Gabi na nang magpasyang umalis sa cabin si Spice. Katulad nang dati kapag maaga pa siyang nagpunta sa cabin, alam na ng mga tao sa villa na gabi na ang balik niya. Kaya pinahatiran na lang siya kanina ng pananghalian ni Manang Sol.
Kabababa lang niya kay Alena nang maramdamang hindi siya nag-iisa sa kuwadra. Lumingon siya. And her gaze landed on those dark eyes. Damang-dama niya ang pagsuntok nang kung ano sa sikmura niya. Hindi siya makakilos.
His tall frame was leaning against the stable fence. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, kitang-kita niyang walang mababakas na emosyon sa mukha nito. Habang ang mga mata ay naglalakbay sa kabuuan niya.
She stopped breathing. Nakalimutan niya kung bakit masamang-masama ang loob niya dito. Na parang hindi rin niya na-realize kung gaano niya ito kagustong makitang muli, hanggang sa dumating ang sandaling iyon. Oh, hindi niya magawang makipagtalo sa koneksyion na mayroon sila. Tumatagos iyon sa mga bawat kalamnan niya as she let her eyes devoured his too beautiful face. As she craved to feel the soft strands of his messy hair, to touch his broad chest under his clean white shirt. And play with his six-pack and down... Napalunok siya.
Matinding init ang bumalot sa katawan niya nang maalala ang huling gabing pinagsaluhan nila. Ang mga halik nito, ang mga yakap. At sa wakas ay ang pag-iisa ng kanilang mga katawan. The moment she could never forget, not in a billion years. And she wouldn’t even try to.
“It’s late,” basag ni Sanji sa katahimikan. At parang gusto niyang mapapikit nang muling marinig ang boses nito. That bedroom voice that titillated her each and every time. “Sa inyo nga siguro itong hacienda, pero delikado pa rin sa isang tulad mo ang nagpapagala nang ganitong oras sa kakahuyan.”
Sukat sa sinabi nito ay bigla siyang natauhan. Biglang bumalik ang naipong sama ng loob. “Thank you. Pero sa tingin ko, wala ka sa posisyon para pagsabihan ako,” malamig niyang tugon. Sa nanginginig na mga kamay, ibinalik niya sa kuwadra si Alena.
Narinig niya ang paghugot nito nang tila frustrated na paghinga. “Concern lang ako, Spice---”
Humarap siya dito at pinukol ito ng matalim na tingin. “This is my home. I am safe here,” asik niya. “At sarilinin mo na lang ang concern mo, Sanji. Hindi ko iyan kailangan. Lalo na kung hindi totoo.”
Tumiim ang mga bagang nito. Inisang hakbang siya at tinitigan sa mga mata. “Hindi totoo? Na concern ako sa’yo? Damn it! Kung hindi ka pa umuwi, susundan na kita kahit na ayaw sabihin sa’kin ni Sean kung saan ang kinaroroonan ng cabin mo.”
“At bakit mo gagawin iyon?” aniya. Pinaghalong pagkabigla at tensiyon ang naramdaman niya dahil sa sinabi nito at sa biglang paglapit nito. Damang-dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Natutunaw ang mga kalamnan niya. At naroon na naman ang pamilyar na reaksiyon ng mga sensitibong parte ng kanyang katawan. She felt her nipples become thrilled. Felt the ache on her center. This is torture.
Ang itim na mga mata nito ay hinahaplos ang kanyang mukha. May nagdaang pagnanasa doon at iba pang hindi mapangalanang emosyon pero tila pilit nitong itinago ang mga iyon at pinangibabaw ang iritasyon. “Dahil alam kong alam mo na kasama akong dumating ni JC at balak mo akong iwasan. At hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa’yo dahil sa’kin.”
Maang na nakipagtitigan siya dito. Bakit parang sa nangyari sa kanilang dalawa, siya pa ang may kasalanan dahil siya pa ang iiwas? Ikinuyom niya ang mga kamao.
“Bakit mo naman naisip na iiwasan kita? Hindi ba puwedeng wala lang talaga akong pakialam kung nandito ka o wala?” aniya sa kagustuhang maramdaman din nito ang sakit na ipinaramdam sa kanya. “Dahil akala ko ba nagkaintindihan na tayo na gagawing normal ang lahat pagkatapos nang mga nangyari sa atin? Besides, alam mo rin naman siguro na nandito ako, di’ba? But it didn’t matter to you kaya pumunta ka pa rin dito dahil nagbabakasyon ka naman talaga dito dati pa.”
“Iyon ba ang tingin mo?” Hindi siya sigurado kung bitterness at hurt ang saglit na dumaan sa mga mata nito dahil sarkastiko ang pinakawalan nitong tawa. Saglit itong tumingala sa kalangitan. Bago bumaba ang titig sa kabuuan niya. Sa kanyang mukha, buhok at katawan. She shuddered. “I didn’t know that you were here. Dahil kung alam ko, at kung hindi kailangan ni JC nang kasama ngayon, hindi ako pupunta dito.”
“I see.” Kung ganoon, tama ang hinala niyang hindi nga nito alam na uuwi siya. Her heart ached. Very much.
Nagkaroon ng tuldok ang paniniwala niya na isang araw, pupuntahan siya nito at pag-uusapan nila ang tungkol sa nangyari sa kanila. Dahil ngayon, napatunayan niyang wala talaga itong balak puntahan siya pagkatapos niyang ibigay ang sarili dito. Dahil heto ngayon, nagbabakasyon ito sa hacienda sa pag-aakalang wala siya roon. Nagbabakasyon sa tahanan niya, na parang balewala dito kung iyon ang tirahan ng babaeng pinara-piraso nito ang puso.
“But since my presence doesn’t bother you at all, ipagpapatuloy ko na lang ang bakasyon ko dito kasama ang mga kaibigan ko,” tuya nito bago siya tinalikuran. “Oh, and Spice? Sex with you was the best I ever had. Thank you.”
![](https://img.wattpad.com/cover/219457346-288-k68450.jpg)
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romantizm"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...