Chapter Twenty-One

311 15 0
                                    

Ilang sandaling nakatitig lang si Spice kay Bass nang marinig ang mga sinabi nito. Kung noon niya narinig ang mga salitang iyon, baka umiyak na siya sa sobrang tuwa. Pero ngayon, pagsisisi, panghihinayang at pait ang naging dulot ng mga sinabi nito sa kanya. At dahil sa pinagsama-samang emosyong nararamdaman mula pa kagabi, hindi na niya mapigilang makadama ng galit para sa mundo na mukhang walang ibang gustong gawin kundi pag-trip-an at pahirapan ang buhay niya. At si Bass ang napagbalingan niya, dahil kung kumilos ito agad at ipinaalam sa kanya ang totoong damdamin, hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana siya nasasaktan nang ganito.

“You’re right, Bass,” aniyang hindi na napigilan ang sarili. “I was empty when we met. Nagsimula lang akong makaramdam uli ng excitement when I started crushing on you. And then nabigyan ako ng pagkakataong maging kaibigan mo. Lalo akong nahulog sa’yo. Kapag kasama kita, nakakaramdam ako nang saya na matagal ko nang hindi naramdaman. Kaya no’ng sabihin mong nakikipagbalikan sa’yo si Jean, natakot ako. Kapag nagkabalikan kayo, bukod sa wala na talagang pag-asang magustuhan mo rin ako, hindi na uli tayo magkakaroon nang pagkakataong magkuwentuhan dahil tiyak na pagseselosan na niya ako.

“At alam mo kung ano’ng ginawa ko?”  Patuyang ngumiti siya. “Pinatulan ko ang suhestiyon ng mga kaibigan ko---ang akitin ka. And since I’d never even been kissed, kinailangan ko munang magkaroon ng karanasan. Nang sa gayon, magkaroon ako ng sapat na confidence to seduce you.” Nang itulak niya si Bass, hindi na ito pumalag. Shock at disbelief ang mababakas sa mukha nito. “Siguro naman ay alam mo na kung sino ang lalaking nagbigay sa’kin ng karanasan.”

“Oh, God. Spice. Hindi mo kailangang gawin iyon...” anito sa nahihirapang tono. Naroon ang matinding pagsisisi sa mga mata.

“Pero ginawa ko. I was desperate for you to notice me. To keep you.”

“Then keep me,” anitong hinawakan siya sa magkabilang balikat. “My God. Keep me now, Spice.”

Sa isang iglap ay natauhan siya; bumadha ang pagsisisi sa dibdib dahil nagawa niyang ipagtapat ang mga iyon kay Bass. Wala itong kasalanan. Desisyon niya ang lahat nang nangyari. “I can’t,” pabulong niyang sabi. Malungkot itong tiningnan. “It’s too late. You’re too late. Kung patuloy kitang paghihintayin, magiging unfair lang para sa’yo---”

“Wala akong pakialam, Spice,” determinadong agap nito.

“Pero ako, meron. You deserve better after what you’ve been through, Bass. Iyong babaeng ikaw lang ang mahal at ikaw lang ang mamahalin hanggang sa pagtanda ninyo. At hindi ako iyon.”

“Spice...”

“At para sa ikabubuti nating dalawa, huwag na muna tayong magkita. Nagdesisyon akong umalis na sa apartment at dito na uli tumira. Huwag mo sana akong puntahan dito. I’m sorry.” Pagkasabi niyon ay nagtungo na siya sa kanyang silid. Hindi lumingon kahit tinawag siya nito. Sumandal siya sa pinto at pinagmasdan ang rubber bracelet.

Hindi niya naisip noon kung ano ang magiging reaksiyon ni Bass kung sakaling ito ang nakatuklas sa mga sugat niya. Tatakbo din kaya siya tulad nang ginawa niya kay Sanji? Mararamdaman din ba niya ang matinding takot kung ano ang reaksiyon nito? Ang totoo, hindi niya alam. Sa kabila nang nararamdaman niya noon para kay Bass, hindi niya iniisip kung ano ang opinyon nito sa kanya. Siguro tama si Hush. Because all she cared about was what he made her feel; na masaya siya dito. Samantalang kay Sanji, isang titig lang nito, nagagawa na niyang magsalita tungkol sa sarili niya. As if deep within her, gusto niyang makilala siya nito, at malaman nito ang pangit niyang nakaraan. Kahit sa huli, it only scared the hell out of her.

Ang tanging konsolasyon niya, he was safer from the memory of his past kung wala siya sa buhay nito. Kahit gaano pa siya naduduwag kaya kailangan niya itong ipagtabuyan, gusto niyang maging masaya ito nang hindi nito kailangang mag-alala at matakot na baka tulad ng ina nito, iwanan din ito ng babaeng gusto nitong makasama. For the kind of life that he had, he didn't need someone who would remind him of the darkness he'd been through.

But it still hurt. And everyday without him was the worst kind of punishment to herself. At hindi niya mapigilang isipin kung hanggang kailan niya iyon kakayanin.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon