“I’ve missed home,” bulong ni Spice habang nakatanaw sa kaberdehan ng paligid at sa kapayapaan ng Hacienda Fajardo. Halos mag-iisang taon din siyang hindi nakauwi.
“Spice, sigurado kang okay ka lang?” untag sa kanya ni Hush sa ikalawang pagkakataon. Sa halip na ang driver, ang kaibigan ang pinakiusapan niyang sumundo sa kanya sa airport. Kailangan niya ang best friend niya, kahit hindi nito alam iyon.
Pilit siyang ngumiti. “Oo naman, Hush. Na-miss ko lang ang lugar na ‘to,” pagsisinungaling niya. Dahil hindi siya okay. One week. One week na ang nakararaan mula nang mangyari iyon. And she was feeling sad all the time. So sad that it hurt.
Naka-relate nga siya sa sinabi kanina ni Hush nang tanungin niya ito kung ano talaga ang nangyari dito at kay JC seven years ago. Kung paanong tumitindi ang poot sa dibdib nito tuwing naaalala ang nakaraan nito, at dahil doon nagpapatuloy ang magulong buhay nito.
Parang siya rin. Nakakaramdam ng poot sa dibdib tuwing naaalala ang pang-iiwan sa kanya ni---ng lalaking ayaw niyang bigyan ng pangalan---nang umagang iyon. Nagpatuloy ang araw, ang buhay niya, but it felt like a mess.
“Ikaw, sigurado kang okay ka lang? Alam mong nandito lang ako for you, Hush,” aniya, knowing na mula nang sabihin niyang uuwi ng Pilipinas si JC, nag-iba na ang mood nito. Sana lang ay hindi niya na binanggit si JC. Hindi niya gustong na-te-tense si Hush. She was strong, at si Spice ay parating handang damayan ang kaibigan; handang ipagtanggol ito sa mga nanghuhusga dito. Pero mas gusto niya ang parating nakangiting si Hush.
“I’m fine,” wika ng kaibigan at ngumiti. “At nandito lang din ako for you, okay? Kung handa ka nang i-reveal si Mysterious Siren, puwede mo akong maging Manager. O PA.”
“PA ka diyan. Sira.”
Nagkibit-balikat ito. “Manager na lang nga.”
“Sanji is looking for her, too, you know.” Lumabas na ang mga salita sa bibig niya bago pa man niya mapigilan. At parang may patalim na humiwa sa dibdib niya. Hindi na ba talaga siya magtatagumpay na mawala ito sa isip niya?
“You can deny it all you want, Spice. Pero alam kong may feelings ka kay Sanji Dela Vega,” naalala niyang sabi ni Tara nang nagdaang gabi.
Hindi siya umimik o kumontra. Dahil nakita siya ni Tara nang umuwi siya nang umagang iyon. How distraught she was. Kung gaano niya pinigilang umiyak pero nang magtanong ito kung ayos lang siya, natagpuan niya ang sariling humahagulhol. Niyakap siya nito. At sa kauna-unahang beses mula nang makilala niya si Tara, tahimik ito. Hindi nagtanong nang kahit ano. Pero hindi pumasok sa trabaho at sinamahan siya buong araw knowing that she needed someone. In fact, wala itong nabanggit na kahit ano tungkol doon maliban kagabi nang tulungan siya nitong mag-empake.
“Nakita ko kung paano ka nag-alala nang gabing maaksidente si Sanji,” Tara said softly. “At kung paanong nang mismong kinaumagahan niyon ay umuwi kang mukhang gumuho ang lahat sa’yo. Siya ang dahilan, ‘di ba?”
Still, hindi siya umamin. Hindi siya aamin sa sarili at sa mga kaibigan. Dahil kapag umamin siya, mas magiging totoo ang lahat. Kaya dapat, sinasarili lang niya iyon. Itatago niya hanggang sa magmukhang hindi nga iyon totoo.
“Of course he would. Hindi iyon palalampasin ng SDV,” sabi ni Hush. Mabuti na lang at hindi nagtanong kung paano niya iyon nalaman. “Ano kaya ang magiging reaction ni Sanji kapag nalaman niyang ikaw si Mysterious Siren?”
Naalala niya ang reaction nito nang sabihin niya ang pangarap niya. His determination when he encouraged her. The faith in his eyes. Mariin siyang napapikit.
“Anyway, hindi mo na pala kailangang maghanap ng experience dahil sabi mo, nililigawan ka na ni Bass. I bet nang makita ka niya diyan sa new look mo, naglaway agad iyon sa’yo. So, kumusta ang panliligaw niya sa’yo?”
Oh, Hush. Gusto niyang matawa. The irony. Kung napaaga lang sana si Bass nang kaunti, hindi mangyayari ang kaguluhang iyon sa dibdib niya dahil hindi siya ma-i-involve kay Sanji.
“Ang sweet lalo ni Bass,” aniya. Parati siya nitong binibigyan ng roses at pinapadalhan ng sweet messages. Sinabi niya ditong kailangan muna niya ng time. Kaya maliban sa sinusundo siya nito sa StarCoffee, hinahayaan na siya nitong unang pumasok sa apartment niya. Hindi tulad dati na tumatambay pa sila sa terrace habang kinakantahan siya nito.
It was crazy, dahil iyon ang pinakahihintay niya. Ang tugunin nito ang damdamin niya. Pero nang mangyari na iyon, kailangan niyang dumistansiya dahil hindi na siya ang dating Spice na nakilala nito. She was different now. Ruined. Tainted.
Malungkot siyang ngumiti. Even her long hair suddenly became boring. And she was desperate for something that wasn’t dreary. Kailangan niya ng bago, ng kulay, dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kalungkutang nararamdaman niya. So, she had her hair cut short, bobcat style.
At ang mas malala, wala siyang nakakapang guilt sa pagkakaloob ng sarili sa ibang lalaki isang araw matapos magtapat sa kanya si Bass---ang lalaking mahal niya. Who was really serious about getting her heart.
Gusto nga sana siya nitong samahan pauwi, pero tumanggi siya. Ikinagagalak niyang ipinaglalaban nito ang damdamin para sa kanya kahit unaware na may malaking dahilan kung bakit kailangan nitong lumaban. Kahit hindi nito alam na may kahungkagan sa dibdib niyang kailangan nitong punan. Dahil pagkatapos ng lahat, naniniwala pa rin siya na ito ang tamang lalaking para sa kanya. Ang lalaking makakapagpasaya sa kanya, at hindi siya sasaktan. After all, ito ang naging liwanag niya nang wala siyang ibang makita kundi puro dilim. At ang pinakamahalaga, he was asking for a relationship---handa itong saluhin siya.
“Bakit parang hindi ka masaya, Spice?” nagtatakang sabi ni Hush. “Ngayon ko lang yata nakitang hindi na kumislap ang mga mata mo habang pinag-uusapan natin si Bass.”
“Siyempre masaya ako,” aniya at muli ay pilit na ngumiti. “Pagbalik ko sa Manila, sasagutin ko na siya.” And she meant it. Kailangan muna niyang mag-move on sa nangyari sa kanya. Para maging handa siyang muling mahalin si Bass. Kaya mabuti na rin na umuwi siya ng hacienda.
At si Sanji Dela Vega na natitiyak niyang nakalimutan na siya nang mga sandaling iyon, he would be nothing but a history. At mananatiling hanggang doon na lang.
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...