Chapter Seventeen

545 18 3
                                        

“May girlfriend ka na, JC?”

Kusang lumabas iyon sa bibig ni Spice nang makitang pumasok ito sa dining room kasunod ni Sean. Hindi niya pinansin ang pagpukol sa kanya ng matalim na tingin ni Hush. Maaga pa lang ay nagtungo na ito sa villa para personal siyang batiin ng “happy birthday”. Kasalo sina Bass at Sugar, kasalukuyan silang nag-aagahan sa dining room.

“Wala,” sagot ni JC na ang kaninang tila bored na expression ay napalitan ng amusement.  At nang matuon ang tingin kay Hush, kumislap ang mga mata nito. But her best friend pretended not to see him at ipinagpatuloy lang ang pagkain. “Good morning everyone,” ani JC at naupo sa tapat ni Hush. Sa pinakagitna naman pumwesto si Sean na binati din sila.

“Bakit mo tinatanong si JC?” tanong ni Sean sa kanya.

“Wala. Gusto ko lang malaman,” aniya. Para kay Hush.

“And why in hell do you want to know?” tanong ni Sanji na nakasunod pala. Nakakunot-noong dumiretso ito sa ref. Kumuha ng water bottle at sumandal sa kitchen island. Sinalubong ang mga mata niya. Nagkagulo na naman ang mga paruparu sa kanyang sikmura.

Bumalik sa isip ang nangyari kagabi at kaninang umaga. Nag-init ang kanyang mukha. Nagising siya kanina nang maramdamang may nagmamasid sa kanya. It was Sanji. Nakatayo ito malapit sa malaking bintana. Hindi niya gustong pag-usapan ang ginawa niyang pag-iyak nang nagdaang gabi. At ipinagpasalamat niyang kinatok ito ni JC. Nakatakas siya. Parang gusto siyang pigilan ni Sanji nang dumaan siya sa verandah pero napailing na lang ito at hinayaan siya.

“Spice,” ani Sean nang makitang magsasalita siya. “Huwag kayong mag-away sa harap ng pagkain.”

“O. Sumunod kayo sa daddy ninyo,” sarkastikong sabi ni Sugar. Pinukol ito ng matalim na tingin ni Sean ngunit pinaikot lang nito ang mga mata.

“Bakit ako?” aniya kay Sean, nakakunot-noo. “Ni hindi pa nga ako nagsasalita.”

“Katatapos mo lang magsalita,” ani Sanji.

“Pare,” wika ni Bass. “Leave her alone.”

Napakislot siya sa ginawa nito. Biglang na-guilty sa ginawa kagabi. Hayun na naman ang pakiramdam na nagtataksil siya dito. Na para bang pinapaasa lang niya ito. Ipinilig niya ang ulo. She wanted to be with Bass. Naniniwala siyang magiging masaya siya dito. Kagabi na ang huling beses na may Sanji sa buhay at katawan niya.

“Excuse me?” wika ni Sanji, tiim ang mga bagang. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka kanina pa nailibing si Bass. “Are you trying to tell me to back off now?”

“If you leave her alone could also mean that, hell yeah,” ganti ni Bass. Pumuno ang tensiyon sa ere. Oh my God.

“Enough,” ani Sean. “Huwag ninyong pag-awayan ang kapatid ko sa harap ko.”

“Ow? Akala ko sa harap lang ng pagkain, Sean,” sarkastikong sabi ni Sanji.

“Sanji,” wika ni Spice. Natuon ang mga mata nito sa kanya. Her stomach did a flip-flop. Naalala na namang kagabi lang ay magkasama sila. Pero naalala din ang mga salita nito. I took your innocence. And I hate myself for it. Dahil dapat ay ibibigay mo lang ang sarili mo sa lalaking mahal mo, sa lalaking karapat-dapat sa’yo. At hindi ako iyon. Naikuyom niya ang kamay sa tinidor na hawak. “Will you please shut up? Walang gulo kaninang wala ka dito.”

“Kung gusto mo akong patahimikin, then make me,” hamon nito. “Natitiyak kong alam mo kung paano.” Talagang nilinaw nito sa lahat ang ipinahihiwatig nito. Sa deliberate na paraan, pinako nito ang mga mata sa mga labi niya. At gusto niyang lumubog sa kinauupuan.

Tumiim ang mga bagang ni Bass. Akmang magsasalita ngunit naunahan ito ni Sean. “Sanji,” anitong pinukol na ng matalim na tingin ang kaibigan. “Baka nakakalimutan mong kapatid ko ang kausap mo.”

“Enough!” malakas nang awat ni Hush. “Birthday ni Spice. Kapag inaway mo pa rin, Sanji, bubuhusan na kita ng mainit na kape. Ewan ko lang kung makapag-perform ka pa.” Pinamulahan siya ng mukha. Pero parang effective ang sinabi nito dahil marahang natawa sina JC at Sean.

“‘Sorry,” ani Sanji na kumalma na ang mukha. Pantay ang tono pero ang sulyap na ibinigay sa kanya ay sinserong humihingi ng paumahin. “I hope you enjoy your 80th birthday, Spice.” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito sa dining room.

Namalayan na lang niyang in-excuse ang sarili at tumayo.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon