Nagmamadaling pumasok si Spice sa hospital na iyon sa Makati kung saan nurse si Tara. Tinawagan siya nito at sinabing naroon si Sanji. Nabangga daw ang kotse nito sa isang pader. Hindi pa man tapos magsalita si Tara sa kabilang linya, nakasakay na siya sa pickup at mabilis iyong minaneho patungong ospital.
Halos hindi siya makahinga sa matinding kabang nararamdaman. Hindi siya tumigil sa pagdarasal na sana ay hindi malala ang kalagayan ni Sanji. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa araw nang mabalitaan niyang naaksidente ang kanyang mga magulang. At ngayon, talagang hindi rin niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama kay Sanji. Wala rin siyang pakialam na ang ospital ang pinakahuling lugar na nanaisin niyang puntahan. Kailangan niya itong makita.
“Spice!”
“Tara! Kumusta si Sanji? Nasaan siya? Please sabihin mong buhay siya,” frantic niyang sabi.
“Kumalma ka, Spice. Galos lang sa noo at walang seryosong pinsala. He’s in there.” Nagpagiya siya sa kaibigan sa Emergency Room.
She was prepared for the worse. Kaya naman nang makitang nakaupo si Sanji sa infimary bed, may bandage sa noo at kausap ang assistant nito, gusto niyang umiyak sa relief na naramdaman.
“Sanji,” she breathed. Nabaling sa kanya ang attention ng dalawa. Halatang nabigla si Sanji nang makita siya. Pero iglap lamang iyon dahil nawalan na ng emosyon ang mukha nito.
Narinig niyang nagpaalam si Tara sa kanya. Si Joseph ay bahagya siyang nginitian at tinanguan bago lumabas din ng silid. Naiwan silang dalawa ni Sanji sa area na iyon ng ER na wala ring ibang pasyente nang mga oras na iyon.
Humakbang siya palapit. Pero dumako ang mga mata ni Sanji sa kanyang mga paa. At alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon kaya tumigil siya. Feeling hurt, she swallowed the lump in her throat.
“Ano’ng ginagawa mo dito, Spice?” walang emosyong tanong nito.
“T-tinawagan ako ni Tara at sinabi niya ang nangyari. Pumunta ako dito para tiyakin kung ayos ka lang. Nag-alala ako.”
May hindi maipaliwanag na emosyong nagdaan sa mga mata nito pero iglap din iyong naglaho. “Buhay ako. Thanks though,” sarkastikong sabi nito, ginulo ang buhok at tumingala sa kisame.
Tuluyan na siyang lumapit dito at maingat na dinama ang noo nito. “Masakit ba?” she asked softly.
Nahigit nito ang paghinga. “I’m fine. Puwede ka nang umalis, Spice. Thanks for caring,” angil nito. Bago tumayo at naglakad patungo sa pinto.
Sumunod siya. “Sanji, hindi ka pa siguro puwedeng umalis.”
“Gusto ko nang umalis at walang makakapigil sa akin.” At mukhang tama nga ito dahil walang pumigil dito.
“Ano’ng nangyari? Bakit ka naaksidente?”
“Shit happens. Tao ako. Naaaksidente kapag nakatakdang mangyari.”
Bumuntong-hininga siya. “Nakainom ka ba? Bakit bumangga ka?”
“Why do you care kung nakainom ako o hindi?”
“Damn it, Sanji. Bakit nagmamaneho ka kung nakainom ka? Are you stupid?” Nasa parking lot na sila ng ospital. Tumigil sa tapat nila ang sasakyang minamaneho ni Joseph.
Binalingan siya ni Sanji. “Gusto mo bang sabihing sinadya kong maaksidente para makuha ang atensiyon mo?”
“What? Ano ba’ng pinagsasabi mo?”
“Hell if I know,” asik nito. “Just leave, will you? I can’t do this. Hindi tayo puwedeng maging magkaibigan at alam mo iyan. That’s fucking ridiculous. So, please. Hindi na kita gustong makita pa.”
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...