Chapter Seventeen, Part Three

365 19 0
                                    

Sinadyang iwasan ni Spice si Sanji buong araw. Tutal bukas na ang balik niya ng Manila, mas mabuti nang hindi na sila magkita. Tutal din, pormal na tinapos na nila ang lahat sa pagitan nila.

Buong araw silang naglibot ni Bass sa hacienda. Nangabayo at nag-swimming sa lake. Ipinagpasalamat na lang niya na hindi na nito binanggit ang nangyari sa dining room. Mga alas-kuwatro nang hapon nang bumalik sila sa villa. Nagulat pa siya nang malamang may party na gaganapin para sa birthday niya. Sina Sean at Hush ang may pakana. Alam naman ng mga itong hindi siya mahilig sa party kaya sinorpresa na lang siya. Inimbitahan rin ang malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya at ang mga dating kaklase nila ni Hush.

Nang sandaling iyon ay nasa kanyang silid siya kasama si Hush. Nilalagyan siya nito ng light make up sa kabila nang pagtutol niya.

“So, sasabihin mo kung kumusta ang pakiramdam mo ngayong magkakasama kayo sa iisang bubong nina Sanji at Bass?” mayamaya ay tanong ni Hush.

She tensed. Balak sanang magmaang-maangan pero hindi na niya kayang sarilinin ang buong katotohanan. “Tulad nang sinabi mo, pipiliin ko ang taong makakapagpasaya sa akin. At si Bass iyon.”

“At obviously, pinatunayan niya sa’yo kung gaano siya kaseryoso ngayong sinundan ka niya dahil gusto niyang makasama ka sa birthday mo. Pero nandito rin si Sanji. Ang lalaking mabanggit lang pangalan, parang malalagutan ka na ng hininga.”

“Sinamahan niya dito si JC dahil akala niya naroon ako sa Manila. Hindi niya ako gustong makita,” kalmadong sabi niya sa kabila ng pait na nararamdaman. Naalala na naman ang nangyari kaninang umaga. Nakadama siya nang pagkapahiya sa sarili sa sinubukan niyang gawin pero mas nangibabaw ang mga salita ni Sanji.

“If you could only see yourself through my eyes, you would know how highly I think of you.” At sana lang ay hindi niya narinig ang magandang mga salitang iyon. Dahil mas lalo siyang nahihirapan ngayon. Damn it. Ano ba talaga ang gusto mo, Spice? exasperated na tanong ng munting tinig na iyon. Pero wala rin siyang maisagot.

“Gusto kong hintayin ka na lang magkuwento pero hindi na ako makatiis,” ani Hush. Na-freeze ang blush on sa kanyang cheekbone. Tinitigan siya nito. “You did it, didn’t you? Nilapitan mo si Sanji para---”

“I did, Hush.” Mapait siyang ngumiti. “Ipinagpatuloy ko ang plano natin dahil nang bumalik ako sa bar nang gabing iyon, he was still there. I was desperate. And he was there. He almost kissed me even before that moment at siya lang ang naisip kong perfect choice. Subconsciously, maybe I thought he’s safe sa paraang hindi ako mahuhulog sa kanya dahil siya ang pinakaiinisan kong tao sa buong mundo. At hindi rin siya mahuhulog sa akin dahil hindi siya nakikipagrelasyon.”

Mariing napapikit si Hush at hinilot ang sintido. “I’m really sorry, Spice. Hindi ko dapat isinuhestiyon ang bagay na iyon. My God, I just want you to be happy. Pero ngayon, hindi ka naman masaya.”

“Wala akong pinagsisihan, Hush,” mabilis niyang alo dito. Hindi niya gustong sisihin nito ang sarili. “Kalimutan na lang natin iyon. Ang importante, nagtagumpay ang plano. Nililigawan na ako ngayon ni Bass. Natupad na ang gusto ko.”

Pinagmasdan siya ni Hush, may pagsisisi sa mga mata. “Pero ang problema, hindi na si Bass ang gusto mong makasama.” Magpoprotesta sana siya pero hindi siya nito hinayaan. “At para magawang baguhin ni Sanji ang tibok ng puso mo sa loob nang maikling sandali, pakiramdam ko nahulog ka lang kay Bass dahil gusto mo ang mga emosyong ipinaparamdam niya sa’yo. Dahil pinapasaya ka niya. It seemed that you were only in love with the happiness he made you feel. And the fact that you both love music.”

“Hindi iyan totoo, Hush,” mariing tanggi niya at umiling. “Mahal ko si Bass. Kung hindi, hindi ko magagawang lumapit kay Sanji para magpaturo ng foreplay, ‘di ba?” aniyang mas sarili ang tinatanong.

Humugot ito nang malalim na paghinga. “I’m really sorry,” sinserong wika nito bago ipinagpatuloy ang paglagay sa kanya ng make up. Pinilit niyang ngumiti at in-assure na wala itong dapat ihingi ng paumanhin.

Nang matapos ito sa ginagawa sa kanyang mukha, pinatingnan nito sa kanya ang sarili niya sa salamin. Sa kabila nang paninikip ng dibdib sa namagitang usapan, hindi niya mapigilang hangaan ang sarili. Sa halip na mag-eye glasses, nag-contact lense siya. Isang black backless dress na dalawang inches bago umabot sa tuhod ang haba ang suot niya. Simple ang style pero elegante ang dating.

At ang mga matang nakatitig sa kanya ay ang mga matang tila nagsasabing marami nang alam at nakitang bagay. She had totally lost her innocence.

At wala siyang pinagsisisihan.

Tila may pumisil na naman sa puso niya. “Thanks,” aniya kay Hush.

“You’re welcome. Tanggalin natin ‘to.” Inabot nito ang kanyang palapulsuhan at hinawakan ang pink rubber bracelet. Akmang magpoprotesta siya ngunit hindi siya nito hinayaan. “Hindi bagay sa suot mo. Huwag kang mag-alala. Ito ang gamitin mo.” Isang makapal na silver bracelet iyon. Nagdalawang-isip man, ngumiti siya at muling nagpasalamat.

“Alam mo, Spice,” ani Hush. “Kung true love ang nararamdaman mo para sa isang tao, even if you sleep with another person, hindi basta-basta maglalaho ang pag-ibig na iyon. Remember that.”

**********

Hindi kumikilos si Spice sa kinatatayuan habang nakatitig sa makeshift stage sa lawn ng villa. Kumakanta si Bass. At hindi lang kung anong kanta. It was her viral song---Whisper. Kinakanta nito iyon para sa kanya, habang nakatitig sa mga mata niya. Walang kaalam-alam na siya ang nagsulat niyon.

At gusto niyang umiyak. Dahil kung noon nangyayari ang sandaling iyon, tiyak na lalo siyang mahuhulog kay Bass. Mararamdaman niya ang mga titig nito sa kanya, tatagos sa puso niya ang lyrics, at hahangaan ito lalo sa sobrang ganda nang pagkakakanta nito sa awitin niya. At ngayon, ang gusto na lang niya ay iyakan ang mga bagay na iyon dahil hindi na niya iyon nararamdaman. Sa halip, habang kinakanta iyon ni Bass, may ibang tumatakbo sa isip niya. At ni hindi pa nga niya nakikita ang taong iyon doon sa party. Narinig niyang nabanggit kanina ni JC kay Sean na may ka-meeting daw si Sanji sa laptop at naroon sa study room. Masyado itong abala; ni hindi man lang intresadong dumalo sa birthday party niya.

Naninikip ang dibdib niya. Hinintay lang niyang matapos si Bass sa pagkanta bago siya nagpaalam dito na may pupuntahan lang saglit. Iniwan niya ito kausap sina Hush at ang iba pang bisita. Nanghihinang tinungo niya ang stable at inilabas si Alena.

Maliwanag ang kalangitan kaya mabilis siyang nakarating sa cabin. Gusto niyang magtago sa lahat at habang-buhay nang huwag magpakita pa. Gusto niyang maging malaya. Lalo na mula sa traydor niyang puso. Nagagalit siya dito sa simpleng kadahilanang tumitibok ito.

Sa loob ng cabin, agad siyang pumuwesto sa harap ng piano. Kailangan niyang tumugtog nang sandaling iyon mismo. She needed to let these feelings out. Pumikit siya at sinimulang tugtugin ang kantang gumugulo sa isip niya sa nakalipas na mga linggo. Mabining sumayaw ang mga daliri niya sa keys ng piano. All the while, her mind was wandering to that night when she asked Sanji to kiss her up to this early morning. Saka siya nagsimulang umawit.

“You did stay for the night. You held her in your arms, kept her and embraced her tight. You made her feel so warm, when you brought her to a wild flight. Scaring her even if your touch screamed everything but harm...”

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon