Alas-nueve na nang gabi nang bumalik sila ni Bass sa villa. Matapos libutin ang ilang lugar sa hacienda, nagtungo sila sa bayan ng Victoria Island at doon nag-dinner. Ang huling gusto niyang mangyari ay magkaharap-harap ang lahat tulad kaninang umaga.
To her relief though, walang awkwardness sa pagitan nila ni Bass. Tulad nang dati pa rin ang kuwentuhan at tawanan nila. Talagang na-flatter siya dahil bukod sa naalala nito ang kaarawan niya, gusto rin nitong makasama siya sa araw na iyon.
Walang tao sa maluwang na sala pagdating nila. Sinamahan niya ito sa isa sa mga guest room. Didiretso na rin sana siya sa kanyang silid ngunit nagpasyang magtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Hindi na nag-abalang buhayin pa ang ilaw. Ngunit saktong pagbukas niya ng fridge, lumiwanag ang paligid. Lumingon siya.
His dark eyes captured hers. Wala sa loob na napasandal siya sa ref dahil biglang nanghina ang mga tuhod niya.
"You're back," flat nitong sabi. Mukhang hindi pa rin nagbabago ang mood. "Iniisip kong hindi kayo dito matutulog."
"At saan naman sa tingin mo kami matutulog?" Naningkit ang nga mata niya. "Iniisip mong magchi-check in kami sa hotel sa bayan?"
Pinantayan nito ang talim ng titig niya. "Wala akong sinabing ganyan. But considering na naisip mo iyan, siguro nga ay nagbabalak ka. Just to fuck with my mind."
"Oh my God. Hindi lahat ng bagay ay tungkol sa'yo, Sanji. And stop thinking the worst about me nang dahil lang ibinigay ko na ang sarili ko sa'yo," aniyang pinipilit kontrolin ang emosyon.
"Fuck," he muttered. Naisabunot ang isang kamay sa buhok at bumuga ng hangin. Nang muling tumitig sa kanya, kitang-kita ang pagsisisi sa mga mata nito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I'm sorry. I'm just..." He bit his bottom lip and shook his head. "I'm sorry, Spice. Pati na rin sa nangyari kaninang umaga."
Bigla siyang nakadama ng pagod. Na-realize na mula nang gabing iyon sa Elite Club at hilingin niya ditong halikan siya, madalas na silang mag-away nito. Madalas na itong magalit. Nawala na ang dating Sanji na ang tanging gustong gawin ay tuksuhin siya. She hated his antics before but now she just wanted the old Sanji back. She missed him.
Ipinilig niya ang ulo. "Tinanong ka ba ni Sean?"
Tumango ito. "Nag-usap na kami. Don't worry. Wala akong sinabi. Maliban sa inamin kong intresado ako sa kapatid niya." Marahan itong tumawa. Umiling. "And of course binalaan niya ako to keep my hands off you. A little late for that though."
Namula siya. "At least alam mo nang hindi ka na makakalapit uli sa akin," sarkastikong sabi niya.
"Sino'ng may sabi?" Mataman siya nitong pinagmasdan. "Kung gusto kitang lapitan, walang makakapigil sa akin."
Lumunok siya. Hindi maikakaila ang matinding tensiyon sa pagitan nila. Pinaliit ang kusina. "Pero hindi mo gagawin."
A muscle twisted in his jaw. Tumango ito. "Hindi ko gagawin."
Ang maliit na pag-asang nagsisimulang umusbong sa dibdib niya ay iglap na namatay na tila isang bagong tanim na butong hindi dinidiligan. There. Diretsang sinabi na nito ang ayaw niyang marinig-that he was truly done with her.
Pero pipiliin niya iyon kaysa sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya nang umagang iyon. At sa ginawa nitong hindi pagpaparamdam pagkatapos na para bang balewala dito ang nangyari; na para bang balewala siya dito. Kung saan sa kabila niyon, umasa pa siya at naghintay na magpapakita ito at sasabihin ang mga bagay na pilit niyang itinatangging gusto niyang marinig mula rito.
Ilang sandaling nanatiling nakatitig lang sila sa isa't isa. At kahit ganoon lang ang ginagawa nila, pinagmamasdan ang mukha ng bawat isa, tila napaka-intimate nang sandali. It was like they were sharing more than what they were doing.
Siya ang unang nagbaba ng tingin. "Babalik na ako sa silid ko," paalam niya at naglakad palabas ng kusina. Nang lalampasan na niya ito ay sinikap niyang huwag dumikit dito. Pero dahil mukhang hindi rin nito napigilan ang sarili, hinawakan siya nito sa braso. Nahigit niya ang paghinga. Samantalang nagpakawala ito ng matalim na paghinga bago siya pinakawalan.
"I'm sorry." His tone was low. "For leaving that morning."
Hindi niya kailangang magpanggap na hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito. "It was better that way. Walang komplikasyon," walang emosyong sabi niya. Hindi magawang tumingin dito. Tulad nang gusto mo.
"And for what I said at the stable. I didn't mean it."
Ang alin? That the sex with her was the best he ever had? O ang sabi nitong sex lang para dito ang nangyari sa kanila? Gusto man niyang malaman pero pinigil na lang niya ang sarili. Ang makausap ito nang hindi nahahawakan at nahahalikan ay sobrang sakit para sa kanya.
"Kalimutan na lang natin ang lahat, Sanji." Muli sana siyang hahakbang nang may naalala. "Mabuti naman at magaling na ang sugat mo."
Marahan itong tumawa pero walang humor. "May sugat pa rin. Hindi lang halata."
Bakit may pakiramdam siyang hindi ang sugat nito sa noo ang tinutukoy nito? "Good night, Sanji."
"Spice?" Nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Hinintay niya ang sasabihin nito. "I like your new hair," he whispered. Kumuyom ang mga kamao nito. "You look beautiful. But then, you always do."
Pinakawalan niya ang pinipigil na paghinga. Naramdaman niyang bumigay ang puso niya na hindi niya magawang magsalita. Sa halip ay nanghihinang humakbang siya palayo. Upang bumalik lang din nang may narinig na pagkabasag na kung ano.
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Roman d'amour"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...