Chapter 64: Bulong

62 6 2
                                    

Chapter 64
Bulong

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)







Nagising na lang ako dahil sa kaingayan ng mga kaibigan ko. Kita ko naman na nag sasabunutan sila kaya napapatawa na lang ako. Nahinto lang sila sa kanilang ginagawa nang sawayin sila ng nurse. Napansin naman nila na gising na ako kaya ako ay dinumog nila.

"Michelle ayos na ba 'yang pakiramdam mo?" tanong ni Roxxane.

"Ayos na" sagot ko.

"Nako Michelle bakit hindi mo sinasabi sa'min na may lagim na pala kayong ginawa ni Rexx? Nakakainis ka alam mo 'yun? Pero infair masaya ako para sa'yo" naka ngiting sabi ni Coreen.

"A-ano ba 'yang pinag sasasabi mo ah? Para ka kamong tanga" sabay irap ko.

"Michelle! Buntis ka kasasabi lang ng doktor! Ikaw ah nang gigigil ako sa'yo! Sawakas magiging ninang na ako!" sabay talon ni Coreen.

A-ano daw?! Buntis ako?! Totoo ba 'to o nag bibiro lang ang mga 'to? Nakakaloka!

"Teka, hindi kayo nag bibiro 'di ba?" kinakabahan kong tanong.

"HINDI!" sabay-sabay nilang sabi. Napatakip na lang ako ng bibig ko dahil sa nalaman ko. Shit! I'm pregnant! I'm pregnaaaaant!!!! Hayop ka Rexx!

"Masaya ako para sa inyo Michelle! Ako ang mag bibinyag sa anak mo ah?" sabi ni Majie sabay tawa.

"Sasabihin mo na ba kay Rexx ang tungkol dito?" tanong ni Nica kaya ako ay napatingin sa kanya.

"H-hindi ko alam" nalang ang nasabi ko saka ako naduwal. Dali-dali akong nag tungo sa CR para sumuka.

Grabe ang sama pa lang mabuntis. Nang makaraos ay nag balik na ako sa mga kaibigan ko.

"Michelle kailan mo sasabihin sa kanya? Kapag malaki na 'yung tyan mo?" sabi ni Nica.

"E-ewan ko. Gusto ko na munang umuwi" sabay tayo ko at lumabas na sa kwartong iyon. Pansin ko naman na nakasunod sa'kin ang mga kaibigan ko.

Mabilis naman kaming nakasakay ng taxi kaya mabilis akong nakarating sa bahay. Nadatnan ko naman si Rexx na nakahilata sa sofa at tulog. Pansin ko naman ang polo nya na hindi nya natapos hubarin kaya napa iling na lang ako.

Nilapitan ko ito at hinimas ang kanyang ulo. Grabe napakagwapo talaga ng lintik na lalaking 'to sana all! Pansin ko naman sa muka nya na parang pagod na pagod sya sa trabaho nya kaya siguro nakatulog na sya pagkarating nya.

"Congrats sa'yo Carrlington kase nakaisa ka sa'kin lintik ka" sabi ko. Tumayo na ako at hinubad ang polo nya at mabilis na inilagay iyon sa malibagan.

Kumuha na ako ng damit nya sa closet nya at mabilis na bumalik sa kanya. Nadatnan ko naman sya na nakahilata parin at sarap na sarap sa kanyang pagtulog. Lumapit na ako sa kanya at binihisan na sya nang matapos ay nakita ko si Rexx na mulat na ang kanyang mata. Ngumiti ito sa akin saka nya kinuha ang kamay ko.

"Sweet ng asawa ko inaalagaan ako habang tulog" sabi nya habang nakangiti.

"Ang baboy mo kase eh, natutulog ka ng ganyan ang itsura mo" sabay iwas ko sa kanya ng tingin.

"Tch! Pero mahal, bakit parang tumataba ka? Lumalantak ka ba ng maraming pagkain kapag wala ako dito sa bahay?" aniya sabay upo nya. Kinabahan naman ako sa tanong nya pero hindi ko na iyon pinahalata hindi pa kase ako handa na sabihin sa kanya na nag dadalang tao ako ngayon.

"Ewan ko sa'yo Carrlington may saltik ka ata!" akmang tatayo ako pero pinigilan nya ako kaya napaupo ako sa hita nya.

"Biro lang naman mahal ko. Saka bukas birthday ko na. . . " aniya sabay yakap nya sa akin.

"Huh? Birthday mo na bukas?! Ano ba ang gusto mong regalo?" tanong ko.

"Regalo? Hmmm?. . . Pwedeng ikaw na lang?" sabay halakhak nya.

"Utot mo! Pero Rexx tatanongin kita, paano kung mabuntis ako? I mean paano kung may nabuo sa pag aano natin"

"Edi mas okay! Para may kakampi na ako sa panlalambing ko sa'yo. Saka gusto ko na nang magkaanak tayo eh kase matagal ko na 'yung pangarap sa'yo" sabi nya napa tingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nyang 'yun.

Talaga ngang mahal na mahal ako ni Rexx. I love it! Pero ano kayang itsura namin kapag may anak na? Hala hindi ko ma-imagine!

"Baliw ka talaga Rexx!" sabay batok ko sa kanya.

"Kiss mo muna ako" malambing na sabi nya.

"Tumigil ka nga at naiinis na naman ako sa'yo! Saka pakawalan mo nga ako sa yakap mo gusto kong manood ng TV!" inis kong sabi sa kanya.

"Edi manood ka ng TV! Eto remote oh" sabay abot nya ng remote ng TV sa'kin pero hindi ko iyon kinuha sa kanya. Sya na lang ang nag bukas ng TV at lalo nya pang hinigpitan ang yakap sa'kin.

"Rexx! Luwagan mo nga ang yakap sa'kin! Hindi ako makahinga!" sabay palo ko sa kanyang kamay na nasa tyan ko.

"Eto naman napakasungit! Yakap lang eh! Pasalamat ka pa nga at hindi ka pagod ngayon sa kama" bulong nya pero rinig ko naman.

"May sinasabi ka Carrlington?" masungit kong sabi sa kanya.

"Wala Misis ko" sabi nya. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa TV at saktong balita ang palabas.

"Ulo sa nag babagang ulo. Isang lalaki nanakawan ng halik ng bakla kanina. Eto nga po hihingian na po natin sya ng statement" sabi ng reporter.

"Sir ano pong masasabi nyo dahil nanakawan kayo ng halik?" tanong ng reporter sa isang lalaki na gwapo na akala mo ay artista.

"Ang masasabi ko lang ay. . . . . Napakahayop mong bakla ka kung sino ka man! Magkita na lang tayo sa korte hayop ka! Sisiguraduhin kong makukulong ka sa ginawa mo sa'kin! Hindi kita mapapatawad!. . . . 'Yun lang po salamat" sabay ngiti nito. Grabe kanina demonyo 'yung muka nya tapos naging anghel?

"Saka pwede po bang bumati? " tanong nung lalaking nabiktima

"Sige pwede naman"

"Binabati ko nga po pala 'yung nanay kong may poknat sa bunbunan. Nay! Nasa TV na ako oh! Artista na ang gwapo nyong anak! . .  .  'Yun lang po salamat!"

"Doon na po nag tatapos. Back to you idol Raffy"  matapos 'non pinatay na ni Rexx ang TV. Grabe napakabastos talaga ng lalaking ito alam na nanonood pa 'yung tao eh!

"Grabe na ang mga tao ngayon. Pati halik ninanakaw na" sabay iling ni Rexx. Sinamaan ako na lang sya ng tingin kase na bad trip ako dun sa pag patay nya sa TV.

"Mahal ko may sasabihin ako sa'yo" biglang sabi nya sabay tapat nya ng bibig nya sa aking tenga.

"Pakasal na tayo" sabi nya na ikinagulat ko.

What the fuck?!

(♡˙︶˙♡)(♡˙︶˙♡)(♡˙︶˙♡)(♡˙︶˙♡)(♡˙︶˙♡)

Vote and comment! Salamat!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon