Chapter Nineteen, Part Two

607 20 7
                                        

“You are amazing. Alam mo ba iyon?” bulong ni Sanji matapos ang mahabang sandali. Tinitigan siya nito, masuyong hinaplos ang kanyang mga pisngi.

Ngumiti siya. “You are amazing, too.” Pagod pero magaan ang nararamdaman niya. Masyadong magaan na ayaw na muna niyang mag-isip ngayon. Gusto niyang matulog. Pero nangangamba din siya na baka paggising niya, panaginip lang ang lahat.

Iniangat niya ang kamay at hindi napigilang haplusin ang guwapong mukha ni Sanji. Napabuntong-hininga ito at hinalikan ang palad niya.
Bigla siyang natigilan. Halos magkasabay na natuon ang mga mata nila ni Sanji doon.

Sa spot kung saan wala na ang kanyang rubber bracelet. O ang silver bracelet na ibinigay sa kanya kanina ni Hush.

He froze. Pumaikot ang kamay nito sa kanyang palapulsuhan at pinagmasdan iyon. Tinitiyak kung hindi ito namamalik-mata.

Hell, no. Sinikap niyang bawiin ang palapulsuhan ngunit hindi nito iyon pinakawalan. Nakikita nito ang tattoo nang maliliit na letra ng salitang “I’m sorry”. At sa ibaba niyon ay ang dalawang malalim at pahabang peklat na nagsilbing underline niyon. Malalim at seryoso na makasisiguro ang sinumang makakita na wala siyang ibang intensiyon kundi huwag nang huminga.

“Spice?” Nagtatanong ang tono ni Sanji.

Pero hindi na siya dito nakatingin. She was afraid to meet his eyes. Nanlalamig siya. Pumasok din sa isip ang dahilan nang pagkawala ng ina nito. I hated her, he told her. “Get off me,” utos niya.

“Spice---”

“Get off me!” sigaw na niya at ubod-lakas itong tinulak.

Dahil nabigla sa outburst niya ay hinayaan siyang makalayo ni Sanji. Mabilis siyang bumangon at nanginginig na muling isinuot ang dress sa kung paanong paraan na lang.

“God, Spice. Will you tell me what’s happening now?” May panic, pag-aalala at frustration sa tono nito habang isinusuot din ang sariling kasuotan. Sinubukan siyang hawakan pero lumayo siya.

“Just leave me alone, Sanji. And I mean it this time,” malamig niyang tugon.

Mukhang magtatanong pa ito, pero may nakita marahil sa kanyang mukha dahil natigilan ito. “Spice,” he said, confused and shocked.

Mabilis na tinungo niya ang pinto. Sumakay kay Alena pabalik ng villa. Saka dumiretso sa kanyang silid at nagkulong. Pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon