Chapter Eighteen

338 19 1
                                    

Nakadama nang paghihina si Spice matapos kumanta. Tumitig sa labas ng floor-to-ceiling glass window at pinagmasdan ang buwan. Nagulat pa siya nang marinig ang pagsara ng pinto. Bigla siyang napatayo at natigilan. Huminto saglit ang puso niya, at nang muling tumibok ay napakabilis niyon.

Nakasandal si Sanji sa nakasarang pinto. His oh-so-perfect face looked mysterious sa tumatagos na liwanag ng buwan. He looked calm. Matamang nakamasid sa kanya sa paraang tila may nadiskobreng napakahalagang bagay---and there was no way in the universe he would let it go. At natitiyak niya. Narinig siya nitong kumanta.

Wala sa loob na umatras siya at sumandal sa haligi. “W-what are you doing here?” mahinang tanong niya. Sinundan ba siya nito? Iyon lang ang hinala niya kung bakit natunton nito ang cabin. Hindi basta nakikita ang daan patungo doon. Nakita ba siya nito nang umalis siya sa party kanina?

Hindi sumagot si Sanji. Ilang sandaling hinayaan lang nito ang sariling pagmasdan siya. Ang tanging naririnig sa paligid ay ang huni ng mga kuliglig sa labas.

“Bakit hindi mo sinabi?” sa wakas ay tanong nito.

“W-what?”

“Bakit hindi mo sinabing ikaw si Mysterious Siren?”

Tumigil sa pagtibok ang puso niya. There, sinabi na nito. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” aniyang sinikap gawing kalmado ang tono.

“Don’t,” he said softly. “Please don’t lie to me.” Isinandal nito ang ulo sa likod ng pinto at tumingala sa kisame. “This place is lovely. Ito ang lugar kung saan mo ginawa ang video. At nandito na ako nang magsimula kang kumanta kanina. I heard you.” Saglit itong tumahimik. “Nang unang beses kong narinig ang tinig ni Mysterious Siren, sigurado akong may kaboses siya. Though hindi ko matukoy kung sino. Lately, madalas tayong magkasama. I’m admiring your voice when you talk. Kahit nag-uusap lang tayo, it turns me on. Now alam ko na kung bakit naaapektuhan ako ng tinig niya. Because it’s yours. And I’m such a fool and stupid dahil hindi ko agad na-realize iyon.” Dumako ang mga titig nito sa kanya. “Alam mo ba kung gaano ka-unique ang tinig mo? There’s this tiny rasp in it as if you’ve just been made love to. Trust me, it’s enthralling.”

Oh my God. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya. “Please,” mahinang sabi niya. “Huwag mong sasabihin sa iba.”

Mataman siyang pinagmasdan nito. “Pangarap mong maging singer. And you’re only a step away, Spice. Kailangan mo lang lumantad. Bakit ayaw mo?”

Naupo siya, sumandal sa haligi at niyakap ang mga tuhod. Tumitig sa gitara sa sulok. “Gustung-gusto kong pakinggan si Bass kapag kumakanta, lalo na kapag nag-pe-perform siya sa harap ng ibang tao. I admire his passion for music. Matagal ko nang kinalimutan ang pangarap ko. But he made me jealous sa paraang na-inspired ako. He made me want to continue my dream.” Lumunok siya. “Nang in-upload ko ang video, humingi lang ako ng sign. Na kapag may pumansin niyon, ipagpapatuloy ko ang pangarap ko. Hindi ko naisip ang konsekwensiya. Nakalimutan ko, that I wasn’t the same girl anymore. Marami nang nagbago. At ngayon, ayoko nang ma-expose ang buhay ko. Na hindi maiiwasang mangyari sa mundo ng show business.”

“Sweetheart. Itatapon mo na lang ba ang pangarap mo dahil ayaw mong malaman ng mga tao ang tungkol sa buhay mo?” Kalmado ang tono ni Sanji pero naroon ang disbelief. “You have a gift. You’re talented. Gugustuhin ng mga taong malaman ang lahat-lahat tungkol sa’yo. But because you didn’t want them to, isasakripisyo mo na lang ang pangarap mo. Is that right?”

“Oo,” aniyang kumuyom ang mga kamao. Hindi siya nito kailanman maiintindihan dahil wala itong alam. “At hindi magbabago ang isip ko. Hindi ako lalantad.”

“Spice---”

“Please,” mariing agap niya at sinalubong ang mga titig nito. “Drop it, Sanji. Hindi ko ‘to gustong pag-usapan. At kapag sinabi mo sa lahat kung sino si Mysterious Siren, hinding-hindi kita mapapatawad. Hindi ako aamin. At lalong hindi ako papayag na maging talent ng kompanya mo,” seryosong sabi niya.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon