Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa cabin, bumaba na si Sanji mula sa sinasakyang stallion. Saka itinali si Stewart sa isang puno sa tabi ni Alena. Wala si Sean sa villa nang dumating siya. Ang katulong ang nagsabi sa kanya kung nasaan si Spice at hindi na siya nag-aksaya ng oras na puntahan ito.
Nakaisang hakbang pa lang siya patungo sa cabin, nang bumukas ang pinto niyon at lumabas ang dalaga.
He stopped on his tracks. Ganoon din si Spice nang magkasalubong ang mga mata nila. He stopped breathing. Damang-damang niya ang hindi maawat na pagkabog ng dibdib habang pinagmamasdan ito. She looked a little breathless. At base sa bitbit nitong maliit na box, sa hula niya ay naglilinis ito sa loob. Her creamy white skin looked flushed, and Sanji never thought she could look even more beautiful. Her dark brown eyes widened in surprise; then in longing, pain, warmth and... panic? Bahagyang kumunot ang noo niya sa huli.
"H-hi. What are you..." kinakabahang simula nito, binasa ng dila ang natural na mamula-mulang labi. Hindi niya mapigilang sundan iyon ng tingin; at automatikong tinamaan siya ng pagnanasang tila apoy na agad na kumalat sa kabuuan niya. Naikuyom niya ang mga kamao at pinilit ang sariling manatili sa kinatatayuan.
Lumunok si Spice. "Ano'ng... ginagawa mo dito?"
"Hey. Bakit pakiramdam ko hindi ka natutuwang makita ako?" magaang tukso niya, bagaman bahagyang ikiniling ang ulo at sinikap basahin kung ano ang iniisip nito.
Nagkamali ba siya sa naisip na kahulugan nang paglantad nito bilang si Mysterious Siren? But hell. Bukod sa in-upload nitong bagong video ng Whisper kung saan malinaw na makikita ang mukha nito, in-upload din nito ang awiting narinig niyang kinanta nito sa cabin. At tumatak sa isip niya ang panghuling lyrics na idinagdag nito doon: I need you here with me now, I want you here right now. ‘Cause I’m in love with you...
His chest tightened, umaasang iyon nga ang gusto ni Spice. Dahil gusto niyang dumating ang araw na kapag dumating siya, masayang sasalubungin siya ni Spice at ikukulong niya ito sa mga bisig niya. Tulad ng gusto niyang gawin nang mga oras na iyon.
"Of course I am," agad na sabi ni Spice, pero nang ma-realize ang sinabi ay lalong namula ang mga pisngi. Parang nabutunan siya ng tinik sa dibdib. He grinned, suddenly amused. God, she was lovely. "I mean, siguro nakita mo na ang mga video, pero hindi ka dapat nagpunta dito."
Umangat ang isang kilay niya. "Bakit, may kasama ka bang ibang lalaki sa loob? Now, sweetheart, you're breaking my heart." Kung meron nga, baka hindi makalabas ng buhay ang lalaking iyon. Pero hindi rin naman siya naniniwalang meron.
"Oh." Agad itong umiwas ng tingin, umatras ng isang hakbang, bago nagmamadaling pumasok sa cabin.
Whoa. Hindi iyon ang iniisip niyang reunion. At lalong hindi niya hahayaang muli siya nitong takbuhan. Not now. Hindi ngayong inilantad na nito ang sarili sa mundo, knowing that she was finally conquering her fears by fighting for what she wanted.
Inisang hakbang niya ito. Bago pa man nito maisara ang pinto, naroon na siya at pinigilan iyon. Pagkatapos ay hinawakan si Spice sa braso at maingat na hinila palapit sa katawan niya.
"Seriously, Spice. What's going on?" masuyong tanong niya at pinaraan ang mga mata sa kabuuan ng mukha nito. Napakalapit na nito, pero hindi pa iyon sapat. He missed her warmth, her sweet scent, kasama ang kuryenteng iyon na parati niyang nararamdaman tuwing nagdidikit sila. "Gusto kong isipin na ayaw mo akong makita, pero somehow, hindi iyon ang nararamdaman ko. O nagbago agad ang tibok ng puso mo at hindi mo na ako mahal?" Bahagya siyang ngumiti. It was lopsided, playful. Pero seryoso ang nakapaloob sa tanong niya.
Spice looked offended. Pinukol siya nito nang matalim na tingin at inis na pinakawalan ang braso mula sa kanya. Binitiwan ang box at nahulog iyon sa sahig. "Damn it, ano ba'ng tingin mo sa nararamdaman ko, Sanji?" asik nito. "I love you. At nasisiguro ko na kahit lumipas pa ang napakaraming taon, hindi iyon magbabago. Hindi ko lang inaasahan na darating ka ngayon. Sabi mo, ipakita ko sa'yong mahal kita. At nagsisimula pa lang ako sa paglantad bilang si Mysterious Siren," anito at saglit na tumigil para kalmahin ang sarili. "Kaya nga ako umuwi dito sa hacienda para dito ko pa rin magawa sa cabin ang video."
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...