Chapter Nine, Part Two

351 16 0
                                    

Tulog pa si Sanji nang magising si Spice. At hindi tulad nang magising siya sa condo unit nito kung saan nagmamadali siyang umalis, nang sandaling iyon, sinamantala niya ang pagkakataong pagmasdan ito. The funny, scary feeling that seemed to be always dancing in her chest while she was near him was palpable. Pero sa halip na pansinin, masuyo niyang hinaplos ang mukha ng binata. He groaned softly. Humigpit ang pagkakayakap sa kanya na tila ayaw siyang pakawalan.

What were they doing? Mamaya na sila babalik ng Maynila. Matatapos na ang ginagawa nila. At pagkatapos niyon, puwede ba silang maging... magkaibigan? Dahil nang sandaling ikuwento niya dito ang pangarap niya, parang naging isang kaibigan na ito para sa kanya. Pero bakit parang nagpoprotesta ang kalooban niyang makipagkaibigan dito?

Bumuntong-hininga siya at maingat na kumilos upang bumangon. Pababa na siya nang kabahayan nang tumunog ang cell phone niya.

Natigilan siya bago naglakas-loob na sagutin ang tawag. "Sean?"

"Spice. Kung hindi pa ako tumawag kay Meredith, hindi ko pa malalaman na tatlong araw kang hindi papasok. May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ng kapatid sa kabilang linya.

"No, I'm fine, Sean. May pinuntahan lang ako. Pupunta na ako mamaya sa StarCoffee," mabilis niyang sabi. Nakonsensiya. Sinadya niyang huwag tawagan si Sean na maiiwan muna niya ang StarCoffee dahil hindi muna niya ito gustong makausap. Hindi niya gustong isipin ang koneksiyon nito kay Sanji habang magkasama sila ng huli. Kaya nga iniiwasan din niyang mapag-usapan nila ni Sanji ang kapatid. Dahil ang totoo, nakokonsensiya siya.

Siguro nga attracted sa kanya si Sanji. But he wasn't acting on it dahil kapatid siya ng matalik nitong kaibigan. Pero nang ito ang lapitan niya para magkaroon ng karanasan, nawalan ito ng choice kundi patulan ang kabaliwan niya---para lang masigurong hindi siya mapapahamak sa ibang lalaki. So the least she could do was to not talk about Sean---the person they both cared about. Na siyang magpapaalala nang malaking kamalian ng ginagawa nila. At kung hindi lang mag-aalala si Sean kapag hindi niya sinagot ang tawag nito, balak sana niyang iwasan muna ito.

Hindi kasi dapat niya sinabi kay Sanji ang tungkol sa paghahanap niya ng karanasan. Sa halip na tinakbuhan niya ito sa parking lot, nagpahalik na lang sana siya dito para walang komplikasyon. Pero pinagsisisihan ba niya ang nangyari? Pinagsisihan ba iyon ni Sanji?

Ipinilig niya ang ulo at pinakinggan si Sean. "Spice, wala akong pakialam kahit ilang taon kang hindi pumunta sa StarCoffee," exasperated na wika nito. "Heck. Sinabi ko sa'yo na libutin mo ang buong mundo, sundin mo kung ano'ng gusto mong gawin sa buhay kaysa magtrabaho ka. Kaya ko nang gawin iyon para sa'ting dalawa. You are rich, sweetheart. Enjoy your life. Okay ka lang ba talaga?"

Napangiti siya. Masuwerte siya dahil nagkaroon siya ng kapatid na tulad nito. Paano niyang nagawang saktan ito dati? Nakadama na naman siya ng pagsisisi. "Okay lang ako, Sean."

"All right. Dito ka mag-celebrate ng birthday mo, Spice. Go home." Ipinagpasalamat niyang hindi na ito nagtanong kung ano ang pinagkaabalahan niya.

"Okay. I will." Birthmonth na pala niya.

"Tamang-tama, uuwi din ng Pilipinas si JC. Baka magbakasyon dito."

"Uuwi si JC?" Mas nauna niyang makilala si JC kaysa kay Sanji. Fifteen siya nang huli niyang makita ang isang kaibigang iyon ni Sean, hindi nakapunta sa burol ng mga magulang niya dahil nanirahan na sa Italy. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Hush kapag nalaman ang balitang iyon? Hindi man kasi aminin ng kaibigan sa kanya, alam niyang may kinalaman si JC kung bakit hindi na nito sineryoso ang pakikipagrelasyon.

"Yeah, pero hindi ko pa alam ang eksaktong araw," ani Sean. "I miss you, sis. Miss ka na rin ni Manang Sol at ni Alena."

"Sinabi sa'yo ni Alena?"

"Kahit ako nagulat nang magsalita ang kabayo mo."

"Ha-ha. 'Miss you too, Sean. Parang masaya ka. May gusto ka bang ipakilala sa akin?"

"Wala. Gotta go. 'Bye. Ingat diyan." Bago pa siya muling makapagsalita, nawala na ito sa linya. Napatitig siya sa cell phone. May girlfriend na ba ang masungit at seryoso niyang kapatid? Ikatutuwa niya iyon kapag nagkataon. Sa pagbabantay sa kanya at pag-aasikaso ng mga negosyo, parang hindi man lang naging intresadong magkaroon ng girlfriend si Sean.

Naabutan niya sa kusina si Manang Juliana na naghahanda ng agahan. Binati niya ito at tinanong kung may maitutulong siya, pero maupo na lang daw siya at nagtanong kung ano ang gusto niyang kainin. Sinabi niyang kahit ano lang bago kumuha ng juice sa fridge at naupo sa stool sa island.

"Paano kayo nagkakilala ni Sanji, hija?"

"Kaibigan ho siya ng Kuya ko," aniyang nailang sa usapan. "Si Sean. Nakilala ninyo na ho ba?"

"Ah, oo. Minsan nang dinala ni Sanji ang mga kaibigan niyang sina Sean at JC noon sa mansion ng mga Dela Vega sa Maynila," anito at ngumiti.

"Kapatid ka pala ni Sean."

"Oho. Sino ho ang naninirahan sa mansion nina Sanji sa Manila kung sa condo siya naglalagi?" casual na pag-iiba niya sa usapan. Alam niyang wala nang mga magulang si Sanji at nag-iisang anak lang ito.

Umiwas ng tingin ang matanda. "Ipinagbili niya nang magdesisyon siyang huwag nang umuwi doon."

"Sabay ho bang nawala ang parents niya?"

Saglit itong tumahimik. At sasabihin na sana niyang kalimutan na nito ang tanong nang magsalita ito. "Nauna si Simeon. Naaksidente. Ilang buwan lamang, sumunod si Sierra. Disi-siete pa lang noon si Sanji. Ang Bise Presidente noon ng SDV ang nagmaneho ng kompanya hanggang sa maging handa si Sanji at maging CEO pagka-graduate sa kolehiyo."

Nanikip ang dibdib niya sa narinig. Eleven years na ang nakararaan. Her heart went out for the seventeen-year-old Sanji. God, she could relate. Ang pagkakaiba lang, wala itong kapatid. No wonder masyado itong malapit kina Sean at JC. Nakilala nito ang dalawa noong panahong kailangan nito ng pamilya. And to think na mas bata pa si Sanji kay Sean nang mapunta sa balikat nito ang malaking responsibilidad nang pamamahala ng kompanyang naiwan dito. The man was tough and brave. Lalo niya itong hinangaan dahil doon.

"Alam mo bang ikaw lang ang babaeng dinala dito ni Sanji, hija?"

"Hindi po ako girlfriend ni Sanji, Manang. Kung iyon ho ang iniisip ninyo." Hindi natutulog na may kasamang babae si Sanji. Tapos hindi rin ito nagdadala ng babae sa bahay nito? Sa condo kaya nito?

"Hindi marunong manligaw iyang si Sanji. Dinadaan lang sa ibang bagay." Natawa ito at napailing. Lalo siyang namula. "Tapos dinala ka niya dito. Tinititigan ka sa paraang hindi siya makapaniwalang nakilala ka niya. At natutuwa ako. Sa sitwasyon noon ng mga magulang niya, akala ko hindi siya makikipagrelasyon, hindi na mag-aasawa. Kaya nga nag-aalala ako tuwing nababalitaan kong iba-iba ang kasamang babae nang batang iyon." Kung ganoon, dahil sa pamilya nito kaya hindi nakikipagrelasyon si Sanji. Gusto niyang magtanong, pero alam niyang wala siyang karapatang manghimasok sa buhay nito.

"Sana huwag mo siyang sasaktan, hija. Kilalang-kilala ko ang batang iyon. Kapag nasaktan siya, nagiging matigas at sinusubukang maging bad boy, pagkatapos ay ngingiti at aakto na parang walang pinagdadaanan. Parang tinatanggap na lang na tulad siya ng kanyang---" Umiling ito. "Pero lumalabas pa rin naman ang pagiging mabuting tao."

Kumurap si Spice. At ang tanging nasabi ay, "May mahal po akong iba, Manang." At nang sabihin niya iyon, saka lang niya muling naalala si Bass.

At nakadama siya ng guilt. Bakit parang hindi niya ito gaanong naiisip? In fact, maliban sa update ni Meredith sa StarCoffee, wala rin siyang komunikasyon kina Hush. Nang sumama siya sa Cebu kay Sanji, para siyang nagkaroon nang sariling mundo... na kasama ito. What the heck?

Tinitigan siya ng matanda at bahagyang ngumiti. "Matanda na ako, hija. Alam ko kung ano ang nakikita ng mga mata ko."

Bago pa man siya makasagot, may narinig na silang tikhim. Nalingunan niya si Sanji.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon