Chapter Nine

358 15 0
                                    

Dinala siya ni Sanji sa naglalakihang simbahan sa Cebu. Dahil doon, tuluyang natigil ang makasalanan niyang utak sa mga erotikong naiisip niya tuwing nagdidikit sila o tititigan siya ng binata. Sanji was back to his teasing self with his easy smiles. Ilang beses siya nitong nagawang patawanin.

Nanghinayang pa nga siya nang kailangan na nitong bumalik sa set dahil nagkaproblema. Hinatid siya nito sa mansion. Dahil pagod, nakatulog siya nang maaga. Naalimpungatan lamang nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid at iniluwa si Sanji.

"Hi. Kararating mo lang?" paos at inaantok niyang tanong.

Isinara nito ang pinto. "Yeah. Tinapos ang shoot ngayon." Hinubad nito ang suot na t-shirt. Sa malamlam na liwanag ng lampshade, hindi niya magawang umiwas ng tingin. Sa kabila nang antok ay hindi pa rin niya mapigilang makaramdam ng kakaiba. "I'm sorry. Hindi kita nasabayan mag-dinner."

"It's okay. Matulog ka na. Mukhang pagod ka." Bagaman sa kabila ng pagod sa mukha nito, hindi pa rin nabawasan ang kaguwapuhan nito. Hinding-hindi siya mapapagod pagmasdan ito.

"You sound like a wife," anito, amused.

Bahagya lang siyang napangiti. Tumitig sa mga mata nitong tumatagos sa kanya kung makatingin. And she knew that it wasn't because he was trying to search her soul. But because he already saw it. Touched it with his intense stare and hot kisses. At ang kaisipang iyon ay nagpadama na naman sa kanya ng takot. Pero sa pagkakataong iyon, bahagya lang niyang pinansin.

Nakasunod ang tingin niya nang hubarin nito ang natitirang kasuotan at tanging boxers ang naiwan. Lumapit sa malaking kama sa kabila niya. "Dito ka matutulog?" aniyang nabawasan lalo ang nararamdamang antok. Sanay na siya sa malakas na kabog ng dibdib kapag nasa malapit ito kaya hindi na lang niya pinapansin.

Umangat ang mga labi ni Sanji sa isang ngiti, bago nahiga sa kama. "Of course. This is my room."

"Oh." Nabigla siya. Kung gano'n bakit doon siya nito dinala no'ng unang gabi? Ang daming guest room. At kagabi, pagkatapos nang nangyari sa lanai, hindi naman ito doon natulog sa silid. O hindi nga ba? Binuhat siya nito paakyat at nakatulog agad siya. Tumabi din kaya ito sa kanya tulad ngayon? Siguro. Hindi ba't nag-iwan ito ng note? "Tinatamad akong lumipat sa isa sa mga guest room, ikaw na ang mag-adjust," aniya sa halip na isatinig ang mga nasa isip.

Tumawa ito at hinapit siya sa katawan nito. Automatikong nagsumiksik siya sa dibdib nito---nakahanap ng comfort sa mainit nitong katawan at sa nakakalasing nitong bango---na para bang napaka-natural sa kanilang gawin iyon. What the hell were they doing? Hindi iyon kasama sa usapan nila.

"Wala naman akong sinabing umalis ka," anito at hinaplos ang buhok niya.

Ipinikit niya ang mga mata. Malapit na siyang bumigay sa nadaramang antok nang may naalala. "Sanji?"

"Hmm?"

"Nang sabihin mong hindi ka pa natutulog na may kasamang babae, sa kama mo lang o talagang hindi ka natutulog sa tabi nila?"

Saglit itong hindi umimik. "I always left after the sex. Hindi ako natutulog sa tabi ng kahit sino."

Ilang sandali muna ang nagdaan bago iyon nag-sink in sa kanya. "Then why are you sleeping beside me?" pabulong niyang tanong. Akala niya ay hindi nito iyon narinig. She was almost asleep at bahagya na lang niyang narinig ang sagot nito.

"I don't know," he said softly. "I fucking don't know."

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon