Chapter Three, Part Three

710 17 2
                                        

Tatlong oras na ang lumipas nang takasan niya ito. Lagpas hatinggabi na. Natitiyak niyang nakauwi na sina Hush. At hindi niya inaasahang naroon pa si Sanji, kung hindi lang niya naalala na kararating lang nito sa bar kanina nang tangkain siyang ihatid pauwi. In fact, ni hindi niya ito naisip, o naalala ang muntik nang mangyari sa parking lot.

But now, with his beautiful dark eyes watching her with intensity that made her shiver-bumalik ang lahat, maging ang init na naglandas sa katawan niya. And with nothing in her mind but rebellion-namalayan niyang humahakbang palapit dito.

"What now? Did you come back for the kiss?" sarkastikong sabi nito. "Pero mas gusto ko kung may kasama ka sa oras na ito, for God's sake-" Hinawakan niya ito sa braso at hinila. "Hey---" anitong lalong nabigla sa ginawa niya. Gayunman, hinayaan siya hanggang sa makarating sila sa madilim na sulok ng alleyway sa tabi ng bar. "What are we doing now, love?"

Parang may pumisil sa puso niya sa gentleness ng tono nito. Binitiwan ito, binalewala ang tila kuryenteng naiwan sa kanya dala ng pagkakahawak dito, at sinalubong ang mga mata nito. Umangat ang isang kilay ni Sanji, matiyagang naghihintay kung ano'ng sunod niyang gagawin. Pinagmamasdan siya sa paraang sinusubukan siyang basahin. At mukhang may kung anong napansin ito sa kanya dahil kumunot ang noo nito. Mukhang magtatanong kung ayos lang siya, pero naunahan niyang magsalita.

"I want you to kiss me," diretsang sabi niya. Isang bagay na hinding-hindi niya magagawa sa ibang pagkakataon.

He tilted his head. Kung nabigla ito, hindi iyon mababakas sa mukha nito. "Right now?"

"Yes." Tila isinabay lang ng hangin ang salita.

He took a step closer. Nanunuot ang titig sa mga kalamnan niya. "Right here?"

"It didn't bother you nang muntik mo na akong halikan kanina sa parking lot," aniya, bagaman umatras.

Balak niyang patulan ang suhestiyon ng mga kaibigan na magkaroon siya ng karanasan. Pero sa mga dahilang hindi niya maalala ngayon, she never considered na ang magbibigay niyon sa kanya ay si Sanji Dela Vega. Hindi niya gustong ma-involve dito. Patunay nang tinakbuhan niya ito kanina. But somehow, he was still here. Kung saan niya ito iniwan. Where they almost kissed. Bakit hindi na lang nila ipagpatuloy iyon? Bakit maghahanap pa siya ng ibang magbibigay sa kanya nang hinahanap niyang karanasan kung handa naman itong halikan siya?

"Oh, but it bothers me now," amused nitong sabi, matapos nang matamang pagmamasid sa kanya. "Mukha kasing kailangan natin ng privacy dahil natitiyak kong higit pa sa halik ang mangyayari."

Bago pa siya makapag-react, maingat siya nitong hinila sa braso. Pumasok sila sa back door ng bar, dumiretso sa VIP room. Suddenly, parang umikot ang isip niya, sumabay sa lakas ng sounds. Isinara nito ang pinto. Pinakawalan siya bago naglakad patungo sa couch at naupo sa armrest niyon, paharap sa kanya.

"Spill. Ito na ba ang oras na magtatapat ka sa'kin, Spice?"

Napaawang ang mga labi niya. Pansamantalang nawala ang focus sa pakay nang gabing iyon. "W-what?"

He smirked. "Kung sasabihin mong gusto mo ako, I have to reject you."

Naipikit niya ang mga mata. "Kahit ngayon lang, puwede bang bawasan mo ang kayabangan mo, Sanji?" asik niya, pinukol ito ng matalim na tingin.

"And be nice and gentle para maraming mahulog sa akin?"

"Mas madaling mahulog ang mga babae ngayon sa mga bad boy. So, do the world a favor and be good para mabawasan ang mga babaeng umiiyak nang dahil sa'yo."

"Ah. No wonder you've already fallen for me."

"Excuse me?" maang niyang tanong.

"You just asked me to kiss you, Spice, love. At pareho nating alam na hindi mo iyon ginagawa sa lalaking hindi mo naman gusto. Have you fallen out of love from that lucky idiot you were talking about at na-realized mong ako talaga ang gusto mo?" Ikiniling nito ang ulo. "I'm flattered."

"Ikaw na talaga ang pinakaimposible at pinakamayabang na lalaking nakilala ko," aniyang malapit nang maubos ang pasensiya. "Hindi kita gusto. At hinding-hindi kita magugustuhan."

"Ouch," anito, na-amused lang. "So, hindi mo ako gusto dahil mahal mo na ako?"

Sa iritasyon at frustration, tinalikuran niya ito. Biro lang ba ang lahat para dito? Hindi ba totoo ang atraksiyong ipinaparamdam nito sa kanya? Imahinasyon lang ba niya ang nakitang pagnanasa sa mga mata nito tuwing inaakit siya? Damn him. Damn the world dahil lagi na lang siyang pinaglalaruan.

Marahan itong tumawa. At bago pa niya mabuksan ang pinto, pinigilan na siya nito sa braso at maingat na iniharap dito. Tila napasong napasandal siya sa likod ng pinto. Nag-angat ng tingin dito, at automatikong bumundol nang malakas ang dibdib niya. Inilapat nito ang isang kamay sa pinto sa gilid ng ulo niya, cornering her again that night. Nagkagulo ang sistema niya.

"Tell me," mababa ang tono nito, nanunukat. Naroon pa rin ang bahagyang ngiti sa mga labi, pero wala nang trace ng playfulness sa mga mata. "Bakit nagbago ang isip mo ngayon? Sa pagkakatanda ko, nang subukan kong halikan ka, tumakbo ka palayo na parang inalok kita ng karera. And that was only a few hours ago."

Dahil duwag siya. At pagtakas ang solusyon niya sa mga sitwasyong hindi niya kayang kontrolin. That thought made her stop from pushing him. Naramdaman niya ang mariing pagpisil nang hindi nakikitang kamay sa kanyang puso. Hayun na naman ang pait, sakit, at guilt. Muling pinakawalan ang rebellion sa dibdib niya. Ipinaalala kung bakit siya naroon. Mariing ikinuyom niya ang mga kamao. Muling binalewala ang mga babalang pilit na nagsusumiksik sa isip niya. Binalewala niya ang lahat.

"Experience," aniya at diretsong tumitig kay Sanji. "Kailangan ko ng experience sa bagay na iyon."

"At kissing department?" His voice turned husky. Tinititigan siya sa paraang tila matutunaw na siya. Her stomach clenched. Kung hindi lang siya seryoso at determinado sa pakay niya, baka lumubog na siya sa kinatatayuan. But somehow, his intense gaze made her feel exposed sa paraang ipinaparamdam sa kanya na hindi niya kailangang makadama ng hiya.

Kusang lumabas ang mga salita sa bibig niya. "And touching."

"And touching," pag-uulit nito. "Will it involve a bed?"

"No. Hindi hindi aabot diyan." Dahil ibibigay lang niya ang sarili sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya.

"Hindi aabot sa sex," anito. Namula siya. At napakislot nang masuyo nitong ipinalikod ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang tainga. May hint ng emosyon sa mga mata nito na nagpaalarma sa kanya. Bagaman nang magsalita, may amusement sa tono. "So, wala kang boyfriend."

Lalo siyang namula. "Hindi ko diretsang sinabing meron."

"But you're in love with someone, right?" Tumigil sa pagtibok ang puso niya nang dumako ang bibig nito sa kanyang tainga, binigyan ng masuyong kagat ang earlobe niya. He murmured, "Who the hell is this idiot?"

"Don't call him that," pagtatanggol niya kay Bass, sa kabila nang naghuhumiyaw ang mga kalamnan niya sa sensasyong umaalipin sa kanya dahil sa ginagawa ni Sanji. God, nagsisimula na ba sila? "He's... my friend."

Saglit itong natigilan bago, "I see. At binabalak mong akitin, kaya gusto mong matuto kung paano humalik?" His lips, his soft lips grazed her jaw. Nanuyo ang lalamunan niya. Halos magsugat ang mga palad niya sa mariing pagkakauyom niyon. God, nandito siya para magrebelde. Pero bakit nagugustuhan niya ang nangyayari?

"Kung may iba pang paraan para mapansin niya ako, sasabihin mo ba?" nagawa niyang itanong. Bahagya lang dumaan sa isip na napakadali nitong mahulaan ang balak niya.

Sarkastikong tumawa ito. Bahagyang inilayo ang mukha sa kanya, samantalang ang isang kamay ay dumako sa leeg niya. Muli siyang napakislot. Umangat ang sulok ng mga labi nito, pinagmamasdan siya sa ilalim ng mga pilik-mata. At kung anuman ang nakita sa kanyang mukha, seemed to relax him. Then his fingers slowly and sensually grazed down her collarbone. Pakiramdam niya ay tumagal iyon ng isang minuto, hanggang sa tumigil iyon sa U ng sweatshirt niya. Her breathing was ragged.

"You know, I don't just make out with women. I pleasure them. And with you, kaya kong gawin iyon sa iba't ibang paraan na hindi kailangang umabot sa sex. And I prefer to do it in bed, kung saan mas magiging komportable ka," tukso nito. Bahagya lang niyang napansin ang kakaiba sa tono nito na tila may sinisikap kontrolin. Pumuno sa isip niya ang iba't ibang erotikong imahe, sa paraang gusto nang magliyab ng buong katawan niya. Hindi siya makakilos. Hindi makaapuhap ng mga salita. At mukhang nahalata nito iyon dahil marahan itong tumawa at binitiwan siya.

"Ready?"

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon