Chapter Nine, Part Three

382 15 0
                                    

Her heart stopped beating. Magulo ang buhok nito na tila sinuklay lang sa pamamagitan ng mga kamay. He was naked from the waist up and it made her mouth went dry. When would he ever stop looking effortlessly attractive, sexy and panty-dropping HOT? Nakalimutan niya ang pinag-uusapan nila ni Manang Juliana. Lalo na at bumaba ang tingin niya sa abs nito at pababa sa... Nahigit niya ang paghinga.

"'Morning, Manang. Kung ano-ano na naman ang sinasabi ninyo kay Spice," bati ni Sanji pero ang mga mata ay nakatuon sa kanya. The mischievous glint was clear as if reading her mind. "And you." Naglakad ito palapit sa kanya. "Sa ikalawang pagkakataon, nagising akong wala ka sa tabi ko. And I didn't like it." Inilapat nito ang dalawang kamay sa counter sa magkabilang gilid niya, caging her in.

And she felt lost under those dark eyes. "Hi," she greeted breathlessly.

Umangat ang sulok ng mga labi nito sa isang lopsided na ngiti. Kumikislap ang mga mata. "Hi lang?" Bahagya nitong ikiniling ang ulo. Gusto niya itong halikan kahit ayaw nito. Sinulyapan niya ang kinaroroonan ni Manang. Ngunit wala na ito at silang dalawa na lang ng binata ang naiwan.

"Sanji. Kasasabi ko lang kay Manang na hindi mo ako girlfriend---"

"At na may mahal kang iba," dugtong nito sa pantay na tono. Nawala ang kislap sa mga mata. Kanina pa ba ito nakikinig sa usapan nila ni Manang Juliana? Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla niyang nahiling na hindi nito iyon narinig kahit pa sabihing alam na nito iyon.

"She cares about you. Huwag daw kitang sasaktan."

He smirked. "Sundin mo si Manang."

"Sanji..." Mataman niya itong pinagmasdan. "Ang ginagawa nating 'to, this won't hurt you, right? I mean, hindi ko sinasabing baka nagkakaroon ka na ng feelings sa'kin dahil imposible iyon. Gusto ko lang masigurong---"

"Bakit imposible?" agap nito.

"What?"

"Nothing." Bumuntong-hininga ito. "You won't hurt me, okay? Physically, yes. Dahil sa matinding attraction ko para sa'yo. Pero emotionally? Nilinaw ko na sa'yo that I don't do romance. Kabilang na doon ang iba pang emosyong puwedeng maramdaman ng isang lalaki sa isang babae maliban sa atraksiyon. Pareho nating alam kung ano ang pinasok natin. At ayoko ring isipin mo na nandito lang ako para tulungan at protektahan ka mula sa ibang lalaki na posibleng nilapitan mo nang gabing iyon. I'm not selfless, love. Like I said, I enjoy pleasuring you. In fact, I'm enjoying it way too much."

"Okay," namumulang sabi niya. Pero bakit parang bumigat ang dibdib niya sa mga narinig? Pinawi niya iyon sa isip. At least, safe ang feelings ni Sanji.
Marahan itong natawa. "Spice, love, bakit hindi mo ako bigyan ng hickey?" Lalong inilapit nito ang mukha hanggang sa halos magdikit ang mga labi nila. "Gusto kong malaman kung natatandaan mo ang mga itinuro ko sa'yo," paos nitong tukso.

"Sinabi mong fast-learner ako. O nakalimutan mo na ba?" automatikong ganti niya at ipinaikot ang mga braso sa batok nito.

"No. Pero kailangan ko uli ng proof."
She had a better idea. Masuyong hinalikan niya ang sulok ng mga labi nito. At inulit iyon sa kabila na para bang nanunukso. He groaned. Humigpit ang pagkakahawak nito sa bar counter sa magkabilang gilid niya. Saka napipilitang inilayo ang mukha sa kanya. Nasaktan siya.

"Bakit ayaw mong halikan kita? May rules ka ba or something na p-in-pleasure mo lang ang mga babae mo sa iba at isang libong paraan maliban sa paghalik sa mga labi?" sarkastikong sabi niya upang itago ang hapding naramdaman sa dibdib. Gustung-gusto niya itong halikan.

"Your lips are addicting," anito. Tinitigan siya sa mga mata. "Kissing you makes me want to devour your mouth. And if I keep doing that, I might end up fucking you senseless." Tumiim ang mga bagang nito. "'You up for that yet?"

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon