Chapter Twenty

360 16 1
                                    

Nang mawala ang mga magulang ni Spice, she felt lost and broken. Not only because they were gone; kundi dahil kasalanan niya kung bakit nawala ang mga ito. At hindi niya matagalan ang sakit at guilt na tumutupok sa kanyang pagkatao.

Pagkalipas lamang nang tatlong linggo, tinangka niyang magpakamatay. Nagpalagay siya ng maliit na tattoo ng mga katagang I'm sorry sa palapulsuhan niya kung saan siya masasaktan ng husto. At gamit ang kutsilyo, naglaslas siya. Naabutan siya ni Sean sa kanyang silid. Walang malay at duguan ang palapulsuhan. Nang sandaling makita niya ang pag-aalala sa mga mata nina Sean at Hush nang magkamalay siya, pinagsisihan niya ang ginawa. Pero pagkatapos nang araw na iyon, nakita at narinig na niya ang panghuhusga sa mga mata ng mga tao sa hospital sa Victoria Island na nakakaalam ng nangyari.

The rich girl lost her parents at hindi alam kung paano mabuhay nang wala sila.

Kung buhay ang mga magulang niyang iginagalang sa lugar natin, mas pipiliin pa nilang mawala uli dahil tiyak na mahihiya sila.

What a pity. Matalino naman pero duwag.

At sa bawat salitang iyon, parang gusto niyang magpakamatay uli dahil sa matinding kahihiyang idinulot niya sa kanyang pamilya, lalo na sa alaala ng kanyang mga magulang. At gagawin sana uli niya, kung hindi lang niya nakitang umiyak si Sean. Saka lang nag-sink in sa kanya na kapag bumigay siya, mag-isa na lang si Sean. How would he able to survive if he’d lost his entire family? Kaya nagdesisyon siyang mabuhay. Ginamit ni Sean ang pera para ilihim ang pangyayaring iyon tulad ng hiling niya, at pumayag siyang magpatingin sa psychiatrist. Ibinuhos niya ang lahat ng atensiyon sa negosyo nila, bagaman nanatiling hungkag ang pakiramdam niya. Hanggang sa dumating si Bass. She started to feel again. Pagkatapos ay dumating din si Sanji. He discovered so many things about her. At ngayon, pati mga sugat niya.

Her scars were the deepest reminder of her pain and shame. Ang tanging gusto niya ay habang-buhay iyong sarilinin at ilihim, para kahit paano, magawa niyang magpanggap na hindi iyon nangyari. Hindi na iyon dapat malaman ng iba---lalo na ni Sanji.

Hindi niya kakayanin kung makikita rin niya sa mga mata nito ang awa, disappointment at disgust, tulad nang nakita niya noon sa mga taong nanghusga sa kanya, pati sa mga dating kaibigang sinukuan at iniwan siya nang malaman ang ginawa niya. Mahigit pa sa isang libong beses ang sakit kapag ginawa din iyon ni Sanji. Lalo na kapag nalaman nito ang totoong dahilan kung bakit niya nagawa iyon; ang dahilan ng guilt na dinadala niya, at makita niya ang paninisi sa mga mata nito. At pagtapos nitong ibahagi ang naging buhay nito, ang pagpapakamatay ng ina nito, at ang galit nito sa sariling ina dahil sa ginawang pang-iiwan dito? Ang tanging gusto niya ay magtago.

How silly of her to hope for Sanji Dela Vega to fall for her. Noong unang beses niyang narinig ang nangyari sa ina nito, she should have stopped hoping. Pero ang puso niya, masyado pang nalilito at naguguluhan noon na hindi niya napagtuunan ng pansin ang mas mahalagang bagay. At siguro noon, sa kabila nang subconsciously ay umaasa na siya, mas nangibabaw ang paniniwala niyang hindi tutugunan ni Sanji ang damdamin niya. Pero ngayon, nakita na niya sa mga mata nitong gusto nitong sumubok sila. Sa maikling sandali, nakaramdam siya nang matinding saya. Hanggang sa makita nito ang mga sugat niya.

And it was even more terrifying to see the fear and hate in his eyes; because the woman he was choosing to be with was no different from his mother. At bakit nito gugustuhing makasama ang isang babaeng magpapaalala dito ng ginawa ng sarili nitong ina, na siyang naging dahilan ng pinakamadilim na yugto ng buhay nito? She would repulse him. And it would hurt too much. It would destroy her. Kaya ginawa niya ang bagay na mahusay siyang gawin—ang tumakas.

**********

Hindi niya alam kung ilang oras na ang nagdaan mula nang makabalik sila ni Bass sa Maynila. Madaling araw nang yayain niya itong umalis ng hacienda. Hindi ito nagtanong matapos siyang pagmasdan nang matagal. Wala pang ibang gising maliban kay Sean. Nagtaka man ang kapatid kung bakit napakaaga nilang umalis, hindi na ito nag-usisa. Ibinilin na lang siya kay Bass. Si Hush naman ay sa text lang siya nagpaalam.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon