"Hindi mo ako kailangang ihatid, Sanji! At saka, wala ka bang kasamang maiiwan mo?" angil niya nang nasa parking lot na sila at marahas na binawi ang braso mula dito. Sa pagkakataong iyon, pinakawalan siya nito. Tumigil siya sa paglalakad.
"Meron. Pero, hindi date kung iyon ang iniisip mo," amused na sabi nito, hinarap siya. "Kasama ko ang mga empleyado ko. Nag-ce-celebrate kami para sa successful launch ng isang music video. In fact, kararating ko lang nang makita kitang nagtungo sa restroom. And I knew I needed to send you home."
"Why?" aniyang pinupukol ito ng matalim na tingin. "At bakit hindi mo ipinaliwanag kina Hush na wala naman tayong ginawa kanina?"
"Bakit pa ako magpapaliwanag?" anito, umangat ang kilay. Before she knew it, nakasandal na siya sa isang sasakyan at ang dalawang kamay nito ay nakatukod sa magkabilang gilid niya, caging her in. "Obvious naman sa mga makakakita sa atin kanina kung ano ang ginagawa natin."
Damn it! She wanted to kill him. "At ngayon, bakit kailangang ganito tayo mag-usap?" Sinubukan niyang huwag ipahalata na naaapektuhan siya ng husto.
He chuckled. "I like being this close to you. Besides, binibigyan uli kita ng pagkakataon. You can ask me to kiss you now."
"You're delusional kung talagang iniisip mong gusto kong magpahalik sa'yo."
"Oh, I'm only stating facts," smug nitong sabi. "You want me to kiss you. Or maybe, fuck you."
Napasinghap siya. Pulang-pula ang mga pisngi. "Hindi ako intresado sa'yo, Sanji. I'm in love with someone else," nanggigigil na sa inis na sabi niya. "At kung iyan ang paraan mo para makapang-akit nang paiiyaking babae, hindi iyan tatalab sa akin."
"For the record, hindi ko kailangang gawin ang ginagawa ko sa'yo para kunin ang atensiyon ng isang babae. At hindi rin ako nagpapaiyak. They know my terms."
Ang yabang talaga. "Heartless."
"I'm breathing. Sapat na iyon. So, may boyfriend ka?"
Bakit parang hindi ito makapaniwala? "Ano naman sa'yo kung meron?"
Mukhang nairita ito. Bahagyang lumayo sa kanya. "Bakit hinahayaan ka niyang magpunta sa ganitong lugar nang hindi siya kasama? Look at you." Bumaba ang mga mata nito sa kanyang katawan. "Too fucking beautiful and innocent to be left alone."
Tumigil siya sa paghinga. Isang salita lang ang narinig. Beautiful. Sanji Dela Vega thought she was beautiful.
"Kung girlfriend kita, I'll make sure to protect you from the greedy eyes of those assholes in there who were imagining fucking you senseless." Nang oras na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig nito ay tila nagulat din ito. Pareho lang sila. Ngunit hindi lang dahil sa crudeness nito.
"You don't do relationships," wala sa loob niyang sabi, naalala ang hindi sinasadyang narinig noon na usapan nito at ni Sean.
"That's right," anito, biglang nawalan ng emosyon ang tono. Lumayo sa kanya at namulsa. "Just talking hypothetically."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang naglaho ang inis niya dito. Mukhang naalala nitong narinig niya ang naging pag-uusap nito at ni Sean noon. Kung saan mukhang may malalim na dahilan kung bakit ayaw nitong makipagrelasyon.
"Who wants to fall in love if they know what I've seen? That bleeding word can destroy a fucking soul." Iyon ang sinabi nito kay Sean. It was obvious that Sanji had been through something that made him hate relationships. At kung titingnan ang reaksiyon nito sa sinabi niya, halatang gusto nitong protektahan ang sarili sa kanya dahil sa narinig niya noon. At gusto niya itong i-comfort at sabihing safe naman iyon sa kanya.
Kusang kumilos ang kamay niya at hinawakan ito sa braso. Sabay pa silang natigilan. Bumaba ang tingin ni Sanji sa kamay niya. Muling napuno ng tensiyon ang paligid.
"S-sorry," aniya, akmang babawiin ang kamay nang pigilin nito iyon. Ipinatong nito ang isang kamay sa kamay niya. Without meeting her gaze, his thumb finger started tracing the edge of her knuckles.
She tensed. Nanuyo ang lalamunan. Hinuli nito ang mga mata niya. Bago maingat siyang hinila palapit dito hanggang sa halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. The pure heat between them skyrocketed nang ilagay nito ang isang kamay niya sa batok nito, habang ang isang kamay naman nito ay hinapit siya sa baywang. She was lost in the darkness of his eyes, in this sensation that was consuming her. Nakakabaliw ang init na nararamdaman niya.
"Fine. If you don't want to ask me..." Hinayaan nitong nakabitin sa pagitan nila ang mga salita. Malinaw ang gusto nito, ang pagnanasa sa tono nito. It made her shiver. "Just one taste, love," paos nitong sabi. "One taste."
It scared her. Even she was surprised to feel that kind of fear. Kaya nang unti-unting bumaba ang mukha nito, malakas niya itong itinulak. At ginawa ang bagay na alam niyang gawin kapag hindi na niya kaya ang sitwasyon-tumakas siya.
Tinawag siya nito pero mabilis siyang nakasakay sa pumaradang taxi. Ang atensiyon ay nasa init na nararamdaman ng katawan, at sa hindi maipaliwanag na pangangailangan sa ibaba ng kanyang puson.
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...