Paulit-ulit sa isip ni Spice ang mga na-realize at lalong tumindi ang pagsisising nararamdaman niya. If only she was braver, hinayaan muna sana niyang marinig ang side nito bago siya nagdesisyong itulak ito palayo. Siguro, narinig niya sana itong sinasabing tinatanggap siya nito kahit na ano'ng mangyari, na hindi siya nito iiwan, kaya wala na dapat siyang katakutan.
If only...
Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa si Tara.
“Nasa labas pa si Meredith at pinadiretso na ako dito," humihingal pang sabi nito.
"Hey. Okay ka lang? Bakit parang tumakbo ka? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Dahil ma-li-late na ako. Pero kailangan mong marinig ang sasabihin ko kaya dumaan ako dito---"
"Okay, ikukuha lang kita ng tubig."
"No! Mag-stay ka lang diyan at hayaan mo muna akong huminga." Ilang sandaling kinalma muna nito ang sarili, habang kinakabahan siya sa sasabihin nito. Bad news ba iyon? "Okay. Nakita ko kagabi si Sanji sa Elite Club.”
Literal na naramdaman ni Spice ang pagbulusok ng puso niya sa sinabi ni Tara.
“Mag-isa lang siya. Ilang babae nga ang lumapit sa kanya pero hindi niya pinansin,” patuloy ni Tara. Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. “And when I saw him last night drinking his ass out, sigurado akong ikaw ang iniisip niya. He looked wrecked, although hot pa rin.” Pinilit niyang gawing kalmado ang mukha, pero hindi mapakali ang dibdib niya. Bakit ito naglalasing? Talaga bang iniisip din siya nito, o may iba itong problema? “Kailangan ninyong mag-usap, Spice. Natitiyak kong iyon lang ang makakapagpatigil ng paghihirap ninyong dalawa."
"Tara---"
"Look. Kung hindi mo siya kakausapin, habang-buhay kang magtatanong ng 'what if?'" Kinuha ni Tara ang phone sa desk niya. "Kaya tatawagan ko siya at mag-uusap kayong dalawa para maging okay ka na. Pasensiya na pero hindi ko na kayang makita ang walang buhay mong mga mata.”
"Tara!"
Tinangka niyang agawin ang cell phone mula dito pero bigo siya. Nagawa na nitong i-dial ang number ni Sanji. Hindi niya alam kung ano'ng problema ni Sean at i-s-in-end sa kanya ang number ni Sanji nang araw mismo nang umalis siya sa hacienda.
“You know I only want the best for you, Spice. I’ll support you whatever or whoever your choice is. Gusto ko lang maging masaya ka.” Iyon ang laman ng message ni Sean. Binigyan na siya ng basbas sa kung sinuman ang mamahalin niya. Pero sa halip na matuwa noon, nakadama lang siya ng lungkot. Pero s-in-ve pa rin niya ang number ni Sanji. At ngayon, hindi niya alam kung pagsisisihan iyon o ano.
Ni-loud speaker ni Tara ang phone kaya dinig na dinig niya ang boses ni Sanji nang sagutin ang tawag.
“Spice.” His bedroom voice was low, emotionless. Pero sa kabila nang lahat, she suddenly felt alive. Marinig lang ang tinig nito ay nagiging active na ang lahat ng senses niya. Na para bang ang mismong boses nito ang dahilan kung bakit nagpapatuloy siyang huminga.
And for the life of her, nararamdaman na naman niya ang pamilyar na init na dulot nito sa kanyang katawan. Naalala ang mga suggestive whisper nito tuwing hinahalikan siya. Saglit siyang napapikit at sinikap pigilan ang nararamdaman.
“Hey, Sanji. This is Tara. Remember me? ‘Yong friend ni Spice.”
“Hey. Where is Spice? May nangyari ba?” Parang gustong bumigay ng dibdib niya sa alertness at concern sa tono nito. Oh, Sanji.
“Oh, wala. She’s fine. Well, hindi pala siya okay.” Gusto niyang patayin si Tara pero kinindatan lang siya nito. “Gusto mo ba siyang kausapin, Sanji?” Hindi siya humihinga habang hinihintay ang sagot nito.
“It’s her call,” blankong sabi ng binata. Muli ay siya na naman ang pinagdedesisyon nito. Parati na lang ang kung ano’ng gusto niya ang inuuna nito.
Ibinigay sa kanya ni Tara ang phone. In-off niya ang loud speaker bago nagsalita. “Sanji,” she said, breathless. Kumaway si Tara at itinuro ang pinto bago siya iniwan. Traitor.
Ilang segundo ang nagdaan bago sumagot si Sanji. “Spice.”
“I'm sorry. I swear, hindi ko alam kung bakit ka tinawagan ni Tara,” paliwanag niya. “Pasensiya na sa istorbo. Alam kong busy ka---”
“I’m not busy right now,” agap nito. “So, wala kang sasabihin?” Darn. Direct to the point.
Gusto niyang sabihing wala. Pero nangangamba siyang kapag nagsalita agad siya, baka matapos na ang tawag na iyon. Namagitan ang mahabang katahimikan.
He sighed. “Spice...”
“Sanji—” Sabay silang nagsalita at magkasabay ring nanahimik. Tumikhim siya. “Ikaw muna.”
“No. Mauna ka.”
“Magpapaalam na sana ako...”
“Bakit mo parating ginagawa iyan?” frustrated nitong tanong.
“Ang alin?”
“Nagpapaalam ka na bago pa magsimula ang lahat.”
Tumagos sa puso niya ang sinabi nito. “Sanji---”
“Forget it,” he snapped. Bumuntong-hininga. “Puwede mo nang ibaba ang phone.”
Pumuno ang protesta sa dibdib niya, at bigla ay nakadama siya nang matinding pagod dahil sa pagiging duwag niya. No matter how much she tried to convince herself that what she did was somehow selfless, since she was saving him from being reminded of the sad memory of his mother through her scars, mas nangingibabaw pa rin ang takot niyang makita sa mga mata nito ang mga emosyong iyon. At iyon ang pinaka-pinagsisihan niya sa lahat ng karuwagang nagawa niya. She thought she was trying to save her heart from the pain. Only to realize that she only threw herself straight to hell for missing him this way. For aching to see, touch and kiss him and make love to him again. At iyon ay dahil tumakbo na siya bago pa man magsimula ang lahat.
"Actually, may sasabihin pala ako, Sanji," lakas-loob niyang sabi. Hindi na niya hinintay na magsalita ito, bago pa magbago ang isip niya. “Nang tangkain kong magpakamatay, it was because guilt had consumed me, not grief." She hated stressing what she did. Pero kailangan niyang isatinig. "Dahil ako ang dahilan nang pagkawala ng mga magulang ko. Their death was my fault."
![](https://img.wattpad.com/cover/219457346-288-k68450.jpg)
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...