Nang gabing iyon, dinalhan si Spice ni Bass ng special dinner na galing sa restaurant nito. Magkasalo silang kumain. Saka tumambay sa porch. Muli siya nitong kinantahan: Statue by Lil Eddie. At nang inawit nito ang part na, "I'm like a statue, stuck staring at you", lalo siyang nahulog dito. Dahil doon, pansamantalang nawala ang pagkailang niya sa binata dahil sa kakaisip ng mga sinabi ni Hush. She was lost in his eyes, and that had her thinking that she had a chance.
Pero natapos ang kanta at iminungkahi ni Bass na magpahinga na siya. Iglap na naglaho ang pangarap niya. At bumalik lahat nang sinabi ni Hush hanggang sa makatulog siya at magising kinaumagahan. Obviously, nababaliw na ang kaibigan niya. Ni hindi siya marunong makipag-flirt, akitin pa kaya si Bass? Minaneho niya ang pickup patungo sa StarCoffee na restless ang pakiramdam.
Nawala lang doon ang atensiyon niya nang may mamataang pamilyar na bulto sa gilid ng deserted na daan. Inayos niya ang suot na eye glasses at binagalan ang pagpapatakbo ng pickup. Hindi siya nagkakamali. Ang nakasandal sa itim na Porche ay ang isa sa dalawang matalik na kaibigan ni Sean.
Si Sanji Dela Vega.
Effortlessly looking like the most coveted model in men's magazine in his signature business suit, habang nakikipag-usap sa cell phone nito. Iyon ay sa kabila nang mababakas ang frustration sa mukha nang magtungo sa hood ng sasakyan nito at buksan iyon.
He needed help. Hindi si Sanji Dela Vega ang basta-basta nangangailangan ng tulong. Pero mukhang iyon ang kailangan nito nang sandaling iyon. CEO ito ng SDV Entertainment, isa sa pinakakilalang talent agency sa bansa. Magkaklase ito at si Sean at ang isa pang kaibigan ng mga itong si JC Lizardo noong college.
At ang totoo, hindi niya gusto si Sanji. Dalawang beses na itong nagpunta sa Hacienda Fajardo. Ang una ay noong burol ng mga magulang niya. Pangalawa, no'ng nakaraang taon kung saan dalawang linggo itong nanatili doon. At nang minsang nahuli siyang nakatingin dito, inakusahan siyang intresado dito. "It's all right. I know I'm irresistible," nanunukso pang sabi nito. The man was cocky and a skilful flirt. Totally living up his reputation as a playboy. That made her dislike him even more. Pero kaibigan pa rin ito ni Sean kaya natagpuan na lang niyang itinatabi ang sasakyan at bumaba. Saktong malakas na isinara ni Sanji ang hood ng kotse nito saka niluwangan ang necktie.
"Car trouble?" tawag-pansin niya dito.
Bumaling ito sa kanya. His hair was slightly dishevelled---doon unang natuon ang mga mata niya. For some reason, it made him look more attractive, devastatingly so. He was tall, probably 6'2. Had a lean but well-built body, and a face that was way too beautiful to ignore. From his thick, long lashes, upturned nose, strong jawline and sexy lips---Sanji Dela Vega was a walking perfection; at ayon kay Hush-the hottest sex magnet that ever existed. In fact, ito daw mismo ang kahulagan ng salitang sex.
Sinikap niyang pigilan ang pamumula ng mga pisngi nang maalala ang description dito ng kaibigan at ipinilig ang ulo. Saka bahagyang iniangat ang tingin, finally meeting those dark eyes. And something in her stomach twisted.
"Spice." His tone was low, bahagya lang mababakas ang pagkasorpresa. "Ini-stalk mo ba ako sa lagay na'to?"
"W-what?"
Naglaho na ang frustration na nakita niya sa anyo nito kanina. Instead his eyes seemed to be twinkling with laughter now, revealing the playful Sanji na hindi niya maintindihan kung bakit natutuwang tuksuhin siya.
"I know you have a thing for me. Pero hindi naman kailangang dumating sa puntong i-stalk mo ako," amused nitong sabi.
Naningkit ang mga mata niya. Hindi makapaniwala sa narinig. Sa halip na batiin siya, ang walang kwentang mga salitang iyon ang sumalubong sa kanya. Pero ano ba ang inaasahan niya mula sa lalaking ito?
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...