"So, you and Sanji are together?"
Napigil ang tangkang pagsubo ni Spice ng Hershey's. Mula sa pagkakasandal sa hood ng kotse habang nakatanaw sa magandang view sa harap niya, nilingon niya ang nagsalita. Ito ang model sa kasalukuyang ginagawang TV Ad na tungkol sa isang brand ng kotse. Sissy ang pangalan nito. Ilang beses na rin niya itong nakita sa mga commercial. At higit na maganda ito sa personal.
Nasa isang open field ang setting ng commercial, overlooking ang isa sa mga ipinagmamalaking simbahan ng Cebu. Nanood siya ng taping pero bigla siyang nag-crave sa sweets kaya binalikan niya sa sasakyan ang biniling chocolates kanina habang kausap ni Sanji ang director.
"No," sagot niya sa tanong ni Sissy at kusang bumalik ang tingin sa kinaroroonan ni Sanji. Nadagdagan na ang mga kausap nito. Pero nagawa pang tumingin sa kanya. At tulad kanina habang pinapanood nila ang shoot at magkakatinginan sila, aangat ang sulok ng mga labi nito sa isang lopsided na ngiti as if he was amused; watching her as if they were sharing a hot, beautiful secret. Paulit-ulit na binubuhay sa isip niya ang nangyari sa private plane nito. At muli, makakaramdam ng init at pangangailangan ang kanyang katawan. Tulad ngayon.
Binawi niya ang tingin. Naroon na naman ang hindi mapangalanan at nakakatakot na emosyong pilit na kumakatok sa puso niya. Tila nagbababalang tapusin na ang kabaliwang iyon at bumalik na siya ng Maynila. Pero hindi niya gagawin. At sinisiguro niyang iyon ay dahil lang kay Bass at sa katotohanang ayaw na niyang maging duwag pagdating sa nararamdaman niya dito. Sinimulan niya iyon, kaya ipagpapatuloy niya. Saka na niya iisipin ang konsekwensiya pagbalik ng Manila.
"Hindi?" ani Sissy, mukhang pleased sa sagot niya pero kumunot din ang noo. "What are you, guys, then? Kanina ka pa tinititigan ni Sanji."
Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag nang matuklasang hindi maldita ang kaharap. Mukhang curious lang ito kahit halatang intresado kay Sanji. "W-we're friends," sabi niya. Hindi niya kailangang magpaliwanag dito o kahit na kanino. But hell, ano ba ang tawag sa kanila ni Sanji?
"Hindi ako naniniwala. Nakita ko kung paano ka niya tingnan. Well, ang mga tinginan ninyo." Tinitigan siya ni Sissy.
Hindi ba nito alam na rude ang tumitig? "Magkaibigan lang kami," ulit niya. Attraction. Iyon lang ang nakikita nito sa mga mata ni Sanji. Kaya hindi rin kailangang mag-react ng puso niya sa ipinahiwatig ni Sissy na parang may "something" talaga sa kanila ng binata.
Hindi siya nito girlfriend-nilinaw iyon ni Sanji. Nang ipakilala siya nito kanina sa mga empleyado nito. At nang may nanukso dito kung girlfriend siya, amused na ngumiti lang ito at isang simpleng "no" ang sinabi; hindi man lang siya tiningnan. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kinakaing chocolate.
"Sabagay. Hindi naman nakikipagrelasyon si Sanji," ani Sissy sa nagkibit-balikat. Pero base sa nakita niyang ngiti sa mga labi nito ay natitiyak niyang iniisip nitong friends with benefits sila ni Sanji. "Although ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang may kasamang babae sa set."
"Wala pa siyang dinalang babae sa set?" Napukaw niyon ang interest niya.
"Yep. Kapag nasa trabaho, ayaw niya ng distraction. Won't even screw his employees or talents. Even if he knows that I want to be screwed by him so badly. No offense. Sabi mo magkaibigan lang kayo."
"None taken," aniya kahit na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito at tila natuwa na hindi ito pinatulan ni Sanji. Saka muling nagtanong, "So, he won't sleep with his employees?"
"Nope. He's a good boss. Hindi rin napipikon kahit ilang beses ko nang tinukso, like asking him to spend the night with me. Ma-a-amused lang siya. Sometimes, he would do harmless flirting, too. Kapag may hinahangaan akong talent, sasabihin niya sa'kin na magaling din ako. He's nice like that. Masuwerte ang babaeng seseryosohin niya. I mean, he's hot, funny, rich at bukod sa equal ang trato niya sa mga empleyado niya, ipinaparamdam din niya na importante ang bawat isa sa kompanya niya." Tila nangangarap na bumuntong-hininga ito, saka nginitian siya. "You're really pretty by the way."
Nagdesisyon siyang gusto niya si Sissy. "Thanks," aniya. At dahil patuloy na nag-si-sink in sa isip niya ang mga narinig, idinugtong, "Pero allergic sa commitment si Sanji."
Pinaikot ni Sissy ang mga mata. May tumawag dito pero kumaway lang ito bago siya muling hinarap. "Obviously, hindi pa kasi niya nakikita ang babaeng magpapabago ng isip niya. Nag-e-enjoy pa siya sa ngayon sa company ng iba't ibang babae, pero kapag nakilala niya ang tamang babae, he'd change. He needed to be trapped in love for him to want to settle down. At kasama ng ilang libong babaeng nangangarap mapansin ni Sanji, umaasa ako, na ako ang babaeng magpapatibok ng mailap niyang puso. So, good luck, girl." Kinindatan siya nito bago iniwan.
"I'm not interested in him," pahabol niya.
"Sure you aren't," amused nitong sabi. Nakadama siya nang inis dahil ayaw nitong maniwala sa kanya.
Bumuntong-hininga siya at bumalik ang isip sa mga sinabi nito. Akmang-akma ang description nito kay Sanji. Nakita niya kung paano ito makipag-interact sa mga empleyado nito. Kaya nga magaan ang shooting kahit naroon ito. He was an ideal boss. Pero naniniwala ba talaga ang mga tao na kaya lang hindi nakikipagrelasyon si Sanji ay dahil ayaw nitong mag-settle sa isang babae sa ngayon?
Iyon din ang paniniwala mo, Spice. Natigilan siya. Oh, naniniwala siya doon. Inamin pa nga nito kay Sean noon that sleeping with different women made him feel better. Pero paano kung hindi iyon totoo? Not for the first time she wondered if he was suffering inside despite his easy smirks, and his playful and cocky personality. Idagdag pa ang mga sinabi nitong, "Who wants to fall in love if they know what I've seen? That bleeding word can destroy a fucking soul." Inakala nga niya dati na galit ito sa pag-ibig dahil sa hindi niya alam na naging karanasan nito. Pero paano kung hindi iyon ang kaso? Paano kung... takot itong magmahal?
May tila kamay na pumisil sa puso niya sa na-realize. Kung totoo iyon, sino ba ang mag-aakala na ang lalaking idineklara na nag-e-exist lamang para i-pleasure ang mga babae ay takot palang magmahal? Hindi niya iyon inaasahan. His cockiness when he teased her, his intensity when he pleasured her... Nag-init na naman ang pakiramdam niya. Pero ipinilig ang ulo.
Bakit iniisip niya ang tungkol doon? Na para bang nagiging intresado na siya kay Sanji. Hell, no. Never. Kailangan lang niya ito para kay Bass-ang lalaking mahal niya. Right. Kaya nga narito pa ako at hindi tumatakbo palayo, mariing sabi niya sa isip habang pinagmamasdan ang lalaking naglalakad na ngayon palapit sa kanya.
He looked devastatingly beautiful as always. And his hypnotic gaze made her stomach curl. Huminga siya nang malalim at kumagat ng Hershey's.
"'You okay?" anito nang tumigil sa harap niya.
Tumango siya. "I'm fine."
"Ano'ng sinabi sa'yo ni Sissy?"
Nagkibit-balikat siya. "That you don't sleep with your employees."
Amused na ngumiti ito. "I don't." Napakislot siya nang dumapo ang thumb finger nito sa sulok ng mga labi niya. "Chocolate," he murmured, tumaas-baba ang Adam's apple. "Hungry?"
Nag-re-react ang katawan niya sa nakapalikod na init sa mga titig nito. Pero parang natunaw ang puso niya sa gentleness sa tono at gesture nito. Mabilis niya itong itinulak at lumayo dito. "No. Pero anong oras tayo aalis?"
Marahan itong tumawa, na parang bang nahulaan kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. "Now. Pumasok ka na sa kotse. May tatawagan lang ako."
Sa ibang pagkakataon ay baka nakipagtalo na naman siya dahil inuutusan siya nito. Pero pinalampas niya iyon dahil kailangan na niyang dumistansiya dito. "Fine."
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...
