Chapter Five, Part Two

402 14 0
                                    

"Spice!" Si Hush sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito. "Ako ang best friend mo! Bakit hindi mo sinabi sa'kin na sikat ka na? Kung hindi pa dumaan sa facebook ko ang link ng video mo, hindi ko pa malalaman."

"Sshh," saway niya dito. Isinara ang pinto ng opisina niya sa StarCoffee. "Huwag mong lalakasan ang boses mo at baka may makarinig sa'yo."

"So, wala ka ngang balak ilantad ang sarili mo? Muntik na akong mag-comment at ipangalandakang best friend ko si Mysterious Siren."

"Hush, no! Hayaan mo na lang 'yong video. Makakalimutan din nila iyan."

"I doubt it. People love your song. Kung wala ka naman palang balak magpakilala, bakit in-upload mo ang video?"

Bumuntong-hininga siya. "Bass inspired me. Binuhay niya ang pangarap ko. And with him, pakiramdam ko kaya kong maabot iyon. Kaya sinubukan ko. Pero hindi naman ako umasang may papansin no'n. At nang makita kong nag-viral ang video, natakot ako, Hush. Hindi ko kayang pumasok sa mundong iyon."

"Spice---"

"Hahalungkatin ng reporters ang buhay ko, ang nakaraan ko. Hindi ko kayang harapin iyan."

"Oh." Of course, naiintindihan ni Hush. Ito at si Sean ang nanatili sa tabi niya nang mga panahong iyon. At nangako siya sa dalawa at sa sarili. Isang pangakong sinisiguro niyang tutuparin. Kahit hindi pa rin niya mapatawad ang sarili sa nangyari noon. "Spice, hindi ka naman nila huhusguhan dahil---"

"Oh, they would," mapait niyang agap, naalala ang mga narinig noon sa paligid niya. Ang mga taong nang-iwan sa kanya. "And I don't think I can deal with another pain and rejection, Hush. And not from the people who admire my music. Kung susuklian ni Bass ang nararamdaman ko, sapat na iyon sa'kin. Ang importante, masaya na ako kasama siya." Pero nang sabihin niya ang mga salitang iyon, ang nangyari sa kanila ni Sanji ang nasa isip niya. Ininitan na naman siya.

Humugot nang malalim na paghinga si Hush. "Basta nandito lang ako para suportahan ka, Spice. Alam mo iyan. Ano nga pala ang nangyari sa inyo ni Sanji kagabi?"

Tumigil sa pagtibok ang puso niya. "Bakit mo naman ako hinayaan kay Sanji, Hush?"

Tumawa ito. "Alam ko naman kasing safe ka do'n dahil kaibigan siya ni Sean. At kinilig ako dahil ang hot ng posisyon ninyo kagabi sa may CR, huh. Come to think of it, naalala kong parati nga pala siyang nakikipag-flirt sa'yo. At kagabi, he was seducing you, wasn't he?"

Oh, kung alam lang ni Hush ang buong nangyari. Pero ayaw niyang magkuwento. Kahit naman kasi nag-suggest ito na magkaroon siya ng experience, natitiyak niyang hindi pa rin nito inaasahang gagawin niya iyon. Isa pa, mas mabuting sarilinin niya ang nangyari kagabi. Sa paraang iyon, it would feel less real. Nagpaalam na lang siya dito sa kabila nang protesta nito. Hindi pa natatagalan nang matapos ang tawag, nag-message si Bass.

Hey. Gusto kitang makita bago ako umalis. Pero mukhang tulog ka pa since wala ka sa StarCoffee. Just rest at mag-iingat ka parati. I'll see you when I'm back.

Nakonsensiya siya. Galing na ito kanina sa StarCoffee, ngunit ipinasabi niya sa assistant na wala pa siya roon. Tanghali ang flight nito at alam niyang magpapaalam sa kanya. Pero wala siyang lakas na harapin ito. She loved him. Pero sa ginawa niya kagabi... parang nagtaksil siya dito. Ipinilig niya ang ulo. Ilang sandali rin ang nagdaan bago nakumbinse ang sarili na para naman dito kung bakit nagawa niya ang ginawa kagabi, at nagpasyang sundan ito sa airport.

"Parang nalungkot siya nang sabihin kong wala ka dito," wika sa kanya ni Meredith nang magpaalam siya dito.

"Susundan ko na lang siya."

Napangiti ito. "Go, Miss! Boyfriend mo na? Bagay na bagay kayo."

Ngumiti siya. "Thanks, Meredith. Ikaw na ang bahala dito." Paglabas niya ay nakasalubong niya si Tara na papasok sa coffee shop.

"Hep, hep. Ano'ng nangyari kagabi? Did you sleep with Sanji Dela Vega? Is he huge? He looks gifted. Is he great in bed? Mahusay humalik?" Sunud-sunod nitong tukso.

Kahit gusto niyang mapahiya sa mga tanong nito, parang gusto niyang ipagmalaki that what happened was insanely, disturbingly delicious. Pero naalala na naman niya si Bass at nakadama ng guilt. "Tara, baka may makarinig sa'yo. Walang nangyari, okay?"

Natawa ito. "Ano ba iyan. Akala ko pa naman, may good news ka ngayon. Ang hot kaya ni Sanji." Nanunukso pang kumanta ito. "Stay, stay for the night, hold me..."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ang kantang iyan..."

"Viral ngayon ang song na 'to. Love it. Gusto mong mapanood ang video? Napakaganda. Nakadagdag lalo ang mysterious effect."

"M-mamaya. Flight ngayon ni Bass. Susundan ko siya," aniya at nilampasan na ito.

"That's my girl. Good luck!" Kailangan niya iyon, kahit hindi naman siya magtatapat.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon