Chapter 4: Ninang

151 8 2
                                    

Chapter 4:
Ninang




"Yeeeesss! Tapos na ang klase!!!" sigaw ni Majie. Halos mabasag ba ang eardrums ko sa pagkakasigaw nyang iyon. Pero tiis na lang dahil baka magkasipaan pa kami nyan.

"Tumahimik ka nga, tatapyasin ko 'yang bagang mo!" reklamo ni Nica.

"Eeedi wow! Eeeedi wow!" pang-asar ni Majie kay Nica kaya biglang nag-usok ang ilong nya. Mukang nagkakalabanan bwahahaha.

"Tumigil na nga kayo d'yan! At gusto ko nang umuwi pagod na ako gusto ko nang matulog" masungit na sabi ni Coreen.

"Oh? Coreen himala at gusto mo nang umuwi! Dati pagkalabas natin sa school dadaretso ka muna ng mall at mamimili ng mga make up" sabi ko.

"Eh! Pagod ako ngayon eh!" Aniya at nauna nang lumabas sa room. Siguro may dalaw 'yun?

"Anyari dun?" tanong sa'kin ni Roxxane.

"Aba'y malay ko! Sa'kin mo itatanong alam na hindi ko rin alam! Tanungin mo sya para malaman mo ang tamang sagot! " iritado kong hiyaw sa kanya.

"Sige ba!" sabay alis nya at hinabol si Coreen.

"Eh, ikaw Michelle? Mamaya ka pa uuwi? Kung mamaya ka pa uuna na kami ng tropa" tanong ni Nica.

"Sige, una na kayo may dadaanan pa kase ako. Bibili pa kase ako ng lotion paubos na kase" sabi ko.

"Sige kita na lang tayo sa condo ah?"

"Oo ba!"






Makaalis  na sila ay agad na akong tumayo sa upuan ko at nag-unat ng kamay. Nakakangalay umupo—pero teka dapat pwet ang inuunat ko 'di ba? Bakit kamay ko ngayon ang iniuunat ko? Pero hayaan na ayos narin 'yun. Tulong tanggal ngalay din 'yun.

Hinablot ko na ang aking bag na may rabbit na zipper saka ko iyon sinukbit sa aking balikat. Lumabas na ako sa munti at makalat kong room para makapag rampa sa corridor. Pero bigla na kang akong napahinto sa paglalakad nang makarinig ako ng tutog ng gitara. Sa pagkaka-alam ko ako na lang ang tao sa building na 'to. Sino naman kaya ang taong nag gigitarang iyon?

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon at dinala ako nito sa abandunadong room na kung saan ako dinala ni Rexx kanina. Sumilip ako sa bintana para makita kung sino ang nag-gigitara. Nagulat na lang ako na si Rexx pala iyon. Di ba sya natatakot na baka may biglang sumulpot sa harap nyang multo? Pero infairness ang ganda nyang tumugtog ng gitara.

Napalaki na lang ang mata ko nang bigla syang kumanta. Maganda rin pala ang boses nito. Ang lalim! Kyaaaa—Eheem! He's my enemy!

"Spent 24 hours, I need more hours with you
You spent the weekend getting even, ooh
We spent the late nights making things right between us" panimula nya

Ang sarap pakinggan ang boses nya. Talagang nakapikit pa sya habang kumakanta. Mabuti na lang at hindi nya ako nakikita ngayon. Baka 'pag nagkataon aasarin nya na naman ako.

But now it's all good, babe
Roll that back wood, babe
And play me close
Cause girls like you run 'round with
guys like me
'Til sun down when I come through
I need a girl like you, yeah yeah
Girls like you love fun, and yeah, me too
What I want when I come through
I need a girl like you, yeah yeah

Tumigil na syang kumanta at tumayo. Teka baka nakita nya ako? Maka alis na nga! Baka magkainitan pa kaming dalawa eh, bibili pa pa ako ng lotion.

Tumakbo na paalis at dumiretso na sa tindahan para bumili ng lotion. Pakiramdam ko ang Bilis ng pagtibok ng puso ko. Nakakainis!

















"Michelle! Welcome home!" bati sa'kin ni Nica nang ako ay makapasok na sa condo.

"Oh? Bakit ang saya mo ata ngayon? Anong meron? Di ako inform?" Sabi ko sabay lapag ko ng bag sa sofa.

"Wala naman. Ay sya nga pala su Coreen may lagnat! Ang taas nga ng lagnat eh," proud na sabi nya. Gaga.

"Nasa'n? Pinainom n'yo na ba ng gamot?" tanong ko.

"Aba oo pinainom na namin. Saka andoon sya sa kwarto nya nakahiga" sabay ngiti nito na akala mo'y rapist.

"Sige," dumaretso na ako sa kwarto ni Coreen. Nadatnan ko naman syang nakahiga nag cecellphone lang at mukang wala sa mood.

"Coreen, Ano kumusta na ang pakiramdam mo? " tanong ko sa kanya.

"Ah ayos naman. Medyo mahilo-hilo  ng kaunti. Pero ayos la'ang ako maganda parin. Kaya 'wag ka ng magalala dahil maganda ako at ika'y pangit so leave me alone you mother fucker!" dirediretso nyang sabi.

"Mother fucker? Baka gusto mong mamatay?! Teka may lagnat ka nga pala kaya mag pagaling ka! May contest pa tayo!" sermon ko. 

"Oo na! Saka nga pala Michelle. . . " sabay ngiti nya.

"Ano 'yun?"

"Kumusta na nga pala kayo ni Rexx? Magiging ninang na ba ako? Hihihi my gosh! Kinikilig ako sa inyo alam mo bagay kayo" aniya habang sinasapok nya ang kanyang unan.

Ano tinira ni 'to? Shabu?

"Pinag sasasabi mo d'yan Coreen?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"'La, lang! Parang bagay kase kayo eh! Gusto ko kayong magkatuluyan bess! Gawin mo akong ninang para maubos ang salapi ko kabibibili ng regalo sa anak nyo! Hihihi!" malanding asar sa akin ni Coreen.

"Coreen! Mandiri ka nga sa sinasabi mo, 'kala ko ba galit ka sa kanya dahil mayabang sya? Tapos ngayon gustong gusto mo sya para sa'kin! Tares na 'yan Coreen" ngal-ngal ko.

"Bakit? Totoo lang naman ang sinasabi ko ah? Bagay naman talaga kayo. Saka hindi na ako galit kay Rexx love ko na sya since no'ng kinaladkad ka ng dalawa n'yang alipores. Alam ko sa simula't una pa lang may spark na sa inyong dalawa," sabay sigaw nya kaya binatukan ko na.

"Ano ka ba Coreen! Hindi kami bagay ni Rexx! Tao kami! Kaya tumigil ka na dyan sa katitili! Habalusin kita dyan ng unan eh, grabe ka nakakatakot ka pa lang magkatrangkaso para kang naka-drugs!" tumayo na aki at aamba nang umalis.

"Oh? Sa'n ka pupunta?" tanong ni Coreen

"Sa labas! Mag papahangin! " masungit kong sagot sa kanya.

"Baka naman pumunta ka lang kina Rexx at—"

Hindi ko na sya pinatapos at lumabas na lang ng kwarto.

"Lintik na Coreen! Kung hindi lang kita kaibigan nilublob na kita sa tae ng musang" sabi ko ng wala sa sarili.

Bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang mga pinag sasasabi ni Coreen kanina.

"Alam mo bess, bagay kayo ni Rexx"

"Gawin mo akong ninang para maubos ang salapi ko kabibili ng regalo sa anak nyo hihihi"

Hayop ka talaga si Coreen 'pag talaga ako hindi nakatulog nito ihanda mo na ang kusukasuan mo dahil hindi 'yan makakaligtas kay Michelle Alisson De Raya bwahahaha!







✨✨✨
Please Vote and Comment arigato!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)


◌⑅●♡⋆♡Vote♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon