Chapter Twenty-Three

538 16 0
                                        

Dalawang araw matapos ang pag-uusap na iyon sa cell phone, hindi sinasadyang nakita ni Spice si Sanji. Malakas ang buhos ng ulan nang gabing iyon. Kalalabas lang niya sa StarCoffee. Nag-commute lang siya at kasalukuyang nag-aabang ng taxi nang lumabas sa kaharap na restaurant si Sanji. Agad na sumalakay ang tuwa, kaba at excitement sa dibdib niya. Pero iglap din iyong naglaho. May magandang babaeng naka-abre-siete dito. Ito ba ang tumawag ditong "babe"?

May ibinulong ang babae kay Sanji na bahagyang ikinatawa nito. Something bit her chest. Hard. And then, their gazes locked. Tuluyan na siyang naubusan nang hangin. Heat spreaded through her like wild fire.
Sinubukan niyang ngumiti. Pero hindi ito gumanti. Lumampas ang tingin sa kanya, parang tinitingnan kung may kasama siya. May kung anong sinabi dito ang babaeng kasama nito. Nakinig si Sanji habang nanatiling nakatitig sa kanya. Saka binalingan ang babae at nginitian. He might as well have stabbed her.

Nagmamadaling sumakay siya sa tumigil na taxi sa harap niya. Saan ang mga ito pupunta pagkagaling sa restaurant? Were they going to do it? Oh, God. Mula pa nang marinig niya ang "babe" na iyon noong isang gabi, nasasaktan na siyang isipin na gagawin iyon ni Sanji sa ibang babae. She couldn’t think about him letting any other woman touch him. Alam niyang maraming babae na ang nagdaan dito dahil sa reputasyon nito. And it was pathetic to think that somehow, he wouldn’t want any other woman touching and kissing him. She wanted to think that somehow, he only wanted her and her alone to do those things to him. With him.

Ipipikit na sana niya ang mga mata sa sobrang sakit na nararamdaman, nang mapansin niyang iniliko ng driver ang taxi sa isang madilim na eskinita. “Manong, bakit dito tayo dumaan?”

“Shortcut ito patungong White Castle subdivision, Miss,” anito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagiging malikot ang mga mata nito sa rearview mirror.

Nagsimula nang kabahan si Spice. Pinagana ang isip kung ano ang dapat gawin sa sitwasyong tulad niyon. Nararamdaman niyang may balak ang driver. Alas-diyes na nang gabi at madilim ang daan dahil magkakalayo ang mga poste ng ilaw. Wala ring mga tao sa labas nang nadaanan nilang mga bahay dahil malakas ang buhos ng ilan. Marami na ngayon ang nabalitaan niyang naging biktima ng mga masasamang loob na taxi driver. At mukhang mapapabilang na siya sa mga biktima ngayon.

Oh my God. Palihim niyang hinanap ang cell phone sa pouch. Pikit-matang nag-emergency call sa numerong kabisado niya at sa taong una niyang naisip tawagan. Si Sanji. Ngunit kahit nasa back seat, nakita pa rin siya ng taxi driver at naglabas ito ng kutsilyo. Nanginginig pa ang kamay.

“Subukan mong tumawag, Miss. Hindi na magtatagal ang buhay mo,” determinadong wika nito. “Ibigay mo sa akin ang cell phone at wallet mo. Maging iyang hikaw mo,” utos nito.
Alam niyang kung magmamatigas siya o magpa-panic, lalo itong magagalit at baka lalo siyang mawalan nang pag-asang makatakas.

Ibibigay na lang niya dito ang gamit nang biglang may nag-overtake na kotse sa kaliwa nila at pa-slant na tumigil sa unahan ng taxi. Mabilis ang pagprenong ginawa ng taxi driver at malakas na napamura. Napasubsob pa siya sa sandalan ng passenger seat.
Pag-angat niya nang tingin, iba’t ibang emosyon ang nadama niya sa nakita. Bumaba si Sanji at tiim ang mga bagang na naglakad sa ulanan patungo sa driver’s seat ng taxi.

Napamura ang driver. “Huwag kang kikilos ng masama,” utos nito sa kanya bago ibinaba ang salamin. “Ano’ng problema---” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil kuwenelyuhan na ito ni Sanji.

“Sanji, may kutsilyo!” babala niya. But her gorgeous man was alert. Iaamba pa lang ng driver ang kutsilyo nito ay naagapan na iyon ni Sanji. Kinuha nito ang patalim saka kinaladkad ang driver, sa bintana pinadaan.

Okay. That was the hottest thing she’d ever seen. Pero hindi iyon ang oras para maglaway kay Sanji. Kumilos na siya. Saktong pagbaba niya, sinuntok ni Sanji ang driver at bumulagta sa kalsada. Duguan ang bibig, sunud-sunod na nagmura.

Pinaglaruan ni Sanji sa kamay nito ang kutsilyo. “Sinagot ko ang tawag mo at narinig ko ang sinabi niya. Did he hurt you?” anito sa kanya bagaman nanatiling nakatingin sa driver. Nag-iigting ang mga ugat sa kamao at sa panga.

“No,” sagot niya at lumapit dito. Basang-basa na sila ng ulan. “Huwag mo na uling suntukin.”

“You have no idea, no idea sa kung anong gusto kong gawin sa pagtatangka niyang gawan ka nang masama.” His jaw twisted. Tila pilit pinipigilan ang galit.

“Pasensiya na, boss. Kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera dahil may sakit ang anak ko,” umuubo pang sabi nito. Ang lahat ng pangambang naramdaman niya ay naglaho at napalitan ng awa.

“Maghanap ka ng pera sa matinong paraan,” angil ni Sanji. “Pasalamat ka dahil nakasunod ako. Kung hindi, pagsisisihan mong ipinanganak ka pa kung may nangyaring masama kay Spice.”

“Wala ho akong ibang gagawin. Pera lang talaga ang kailangan ko. Patawarin ninyo ho ako, boss.”

“Sa police station ka magpaliwanag,” asik ni Sanji bago kinuha ang cell phone nito. Walang pakialam kung mabasa iyon ng ulan; tinawagan ang police station. Nagmakaawa ang taxi driver ngunit wala na itong nagawa.
Kinuha ni Spice ang wallet at naglabas ng ilang libo at akmang lalapit sa driver na humahagulhol na. Pero pinigilan siya ni Sanji sa braso. “What are you doing?” kunot-noong tanong nito.

“May sakit ang anak niya. Kailangan niya ng pera.”

Bumakas ang disbelief sa mga mata nito. “Are you kidding me? Naniniwala ka sa sinasabi niya? Kung hindi ako dumating, he could have raped you.” He flinched. Tila hindi nito gustong isipin kung ano ang maaaring nangyari sa kanya. And she knew how worried he was for her that it made her heart smile.

“Pero dumating ka. Wala namang nangyaring masama sa akin. At saka baka talagang kailangan lang niya ng pera.” Pinakawalan niya ang braso at nilapitan ang taxi driver. Sanji was with her, ready to protect her anytime. Wala itong alam na kahit ilang distansiya ang layo nila sa isa’t isa, basta naroon ito, safe pa rin ang pakiramdam niya.

Nadurog ang puso niya nang umiiyak na nagpasalamat ang driver at paulit-ulit na humingi ng tawad. “Pasensiya na rin kung kailangan ka naming dalhin sa police. Sana matuto ka sa nangyari ngayon.” Sunud-sunod itong tumango. Doon niya natiyak na nagsasabi ito ng totoo tungkol sa anak nitong may sakit.

Tumingin siya kay Sanji. Pinaraan nito ang kamay sa buhok at mukha nito, upang kahit paano ay punasan ang mga tubig-ulan, bagaman imposible iyon dahil lalong lumakas ang ulan. Her stomach twisted. Pinagmamasdan siya nito sa paraang tila hindi nito alam kung ano ang gagawin sa kanya nang sandaling iyon. Iba’t ibang emosyon ang mababakas sa mga mata.
Disbelief, respect, awe and something else. Then there was desire. Automatikong nag-react ang mga sensitibong parte ng katawan niya. Naaalala ang mga sandaling magkasama sila. Those moments when they were kissing, touching, exploring and memorizing each others’ nakedness, as it intensified the deep connection they already shared. At ngayon, umalipin sa kanya ang matinding pangungulila niya dito sa nakalipas na mga linggo.

Lalong uminit ang mga titig sa kanya ni Sanji, na para bang nabasa kung saan tumatakbo ang isip niya. At natitiyak niyang gusto nitong hilahin siya at siilin ng halik. Excitement washed over her. Naramdaman din niya ang init na nagmula sa kanyang leeg hanggang sa ibaba ng kanyang puson. But the hot, magical moment was ruined, nang marinig nila ang paparating na sirena ng police. Sabay nilang binawi ang mga titig sa isa’t isa.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon