Chapter Three

399 14 0
                                    

"She wants me back. Na-realize daw niyang mahal pa rin niya ako."

Paulit-ulit sa isip ni Spice ang mga sinabi ni Bass habang nakatitig sa nakasarang pinto ng unit nito. Iniwan siya nito sa porch. Samantalang kapag tumatambay sila doon, siya ang parating nauunang bumalik sa unit niya.

Matapos niyang tumakas kay Sanji, naabutan niya doon si Bass, halatang malalim ang iniisip.

"Do you want to... be with her again?" lakas-loob niyang tanong.

Aalis daw ito bukas patungong Alaska. Na-move daw ang wedding ng sister nito. Two weeks ito doon, hiling ng parents nito na matagal nang nag-migrate sa bansang iyon.

"I'll use that time to think if I still want her in my life," sagot nito, mataman siyang pinagmamasdan na tila ba may hinahanap sa kanyang mukha.

Pero masyadong matindi ang paninikip ng dibdib niya para pansinin iyon. Paano kung ma-realize nito na gusto pa nitong makipagbalikan kay Jean? Inaasahan na niyang magkakabalikan ang mga ito. Pero ngayon lang niya talagang na-realize na umaasa siyang sana ay hindi na bumalik ang babaeng nang-iwan dito.

Nasasaktan siya. Nalulungkot. Natatakot. Nakadama na naman siya ng matinding pagod dahil sa mga emosyong iyon na umaalipin sa kanya. Pagbalik niya sa silid, wala sa loob na hinarap ang laptop. Pagkatapos ay natigilan nang makita ang bumuluga sa kanya sa YouTube.

Mula nang i-upload niya ang video, ngayon na lang siya nag-internet. Ngayon lang niya nakita ang napakaraming comments ng papuri sa ibaba. Overwhelmed, hindi niya iyon magawang basahin lahat. Basta ang alam niya, binigyan na siya ng pangalan ng netizens.

The Mysterious Siren.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon