang may sumigaw. Lumingon siya. Pinaghahampas ng isang lasing na lalaki ang gitara ng matanda sa semento, bago iyon tumatawang naglakad palayo. Hindi siya makakilos, tulad nang mga nakasaksi na pinanood umiyak ang matandang lalaki habang kinakapa ang kinaroroonan ng basag nitong gitara.

Nang makabawi sa pagkabigla, mabilis siyang nagtungo sa natanawang educational supply. Nang makitang may nakasabit na gitara, binili niya iyon at binalikan ang humahagulhol na matanda. Isa-isa nang nag-alisan ang mga nanood kanina. Walang may gustong tumulong. Kumikirot ang puso para sa matanda na inilagay niya sa tabi nito ang biniling gitara. "Manong, regalo ko ho ito sa inyo. Turista po ako sa lugar na ito at tulad mo, mahilig din sa musika. Ito po ang natira sa lumang gitara ninyo." Inabot niya iyon dito. "At nandito na po ang bago. Kulay brown din po iyan, tulad ng gitara ninyo."

Mukhang naintindihan siya ng matanda dahil napahagulhol ito lalo, pero sa pagkakataong iyon ay sa sobrang galak. Labis-labis na nagpasalamat sa kanya.

"Walang anuman ho," aniya. At bago siya maiyak, iniwan na niya ito. Pero dahil okupado pa ng tuwa sa mga mata nito ang isip niya, hindi agad niya napansin ang paparating na sasakyan pagtawid niya. Narinig na lang niya ang sigawan ng mga saksi at naramdaman ang kamay na humawak sa braso niya para hilahin siya.

Nanlalaki ang mga matang napasubsob siya sa dibdib nang sumagip sa kanya. The familiar exhilarating scent hit her. Kasama nang kusang pag-react ng katawan niya sa pamilyar na init ng mga brasong nakayakap sa kanya. His hold was possessive, worried, scared. The same as his breathing.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon