Chapter Twenty-Four

667 16 0
                                        

"What are you thinking?"

Mula sa matamang pagmamasid sa mga ulap mula sa bintana ng sinasakyang private jet, sinulyapan ni Sanji si Sissy. Naupo ito sa leather seat sa harap niya. Matapos ang tatlong araw na shooting ng music video ng singer ng SDV na si Louis, pabalik na  sa Pilipinas ang crew. Si Sissy ang modelo sa ginawang video.

"World peace," sagot niya.

"Good luck with that. Sa lahat ng puwedeng mangyari, iyan na yata ang pinakaimposible."

Tiningnan niya ito. "You look irritated."

"Nosy, aren't you?" sarkastikong sabi nito.

Nagkibit-balikat siya. "I'm your boss. Natural na concern ako kung may pinagdadaanan ang mga empleyado ko. Lalo na kapag kaharap ko ang taong iyon at sinasagot-sagot ako."

Bumuntong-hininga si Sissy. "Sorry."

"Accepted. Now, kung kailangan mo ng kausap, I'm here. Pero kung sa'kin mo ibabaling ang iritasyon mo kay Louis, go away."

Tila nagulat ito. "Paano mo nalamang si Louis ang dahilan ng iritasyon ko?"

Pinaikot niya ang mga mata. "Woman, it's obvious to everyone na may namamagitan sa inyong dalawa. I think you're just too blind to see na ang mga pang-aasar niya sa'yo, ay paraan lang niya para mapansin mo siya. Seriously, how cliche is that move? Women should have been aware of that by now." Sarkastikong tumawa siya. Of course, that was his move, too.

Tila may pumisil na naman sa dibdib niya nang sumingit sa diwa ang mukha ng babaeng mula nang makilala niya ay iyon na ang naging tahanan.

Spice. His beautiful Spice.

The only woman he'd truly enjoyed teasing. Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi niya sa isang ngiti. Bago pa niya ito unang makita mahigit apat na taon na ang nakararaan, curious na siyang makilala ito dahil sa mga kuwento ni Sean. He imagined her as a soft and kind princess. With a sweet smile and beautiful laugh that could take away anyone’s problems tulad ng description dito ng kaibigan. Pero dahil sa mapait na sirkumstansiya nang unang beses niyang pagtapak sa Hacienda Fajardo, isang broken eighteen-year-old ang nakilala niya. He was effortlessly drawn to her innocent beauty. But it haunted him---her sadness and grief. At nang muli niya itong makita nang magbakasyon siya sa hacienda noong nakaraang taon, lalong tumindi ang atraksiyon niya dito. Pero mas na tinutukso niya ito dahil nadiskobre niyang kapag ginagawa niya iyon, nagkakaroon ng emosyon ang blanko nitong mga mata, kahit pa naiirita lang ito sa kanya.

Thinking about it now, maybe it had been useless to claim himself heartless, dahil noon pa man, nakapasok na ito puso niya. Mas pinili lang niyang balewalain. Dahil takot siyang magmahal; nangangambang baka maging katulad siya ng kanyang ina at masira ang buhay niya. Dahil takot siyang makipagrelasyon; nangangambang baka tulad din siya ng kanyang ama at masaktan lang niya ito. But those fears had been thrown away nang ma-realize niyang hindi niya kayang patuloy na mabuhay nang wala si Spice. Paano siyang magiging tulad ng kanyang ama, gayong ang tanging gusto niyang gawin ay alagaan at protektahan ito? Bakit matatakot pa siyang magmahal, when it was way much scarier to lose her? Kaya nang magdesisyon siyang harapin ang damdamin niya para kay Spice, he knew that there was no turning back. All he wanted was to fight everything that dared to stop him from being with her.

Binuhay ni Spice sa kanya ang mga emosyong hindi niya akalaing may kakayahan siyang maramdaman para sa isang babae, kasama na ang matinding protectiveness, possessiveness at jealousy, na hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang gustong sapakin ang Bass na iyon kahit noong hindi pa nito ito nakikilala. Ang passion nito para sa pangarap nito; ang malinis at mabuting kalooban sa kabila nang hindi naging mabait ang tadhana dito; at---kahit gaano pa kasakit at nakaiiritang isipin---ang determinasyon nitong labanan ang lungkot, kaya umabot sa puntong nilapitan siya nito para ipaglaban ang Bass na iyon dahil ang asshole na iyon ang makakapagpasaya dito noon---ang mga iyon ang lalong humila sa kanya para lalong lumalim ang nararamdaman niya para sa dalaga. Alam niyang fighter si Spice. Pinipigilan lang ito ng takot, maging ng guilt mula sa isang pangyayaring hindi naman nito kasalanan. Pero kapag may ginusto itong mangyari at kung kakalimutan nito ang lahat ng negatibong emosyong umaalipin dito, makukuha nito ang bagay na iyon.

And he really wanted her to face her fears and follow her dream dahil alam niyang isa iyon sa makakapagpasaya dito. He wanted her to be happy. Hell, kahit totoong ang Bass na iyon ang pinili nito, kahit masakit, tatanggapin niya, dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang kaligayahan nito. Still, thank God, dahil tama ang hinala niyang mahal din siya nito. Masakit lang isipin na akala nito ay huhusgahan niya ito. Pagkatapos nitong tanggapin ang pagkatao niya, bakit nito naisip iyon? And if she only knew, he was the only one on Earth who could help her heal, at ang nag-iisang taong hindi mapapagod gawin iyon. Hindi lang dahil ito ang nagligtas sa kanya sa madilim niyang nakaraan by simply breathing. But because he loved her.

Noong isang gabi, natakot at nag-alala siya nang husto nang muntik na itong mapahamak. Nagalit din siya sa sarili dahil muntik na naman siyang mawalan ng control. And seeing her---knowing that she lied to him just to push him away---still hurt. At gusto niya munang malaman kung handa na itong magtiwala sa kanya. Kaya kahit nang makompirma niyang mahal siya nito, at maglaho lahat ng tampo niya, pinigilan niyang ikulong ito sa mga bisig niya. He wanted to know if she believed that he could ever deserve her by trusting him. And yeah, like an insecure man he realized that he was the moment he fell in love with Spice, he wanted to see her fight for him, too. Because if she loved him enough, she would couquer her own fears. The way he did.

Pero natitiyak niyang hindi rin niya kayang maghintay nang matagal. He missed her like hell. At kapag hindi ito agad kumilos, siya ang kikilos. After all, narinig na niya mismo sa bibig nitong siya na ang mahal nito. If she wanted him to fight for them alone, he would. She was his life now. She owned his heart; she was the one making it beat to keep him alive. At gagawin niya ang lahat para makuha ang buong tiwala nito. Patutunayan niyang walang nakaraan at kasalukuyan ang hahadlang sa kanyang mahalin ito.

Great. He sounded like a romantic idiot. Pero wala siyang pakialam.

"Sanji!" mariing wika ni Sissy.

"Hmm?" Muli niyang ibinaling ang atensiyon dito.

Pinaikot nito ang mga mata. "I know na nang mag-volunteer kang pakikinggan ang problema ko, it was too good to be true."

Marahan siyang natawa. "Believe me, Sissy. Huwag kang mapipikon sa mga pang-aasar ni Louis. He's into you as much as you're into him. At huwag kang titingin, since kanina pa siya pasulyap-sulyap dito. Nagseselos siya. After all, alam niyang may crush ka sa'kin."

"Wow. Cocky much?" Pero ngumisi din si Sissy. Tumayo at lumipat sa tabi niya. "So, babe. Gusto mo ng cupcake?"

Natatawang tumayo siya at lumipat sa dating kinauupuan nito. "Huwag mo akong gamitin para pagselosin siya, Sissy. And please, huwag mo akong tawaging "babe". My girl heard you say that and she got jealous. Hindi ko na uli gustong mangyari iyon." Kinindatan niya ito bago inabot ang laptop niya at binuksan iyon.

Mukhang nagulat si Sissy sa narinig, pero hindi na ito nagkaroon ng pagkakataong mag-usisa since tinabihan na ito ni Louis.

"Hey, Sissy," nakangising sabi nito. "Ako, gusto ko ng cupcake mo. Asan?"

Namula si Sissy samantalang hindi niya mapigilang ma-amused. Way to woo a woman. Ipinilig niya ang ulo, and zoned out the flirting.

Pagdating sa airport, nakatanggap siya ng tawag mula sa Recording Manager na si Noel. Agad niyang tsinek sa internet ang tinutukoy nito. He stayed frozen for a moment. Then he was on his car, at matuling pinaharurot iyon palayo.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon