Chapter Ten

350 15 1
                                    

“Ihahatid ka ni Joseph. May pupuntahan pa ako,” wika ni Sanji habang palabas sila airport. Bago pa man siya makasagot, may kinausap na ito sa cell phone.

Kinalma niya ang sarili. Habang nasa flight kanina, wala sila gaanong naging imikan. Natulog ito, kaya natulog din siya. Parang ayaw na siya nitong kausapin. Ano ba ang nangyayari? Nag-aaway ba sila? They were getting along hanggang sa magtanong siya ng tungkol sa commitment. Kung alam lang niyang magkakaganoon sila dahil doon, hindi na lang sana siya nagtanong. Hindi niya gustong maghiwalay ang landas nila nang ganoon.

Nang marating nila ang sasakyan kung saan naghihintay ang assistant nito, lalong nadagdagan ang panic na nadarama niya. Hindi siya sumakay sa kotse hanggang hindi ito natatapos makipag-usap sa cell phone. Nang matapos ito ay hinarap siya.

Nagkagulo na naman ang mga paruparu sa sikmura niya. “So, mauuna na ako sa’yong umuwi,” aniya.

May emosyong nagdaan sa mga mata nitong hindi niya mapangalanan. Ginulo nito ang buhok na para bang na-fu-frustrate. “Yeah. I have to go. May isa pa akong flight.”

Her heart sank. “Okay,” aniyang pilit na itinago ang disappointment. Gusto niyang magtanong kung ayos lang sila. Pero parang tanong iyon sa isa’t isa ng mga may relasyon. At wala naman silang relasyon. And for some reason, that hurt. Dahil nang sandaling iyon, hindi niya alam kung saan ilulugar ang sarili. At kahit alam niyang doon na magtatapos ang lahat sa pagitan nila, hindi niya magawang linawin dito na talagang tapos na sila.

Tinitigan siya ni Sanji. Matagal. Hanggang sa malasahan na niya halos ang sexual tension. Na sa palagay niya ay sasabay na lang ito sa kanya sa kotse at ipagpapatuloy ang nangyari sa kanila sa mansion nito bago dumating si Manang Juliana. Ininitan siya.

“Ingat ka,” wika niya. Hindi niya kayang magpaalam.

Gumalaw ang muscle nito sa panga. Mukhang may sasabihin pero nagpakawala na lang ng self-mocking grin at umiling. “Yeah. Ikaw din,” wika na lang nito. Umatras at ikiniling ang ulo. “Go home and rest. Huwag kang magpapadiretso sa StarCoffee,” anito, halatang nahulaan ang balak niya. Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito.

Hindi niya magawang kumilos. Ni hindi nito nagawang magsabi  ng  “see you later”. Hindi na ba siya nito gustong makita uli, kahit bilang... kaibigan?

Muli, naalala niya ang frantic na halikan nila sa kusina ng mansion nito. Paano kung nasa silid sila, o kung hindi dumating si Manang Juliana, na-control pa kaya nila ang kanilang mga sarili? Naroon na naman ang excitement at panic na nadama kanina. Bago niya naramdaman ang kapaitan sa dibdib. Of course. Muntik na silang mawalan ng control at iniiwasan iyon ni Sanji dahil nagtiwala siya dito at hindi siya nito bibiguin---to protect her. Dapat ay matuwa siya because of the kind of man that he was, pero bakit hindi iyon ang nararamdaman niya?

Akmang sasakay na siya sa kotse nang mag-angat siya ng tingin. Itinulos siya sa kinatatayuan. Sanji was walking towards her. Confident ang bawat hakbang nito. Walang bahid ng ngiti sa mga labi. And there was an intense look in his eyes that stole her breath away. God, he was just so handsome. So attractive. So beautiful.

Napaatras siya. “Sanji---” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil hinapit siya nito sa baywang at mariing hinalikan sa noo. Napapikit siya. Nag-uunahan ang mga daga sa dibdib.

Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya bago dumako ang mga labi sa ulo niya. Then said softly, “Be safe, will you?” At bago pa siya makapag-react, muli na itong naglalakad palayo.

Nakadama siya ng kakaibang tuwa sa gesture nito. Pero saglit lang. Nanikip ang dibdib niya sa reyalisasyon.

Tapos na sila. At iyon ang masuyo at pormal na pamamaalam nito sa kanya.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon