"Nervous?"
Napasinghap si Spice sa pagkagulat. He chuckled. Naupo sa leather seat sa tabi niya. "No," pagsisinungaling niya.
Iyon talaga ang nararamdaman niya mula nang sumunod siya sa Traveller's Cafe. Paulit-ulit niyang itinatanong sa sarili kung bakit siya sumunod. He had you at his tempting and promising words, tuya nang isang bahagi nang isip niya. Na kinokontra naman ng isa. Ginagawa ko 'to para kay Bass at wala nang ibang dahilan.
"Ano'ng iniisip mo?" amused pang sabi ni Sanji.
Kumabog ang dibdib niya nang makita ang ngiting iyon. Maliban sa pinilit siya nitong kumain sa cafe kanina, hindi na sila gaanong nag-usap. Abala itong sagutin ang mga tawag sa cell phone nito. Tinawagan din nito ang assistant na si Joseph na iuwi sa apartment niya ang sasakyan niya. Silang dalawa lang ang pasahero ng private jet. Pagkatapos niyong mag-taxi, nagtungo si Sanji sa private room nito kaya mag-isa lang siya sa cabin. Ang nag-iisang flight steward na si Drew ay nasa puwesto nito sa likuran. Ngayon lang bumalik si Sanji sa tabi niya.
"Iniisip ko kung uso sa mga CEO ang private plane o chopper," sarkastikong sagot niya dito. May chopper ang kanilang pamilya at may sariling jet na rin ngayon si Sean, pero na-impress pa rin siya sa nakikita sa paligid niya. Mula sa magandang carpeting sa sahig ng cabin, custom leather seats, with a flat screen TV on an arm na puwedeng i-pull out para makapanood ang occupant kung gusto nito, glass coffee table, at sofa. His private jet was as beautiful as him. And he was watching her through his hooded gaze that made her stomach twist.
"Ako, hindi mo tatanungin kung ano ang iniisip ko?"
Na-freeze siya sa tanong nito. May kung ano sa tono nitong nagpaalala na naman ng pinagsaluhan nila nang nagdaan gabi. In fact, iyon ang pilit niyang iwinawaksi sa isip niya kanina pa.
"Puwede bang gamitin ko ang private room para magpalit ng damit?" sa halip ay tanong niya. Bumili siya ng jeans at t-shirt bago siya sumunod kay Sanji sa Traveller's Cafe dahil suot niya ang uniform sa StarCoffee. Sa Cebu na lang siya bibili nang iba pang damit.
Bumaba ang mga titig nito sa kabuuan niya. "Of course," he drawled sexily. "Gusto mong tulungan kita?"
Namula siya. At bago pa man magawang sumagot, naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang hita. "Sanji---"
"Pero bago iyon, since nandito na tayo, figured I'd give you this."
"W-what?"
Bahagya itong ngumiti, bago lumapit hanggang sa gahibla na lang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa. "Ang excitement. Ang thrill. Na dulot ng sex sa public." Pinisil nito ang hita niya. Oh my God. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa arm rest. Pabilis nang pabilis ang pintig ng puso niya. Pinigil din niyang ipag-krus ang mga binti sa kakaibang nararamdaman sa ibaba ng kanyang puson. "Of course, hindi tayo aabot doon. Pero alam mo ang ibig kong sabihin."
Sa mga erotikong imaheng pumasok sa isip niya, naintindihan niya ang ibig sabihin nitong sabihin. Excitement. Thrill. Damang-dama niya ang mga iyon. Nanunuyo ang lalamunan niya.
Hindi niya alam kung anong dating ng reaksiyon niya kay Sanji dahil marahan itong natawa, bagaman malat. "A tip, love. That idiot would appreciate you staring at him as if you want to eat him when you're seducing him. Pero mas lalo siyang ma-e-excite kung magiging responsive ka kapag siya na ang kumilos."
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romansa"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...
