Hindi mapigilang ma-amused ni Spice. Kapag may nagyaya kasi sa kanyang sumayaw, itinataboy ng tatlo, lalo na ni Hush. Hindi daw iyon ang hinahanap ng mga ito para sa plano.
"Geez, saan ba nagtatago ang guwapo at hot na mga lalaking iyon?" sabi ni Tara at luminga sa paligid. "Usually, nakakasalubong ko agad sila."
"Maybe in hell. Hinuli ni Satan para i-train upang mas maraming mapaglaruang babae dito sa Earth," bulong niya at bumuntong-hininga. Sinubukang tumingin sa paligid, pero bumalik lang din sa mga kaibigan ang tingin. Pinatanggal ni Hush ang eye glasses niya. At dahil malabo ang mga mata, sumasakit ang mga iyon sa iba't ibang kulay ng disco lights.
Right. Somehow, napadpad sila sa Elite Club, isang bar na dinarayo daw ng mga celebrity. Pagkatapos nang "torture" na ginawa ng mga ito sa kanya, nag-suggest si Tara na mag-bar sila para magawa na daw nila ang operation 101-ang ihanap siya ng date na magbibigay sa kanya ng "karanasan". Natural, tumanggi siya. Pero nakasalubong nila si Bass kasama ang mga kabanda nito.
Naramdaman na naman niya ang pait sa dibdib. Ang totoo, nang mabanggit ni Hush na baka attracted sa kanya si Bass, nagkapag-asa siya. Naisip ang mga pinagsamahan nila nitong nakaraang tatlong buwan; ang paraan kung paano siya nito napakadaling patawanin kapag pagod. Ang pagbisita nito sa kanya sa StarCoffee, para lang sabihin sa kanya na ang gawa niyang coffee ang paborito nito. Ang pagkanta nito sa kanya as if meaning the lyrics. At ang pag-alaga sa kanya no'ng nagkasakit siya. Naisip niya na siguro, may pag-asang mahalin din siya nito. Pero nabasag din ang pag-asang iyon.
Kanina, hindi na marahil nakatiis ang mga kaibigan ni Bass at tinukso sila sa isa't isa. Pero ngumiti lang si Bass at sinabing magkaibigan lang sila. Saka siya pinaalalahanang umuwi agad dahil kagagaling pa lang niya sa sakit. Nakadama siya nang matinding tampo at sama ng loob. Kaya ginawa niya ang kabaliktaran nang sinabi nito. Sa halip na umuwi na, pumayag na lang siyang magtungo sa bar. Bahagya lang inintindi ang plano ng mga kaibigan dahil sa nararamdaman nakabuhos ang atensiyon niya.
Pagod na siyang masaktan. Pagod na siyang paulit-ulit na sabihin sa sarili na hindi na siya naghahangad sumaya dahil hindi iyon totoo. Because she wanted so badly to be happy. At si Bass... ipinaramdam nito sa kanya na may kakayahan pa ang puso niyang sumaya. Dahil dito, muling nagkaroon ng buhay ang puso niya. Lumiwanag ang madilim niyang mundo. She found a ticket to happiness and it was him.
Pero ngayong humihiling na ang puso niya na tratuhin din siya nito nang higit pa sa isang kaibigan, she felt like sinking back in the dark sa katotohanang hindi nito matutugunan ang damdamin niya. Hahayaan na lang ba niya ang sariling bumalik sa kadilimang unti-unti na sana niyang nalalampasan?
Sumimsim siya ng vodka. No, hindi na niya gugustuhin pang bumalik doon. Pero ano'ng gagawin niya? She couldn't just go and kiss a stranger. At since wala siyang karanasan, hindi niya kayang akitin si Bass. Gayumin na lang kaya niya ito? Marahan siyang natawa doon.
Sinasabayan ng mga kaibigan ang rock music nang magpaalam siyang magtutungo sa restroom. Binalewala ang bahagyang pagkahilong naramdaman. Hindi iyon ang unang beses na uminom siya ng alak. May collection ng mga alak si Sean sa cellar ng villa. Ang totoo, nakainom siya nang mangyari ang particular na insidenteng iyon. Napatitig siya sa mga letrang nakaukit sa rubber bracelet niya. Bago humugot nang malalim na paghinga at kinalma ang sarili.
Paglabas niya, nabigla pa siya nang may humawak sa braso niya at hinila siya sa madilim na sulok ng hallway saka isinandal sa haligi. Naipit siya sa pagitan ng haligi at nang matigas na katawan. Agad siyang nagpumiglas.
"Hey! Bitiwan mo-"
"Stop wriggling, you little vixen. O lalo kang matatakot sa binabalak kong gawin sa'yo," wika ng pamilyar na boses. Napasinghap siya at natigilan. Pag-angat ng tingin ay sinalubong siya ng itim na mga matang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/219457346-288-k68450.jpg)
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Roman d'amour"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...