Chapter Four

408 16 1
                                    

Sa kabila ng determinasyon niyang gawin ang balak, nagawa pa ring bumundol nang malakas ng dibdib niya. "I'm..."

Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi ni Sanji. "Relax. Ihahatid na kita sa sasakyan mo. Umuwi ka na at kalimutan ang plano mo. Kung hindi ka pa napapansin ng lalaking iyon, kung hindi tanga, duwag iyon. Hindi mo kasalanan dahil kahit wala kang gawin, matindi ang epekto mo sa mga kalalakihan."

Pakiramdam niya ay sinampal siya ng tatlong beses. Balewala ang mga huling sinabi nito. Nanlamig siya. Suddenly, she felt humiliated. Rejected. And deeply hurt.

Parang gusto niyang... gusto niyang...

Shit.

Nagmamadaling lumabas siya ng VIP room. Bahagya lang inisip kung ano ang nakita nito sa kanyang mukha dahil nahagip niya ang pagkagulat sa mukha nito.

"Spice---"

Pero tumatakbo na siya patungo sa alleyway sa ilalim nang malakas na buhos nang ulan. Malapit na siya sa sasakyan niya nang may pumigil sa kanya at may sumukob nang mabangong jacket sa ulo niya.

"What the fuck, Spice? Hindi mo ba nakitang bumabagyo?" galit na sita ni Sanji.

Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa siya dahil sa exaggeration nito dahil wala namang bagyo. Pero hindi niya magawang ngumiti man lang. Her body was craving for the things he made her feel. At nagagalit siya dito at sa sarili dahil nararamdaman niya iyon, at dahil nasasaktan siya sa rejection nito.

Hinarap niya ito.

"Why did you keep seducing me, Sanji?" asik niya. Tinanggal ang jacket nito at ibinalya sa dibdib nito. "Kung pinagti-trip-an mo lang ako, puwede bang tama na? God, stop making someone feel wanted one moment and rejected the next---kahit na ano pa ang intensiyon mo!"

Na-shock ito sa outburst niya. Pagkatapos ay tila frustrated na isinabunot ang kamay sa buhok. Tinitigan siya. "You don't get it, do you?" Gumalaw ang Adam's apple nito. "What you're trying to do is fucking dangerous for both of us. It is madness."

"You tried to kiss me," mariing sabi niya, tumaas-bumaba ang dibdib. "If you hadn't been flirting with me, at hindi nagpakita ng motibo na attracted ka sa'kin, hindi ikaw ang lalapitan ko para sa kabaliwang 'to."

He stayed still. Ilang sandaling nakatitig sa kanya, na para bang sinisiguro kung tama ang narinig. While his damp hair looked stupidly sexy as the rainwater dripped from the strands and down to his perfect face. The semi-darkness couldn't deny how breathtaking he was. Hindi niya iyon magawang itanggi sa kabila nang nagrurumagasang emosyon sa dibdib niya.

"Hindi mo inaasahang narito pa ako," anito sa mababa at kontroladong tono. "At kahit sino pa ang lalaking napagtuunan mo ng interes dito sa bar ngayong gabing 'to, yayayain mong maging foreplay buddy." Hindi iyon tanong kundi isang kompirmasyon. At malamang nakita nito ang sagot sa mukha niya dahil nagtagis ang mga bagang nito.

"Are you---" he breathed. "Fuck. Are you that desperate?"

"I am," pasigaw niyang sabi. "God, I am. Dahil kung hindi, wala ako ngayon dito sa harap mo at pinapahiya ang sarili ko." She felt helpless. Hopeless. Desperate. Embarrassed. "Alam mo kung ano ang nangyari sa pamilya ko. Kung ano ang nawala sa'kin. But because of him, nagagawa ko nang maging masaya ngayon. He---he is my happiness." Bahagyang nag-crack ang boses niya. "I can't let him go back to his ex nang hindi lumalaban. Kailangan kong makuha ang atensiyon niya. This isn't about him wanting an experienced woman. This is about me gaining confidence as a woman to have the man I love. Kaya kailangan ko ng experience."

Kuyom ang mga kamaong tinitigan siya ni Sanji. His jaw twisted. Hindi mabasa kung ano'ng nakapaloob na emosyon sa mukha nito. "At dahil kilala ko ang pamilya mo, kaya tinanggihan kita, Spice," blankong wika nito. "Talaga bang ang atraksiyon ko lang sa'yo ang naisip mo nang lapitan mo ako, at hindi ang katotohanang matalik kong kaibigan si Sean? O naisip mo na kukonsentehin ko ang nakababatang kapatid niya sa kahibangang ito?"

Siya naman ngayon ang itinulos sa kinatatayuan. "Kapag sinabi mo kay Sean ang lahat ng 'to, I'll kill you, Sanji," nagawa niyang sabihin sa kabila ng nadamang panic sa dibdib. Unti-unting luminaw sa isip ang sinasabi ng munting tinig na kanina pa nagbibigay dahilan kung bakit hindi dapat ito ang nilapitan niya.

Nagrerebelde siya. At nang makita niya si Sanji, ang tanging nasa isip niya ay ang pakikipag-flirt nito sa kanya at ang almost-kissed na namagitan sa kanila hours ago. Dahil doon, ito ang nakita niyang akmang-akma sa balak niya. Nakalimutan kung bakit hindi niya binigyang pansin ang pasimpleng panunukso ni Hush kanina nang makita ang nakakailang na tagpo sa pagitan nila ni Sanji. Off-limits ito. Matalik na kaibigan ni Sean. And now, she'd never been more helpless to get out of this situation. Dapat ay hinalikan na lang niya ito at hindi sinabi ang balak niya. Now, she was doomed.

"That was a cute way to die. Pero hindi ko sasabihin kay Sean, Spice," ani Sanji, nanatiling walang mababakas na emosyon sa guwapong mukha.

"Good," aniyang itinaas ang mukha, kahit na hindi magawang maniwala dito. Naglaro ang mga sitwasyon sa isip kapag nalaman ng nakatatandang kapatid ang pinaggagawa niya. Granted na nasa edad na siya para gawin kung ano'ng gusto niyang gawin sa buhay niya, pero pagkatapos nang mga pinagdaanan niya, mag-aalala ito. At hindi niya gusto iyon. Sean had already been through hell because of her. Ang pinakahindi niya gugustuhing mangyari ngayon ay bigyan ito ng dapat katakutan at ipag-alala, when it came to her way of thinking.

"Although may kondisyon."

"W-what?"

Bahagyang nitong ikiniling ang ulo. "Mangako kang kakalimutan mo ang plano mong maghanap ng experience pati na ang lalaking iyon. Because if your feelings for him drove you into this insanity, hindi siya karapat-dapat sa'yo."

Naningkit ang mga mata niya. Hindi ba nito naintindihan ang mga sinabi niya kanina? Na para bang napakadaling kalimutan ng damdamin niya para kay Bass. Na kaya niyang isipin na mawawala ito sa kanya kapag hindi siya kumilos. Na may karapatan ang lalaking kaharap na utusan siya na gawin ang lahat ng iyon, at sabihing hindi karapat-dapat sa kanya ang lalaking mahal niya.

"Go to hell, Sanji," mariin niyang sabi, tinalikuran ito at binuksan ang pickup niya. Pero nasa likuran na niya ito.

"Oh, hindi pa tayo tapos, Spice," pigil nito. Mababa ang tono, mapanganib. Pinigilan ang kamay niyang nakahawak sa pinto ng sasakyan at hindi iyon binitiwan. Tumigil sa pagtibok ang puso niya. Damang-dama ang init na nagmumula sa dibdib nitong halos nasasandalan na niya. Iyon ay sa kabila nang pareho na silang basang-basa ng ulan.

"Kung hindi mo tutuparin ang kondisyon ko, malalaman 'to ni Sean." Damang-dama niya ang mainit nitong hininga sa kanyang tainga. Lalong nanghina ang mga tuhod niya. "At sa nakikita ko, iyon ang pinakahuling gusto mong mangyari, tama ba?"

She would forever hate him for this. Ang tanging konsolasyon niya, natitiyak niyang wala itong alam sa nangyari noon kung bakit lalong naging protective sa kanya si Sean. Her brother would never tell that to anyone, kahit pa sa pinakamatalik nitong kaibigan, para protektahan siya.

Pumikit siya. "Sasabihin ko sa kanyang sinubukan mong halikan ako."

"In that case, huwag nating sabihin sa kanya." Bago pa siya makapag-react, pinaharap na siya nito at isinandal sa pickup. Inilapit ang mukha sa kanya. Nalaglag ang puso niya. Bihag siya nang walang emosyong mga mata nito. "I would kiss you right now, love. But kissing under the rain is romantic, and I don't do romance. I exist to give nothing but pleasure to women." Saglit na bumaba ang mahahabang pilik-mata nito, at nang muling magsalita, halos magdikit na ang mga labi nila. "Huwag na huwag mo iyong kakalimutan."

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Sasabihin ko sana kay Sean ang balak mo para padapain ka niya. But if you're going to involve me at hayaang mamatay ako sa mga kamay niya kahit hindi pa kita nahahalikan, mas mabuti na ang makinabang ako. Besides, since hindi ako nakikipagrelasyon, ako ang perfect candidate sa binabalak mo. So, why don't we just keep everything between us?" Nanunuyang ngumiti ito, iginiya siya sa passenger seat ng sasakyan niya at binuksan ang pinto. "Ipapakuha ko na lang bukas ang kotse ko. Get in."

Namamanhid ang pakiramdam sa sobrang pagkabigla, sinunod niya ito.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon