Chapter Five, Part Three

411 15 1
                                    

Traffic. Pagdating ni Spice sa airport, kaaalis lang ng eroplanong sinakyan ni Bass. Hindi rin niya ito matawagan kanina dahil out of reach ang phone nito.

Pabalik na siya sa kinaroroonan ng pickup nang matigilan. Hindi kalayuan sa kanya, lumabas si Sanji sa kapaparada lang na kotse. Looking sinfully attractive in his signature gray fitted t-shirt and blue jeans.

Her breath was caught. Tulad kagabi, she wanted to run away. From this place. From him. From the freaking universe. Pero nagkasalubong ang mga mata nila at tuluyan na siyang hindi nakakilos. Nanghihina ang mga tuhod habang kusang naglakbay sa isip ang mga ginawa nito sa kanya sa condo unit nito.

Sanji looked surprised. Then... angry? Hindi siya sigurado sa huli dahil nilinga nito ang namukhaan niyang assistant nito at may sinabi bago naglakad palapit sa kanya. Huminto ito sa tapat ng sasakyan niya. Nang bahagya itong ngumiti, naisip niyang mali ang inakala niyang galit ito. Pero hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon. Obviously, he wasn't his playful self at parang napaka-intimidating ng dating nito nang sandaling iyon na wala sa loob siyang napaatras.

"Hi," bati niya. Damn it. Bakit kailangan niyang kabahan?

"Hi yourself. Ano'ng ginagawa mo dito?" casual na tanong nito.

"Today's his flight to Alaska," tukoy niya kay Bass. Funny, pero hindi niya maipalawanag ang pakiramdam na parang hindi gugustuhing marinig ni Sanji ang pangalan nito.

"I see." Tumiim ang mga bagang nito bago nanunuyang tumawa. "Dahil lang naman sa lalaking iyon kaya nangyari ang nangyari kagabi. Kaya balewala sa'yong umalis habang natutulog pa ako kanina, tama ba?"

Nag-init ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. Shit. Mas gusto ba nitong naroon siya paggising nito? Dinadaan lang nito sa sarcasm ang gusto nitong sabihin, pero may pakiramdam siyang totoo ang hinala niyang galit ito. "Ang tungkol diyan, hindi ko lang gustong---"

"Hindi mo lang gustong magpaalam pa ng personal since malinaw ang mensahe ng note na iniwan mo. 'Thank you for helping me', huh? Na para bang tinulungan lang kitang magbuhat ng luggage mo. And a snob way to tell me you're done with my services," anito sa pilit pina-amused na tono. "Ayos lang iyon. Pero sana hinayaan mo akong masabihan ka ng 'welcome'."

Biglang uminit ang ulo niya. "Why do you make it sound as if ginamit lang kita at pinilit sa nangyari kagabi?" namumula sa galit at pagkapahiyang sabi niya. "Sa pagkakatanda ko, paalis na ako kagabi nang pigilin mo ako. Dahil sabi mo, mas mabuti nang ikaw ang magbigay sa'kin ng karanasan kaysa mapahamak ako sa kamay ng iba."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi ko intensiyong iyon ang maramdaman mo. At hindi mangyayari ang nangyari kung hindi ko ginusto."

"Then bakit parang nagagalit ka?" Dahil ito ba dapat ang nauunang umalis pagkatapos ng hook up? Siya ba ang unang babaeng nang-iwan dito habang natutulog ito at nasaktan ang pride nito? Lalo siyang nairita nang muling maisip kung ilang babae na ang nagisnan nito kinaumagahan. "Mas gusto mo bang paggising mo, nasa tabi mo pa rin ang babae pagkatapos ng one-night-stand? Maybe to have a good-bye coffee?" sarkastikong sabi niya.

Sarkastikong ngumiti si Sanji, mababakas na ang frustration at iritasyon sa mga mata. "Hindi ka isang one-night-stand, Spice. And for the record, kagabi ang unang beses na natulog akong may katabing babae, and in my own bed for that matter. And I was damn bothered by the fact na hindi ko nagustuhang wala ka sa tabi ko paggising ko." Nang sandaling lumabas iyon sa bibig nito ay tila pareho pa silang nagulat. Lumunok ito at umiwas ng tingin. Samantalang parang sumikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay nasaktan niya ito, pero bakit? Wala siyang maapuhap na salita. Iyon ang... unang beses na natulog itong may babae sa kama nito? At hindi nito nagustuhang nagising itong wala siya sa tabi nito? "Look. kalimutan mo na iyon. If you'll excuse me. Nagmamadali ako."

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon