Chapter Five

420 16 0
                                    

She needed to leave.

Iyon ang nasa isip ni Spice habang nagmamadaling pumasok sa elevator. Matapos pindutin ang basement button, isinandal niya ang ulo sa haligi at ipinikit ang mga mata.

Sa isang iglap, pumuno sa isip niya ang imahe ni Sanji na iniwan niyang natutulog sa kama nito. He looked like a sleeping angel. Devastatingly beautiful. Nakadapa ito, tanging boxer shorts lang ang suot, hantad ang hubad nitong likod. And his behind... Oh, God. Walang dudang ito ang kahulugan ng salitang "HOT". At ang mga ipinaranas nito sa kanya sa unang pagkakataon nang nagdaang gabi... Shit, Spice. Nag-init ang kanyang mga pisngi. Then something tugged at her heart. He said she could trust him. At napatunayan niya iyon ngayon. May karanasan na siya, pero inosente pa rin. Tulad nang pangako nito.

Nagising siya kaninang yakap nang isang braso nito, suot pa rin ang underwear niya sa ilalim ng isang oversized t-shirt. Mag-pa-panic na sana siya nang mapatantong binihisan siya nito since nakatulog na siya kagabi. Pero somehow, natitiyak niyang ginawa nito iyon para maging komportable ang pagtulog niya. At na-appreciate niya iyon. It seemed that there was more to the playboy. Bukod sa gentleman, concern din sa kanya. Na nagawang patulan ang kahibangan niya, huwag lang siya mapahamak sa kamay ng ibang lalaki. And the fact that he won't sleep with virgins made her think na para bang ayaw nitong maging dahilan nang pagkasira ng kainosentihan ng isang babae gayong wala naman itong maiaalok. Was he heartless? Heck, no. Niyakap pa siya nito sa pagtulog na para bang pinoprotektahan siya-

Natigilan siya. Talaga bang tinatabihan nitong matulog ang lahat ng babaeng nakaka-sex nito? Hindi sila nag-sex. At that was his bed. But still... natulog ito sa tabi niya at niyakap siya na parang napaka-natural para ditong gawin iyon.

Dahil natural na sa kanyang matulog nang may katabing babae, katwiran ng isang bahagi ng isip niya. Parang sumikip ang dibdib niya. Akala niya ito ang klase ng lalaking umaalis pagkatapos ng hook up. But then, marami siyang maling akala tungkol dito. Ipinilig niya ang ulo. Pero kusa namang bumalik sa isip ang narinig na usapan noon sa pagitan nito at ni Sean...

"This villa is almost empty, Sean. Hindi ka pa ba mag-aasawa?" Paakyat si Spice ng hagdan nang marinig ang mga tinig mula sa verandah. Noong isang araw, dumating ang bisita ni Sean. She remembered Sanji from her parents' burial. Imposibleng hindi. Maliban sa napakaguwapo nito, parating nagakakasalubong ang mga mata nila. At ito rin ang tinutukoy ni Sean na kaibigan nitong may-ari ng isang talent agency.

"Too busy para diyan. Ikaw? Wala pa ring balak makipag-commit?"

Napahinto siya sa pag-akyat sa sinabi ni Sean. Isang tingin lang sa mukha ng kaibigan nito, alam niyang tama ang media. Na ang multi-millionaire na si Sanji Dela Vega ay young, playboy at ultimate heartbreaker. At nagawa pa talagang makipag-flirt sa kanya.

"Your sister has grown up," anito nang bagong dating ito at matuon ang titig sa kanya.

"And if your gaze linger on her legs again, I'll kill you," banta ni Sean.

Kinindatan lang siya ni Sanji. May tila nagliparan sa kanyang sikmura at agad siyang tumalikod bago pa nito makita ang pamumula niya. At kaninang umaga paggising niya, naabutan niya ito sa verandah. Wala itong suot na pang-itaas at natagpuan niya ang sariling nakatitig dito. He was absolutely beautiful. Pero nang lumingon ito, bigla siyang natauhan. At doon nagsimula ang nakakairitang flirting nito. Inakusahan pa siyang intresado daw dito. Kaya nga iniiwasan niyang makasalubong ang landas nito sa villa.

"Na para magbabago ang isip ko," flat na sabi ni Sanji na siyang pumukaw kay Spice.

"Look. Your father was a sick, sadistic bastard at hindi ka katulad niya, Sanji. Hindi mo ba kilala ang sarili mo?" Alam niyang kapag ganoong tahimik ang tono ni Sean, seryoso ang usapan. At hindi dapat siya nakikinig pero hindi niya mapigilan.

"Alam kong dugo niya ang nananalaytay sa akin."

"Bullshit. At talaga bang bumubuti ang pakiramdam mo by sleeping around with faceless women?"

"Hell, yeah. Besides, who wants to fall in love if they know what I've seen? That bleeding word can destroy a fucking soul."

"Alam mo kung ano ang iniisip ko? Someone needs to come along. Someone who'll make you throw away those bullshit thoughts dahil hindi mo kakayaning mabuhay kung wala siya."

"And then what? Ruin her?" ani Sanji sa tila pilit pina-amused na tono. "At kailan ka pa naging expert sa mga ganyang bagay, Sean? Hindi bagay sa'yo, pare."

"No. Kailangan mo siya para makawala ka sa bangungot mo. You'll take care of her and you'll do it well."

"Actually, I don't need anyone."

"I need my sister-my remaining family. And I believe all people need someone beside them, aminin man nila iyon o hindi." Pumasok si Sean mula sa verandah at huli na para umalis si Spice sa kinatatayuan. Bahagyang ngumiti ito sa kanya bago dumiretso sa study.

Ngumiti rin si Sanji, bagaman unamused. "I'll forgive you for eavesdropping since you're sexy in your shorts and oversized shirt, and you're not wearing bra."

Napasinghap siya. "Bastos!"

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Spice nang bumukas ang elevator. At bigla, pakiramdam niya, alam ng mundo ang ginawa niya nang nagdaang gabi. At gusto niyang mahiya. Nagmamadaling tinungo niya ang pickup. Pero natigilan din at lumingon sa pinanggalingan.

Thank you for helping me. I trust your promise that what happened will stay between us. ---Spice

Iyon ang iniwan niyang note sa bedside table ni Sanji. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito lalo na't napatunayan na niyang marunong itong tumupad nang pangako. Besides, hindi naman si Sanji ang uri ng lalaking kiss and tell. Kaya alam niyang wala itong pagsasabihan nang nangyari. Pero parang mali ang umalis siya habang natutulog pa ito. Gayunman, mas makabubuti siguro iyon para hindi na ito mahirapang mag-isip kung ano'ng gagawin sa kanya. Aakto daw itong parang walang nangyari. Pero mas mapapadali ang sitwasyon kung hindi na siya nito makita.

Hindi rin niya alam kung paano ito haharapin. She remembered his intense gaze and it made her shiver, scaring something inside her. Agad niyang pinaandar ang sasakyan.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon