Nang gabing iyon, sa kauna-unahang beses mula nang mawala ang mga magulang ni Spice, nagawa na niyang tumuntong sa kanilang mansion sa White Castle subdivision sa Quezon City. Ang dalawang kasambahay pa rin na sina Elsa at Mia ang naroon na lubos na natuwa nang makita siya. Madalas daw siyang kumustahin ng mga ito kay Sean kapag pumupunta doon.
Dumiretso siya sa dating silid ng mga magulang at iginala ang tingin sa bawat sulok niyon.
Buhay pa ang mga magulang nang ipamahala ng mga ito kay Sean ang Hacienda Fajardo. Kaya naman nang huling taon ng mga ito, mas na iyong mansion ang naging tahanan ng mga ito kaysa sa hacienda. Dahil sa business trip sa iba’t ibang lugar, doon na lang ang mga ito panandaliang umuuwi sa Quezon City. Kaya nang mawala ang mga ito, hindi na niya kayang tumira doon. Bibihira man niyang makita ang mga ito noon, it would still excite her then every time they went home. At missed na missed na niya ang pakiramdaman na iyon; ang pakiramdam kapag nakikita niya ang mga itong dumarating. Even if her mother would only scold the maids if she noticed that her house wasn’t very clean.
Napasandal siya sa pinto. Namalayan na lang niyang pumapatak na naman ang mga luha niya.
“Why?” aniyang nanghihinang napaupo. “Why did you have to leave so soon? At bakit nang araw na iyon mismo? Oo, kasalanan ko kung bakit nawalan ng mga magulang si Sean. At wala akong karapatang humangad na sana maging masaya uli ako. Dahil pagkatapos ng nangyari sa inyo, I don't deserve to be happy, do I?" Pinahid niya ang mga luha. "I'm sorry, Ma. Patawarin ninyo ako ng Papa. Oo, naduduwag akong malaman ng mga tao ang tungkol sa pagtatangka kong magpakamatay. Sariwa pa rin ang mga panghuhusga ng mga taong iyon at natatakot akong mapahiya kayo hindi lang sa Victoria Island kundi sa buong mundo.
"But more than that, ayokong i-reveal na ako si Mysterious Siren because if it weren't for my dream, buhay pa sana kayo ngayon. Paano ko magagawang kumanta sa harap ng maraming tao kung sa bawat sandaling gawin ko iyon, maalala ko that I lost you both because of it? I'm sorry. I'm so sorry..." aniyang tuluyang napahagulhol. Kung gaano katagal siyang nanatili sa kinauupuan, hindi na niya alam.
Namalayan niyang ipinagtatapat sa mga ito ang lahat nang nangyari. At humingi siya ng tawad dahil alam niyang na-disappoint niya ang mga ito sa mga nagawa niyang maaaring magpabangon sa mga ito sa hukay. At nang dumako ang kuwento niya sa sandaling nakita ni Sanji ang mga sugat niya, natigilan siya at napatitig sa kawalan.
“That was the best night of my life. And worst, too...” bulong niya. Because she knew that she finally had him, but lost him too soon. Kung hindi nito nakita ang lihim niya, were they finally together now?
At hindi rin niya mapigilang isipin kung ano ba talaga ang naging reaksyion nito nang makita ang sugat niya. Determinado siyang itulak ito palayo bago pa siya masaktan lalo. At kahit maulit pa iyon, gagawin niya uli ang ginawa niya. Pero may isang bagay ang lalong nagpapadurog ng puso niya. He trusted her with his dark past. Bared his soul to her. Pero nang magpunta ito sa apartment niya kahit sa palagay niya ay gusto lang nitong malaman ang nangyari sa kanya, ni hindi nito iyon ipinamukha sa kanya. Even though she caused him pain and didn’t trust him with her own dark secret, he didn’t make her feel worse.
And because of that, she felt worst.
**********
Nagdesisyon si Spice na sa mansion na muna umuwi. Nang sumunod na mga araw, pagkagaling sa StarCoffee, nililinis niya ang malaking bahay. Iniba niya ang pagkaka-arrange ng mga kasangkapan at bumili ng mga bago. Pinalitan ang mga kurtina at kung ano-ano pa katulong sina Elsa at Mia.
Lalo niyang inabala ang sarili. Umaasang sa paraang iyon, ma-distract man lang siya. Sinisikap ibalik sa dati ang lahat---sa dati bago ang gabing iyon sa Elite Club. Kahit imposible, sinubukan pa rin niya.
But somehow, it wasn't enough. Kahit ano'ng gawin niya, hindi sapat ang mga iyon. Kung brokenhearted na siya noong matapos siyang iwanan ni Sanji kinaumagahan pagkatapos niyang ibigay ang sarili dito, now, her heart was wrecked in a way that she felt it was incapacitated. Because now, she knew that she almost had him.
Almost.
It was ironic. Napalapit siya kay Sanji dahil kay Bass; dahil ayaw na niyang bumalik sa kahungkagan ang buhay niya. Now, she was back to it in full force---at higit na madilim ang lahat sa paligid niya.
Kaya minsan, nahiling niyang sana ay mabura ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Sanji. But it was more painful to even think that, realizing that the memories she had with him were the reason she kept going; the reason she could endure the emptiness that was consuming her entire being.
Nang gabing iyon, kauuwi lang niya mula sa StarCoffee nang dumating si Bass. Nasabi niya ditong doon na muna siya uuwi sa mansion, at ngayon, sumunod ito. May dalang mga pagkain na agad nilang pinagsaluhan. Pero mukhang distracted ito at malalim ang iniisip. Gayunman, nang akmang didiretsahin na niya ito na itigil na ang panliligaw sa kanya, naunahan siya nito. Ikinulong siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng kitchen counter.
“Bass.” Akmang itutulak niya ito sa dibdib nang matigilan. Na-realize na kahit nasaksihan niya itong nasa erotikong tagpo, hindi niya ito tiningnan nang may pagnanasa sa mga mata, tulad nang ginagawa niya kapag si Sanji ang kaharap.
“Don’t,” pigil ni Bass at binigyan siya ng nakikiusap na tingin. "Alam ko na ang sasabihin mo, pero pakinggan mo muna ako, Spice. I don't know what happened between you and him. Pero gusto kong malaman mo na mahal kita," deklara nito, matiim na nakatitig sa mga mata niya. "Kahit noong aminado na akong iharap si Jean sa altar, I’ve always felt something for you. Tuwing nagkakasalubong ang mga mata natin sa corridor, gusto kitang kausapin o batiin. Natakot lang ako na baka hindi mo ako pansinin. Nang malasing ako at tinulungan mo ako, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.
“I was hurting over her and you were my pain reliever. Nakakalimutan ko ang lahat kapag kasama kita. Sumasaya ako kapag napapatawa kita. I’ve always wanted to do that, you know. To make you laugh. Make you smile. Nang unang beses kasi kitang makita, napansin ko na ang lungkot sa mga mata mo. Para sa may maamo at napakagandang mukha, you had the saddest eyes I’ve ever seen. Kaya nang magkaroon ako nang pagkakataong pasayahin ka, hindi ko gustong tumigil. And it’s breaking my heart now to see this pain in your eyes, Spice,” nahihirapang sabi nito at hinaplos ang kanyang pisngi. “Kalimutan mo ang lalaking iyon. And be with me.”
![](https://img.wattpad.com/cover/219457346-288-k68450.jpg)
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...