Chapter 32: Miss Understanding

74 6 0
                                    

Chapter 32
Miss Understanding

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








Andito na kami ngayon ni Rexx sa kwarto nya at nag lalaro ng computer. Andami kaseng laro ni Rexx sa computer nya tapos nakakaadik pa. Tuwang-tuwa nga ako kapag natatalo ko si Rexx eh nakikita ko kase sya na nakanguso kapag natatalo.

Samantalang ako kapag nakanguso mukang asong nang hihingi ng tubig. Kaya hindi na ako ngumu-nguso baka mapatay ko lang ang sarili ko.

"Love antok na ako tulog na muna ako ah?" aniya sabay dive sa higaan nyang napakalambot na mas malambot pa sa pwet ko.

"Teka! Ihatid mo na muna ako sa apartment! Huy!" pero ang walang hiya tulog na! Nako! Bwisit!

Wala pa naman akong dala na pera para sa pamasahe pauwi. Kase naman 'tong si Rexx eh nakakainis bakit pa may patulog-tulog syang nalalaman dyan! 'Wag mong sabihin na dito ako matutulog?

No way! Aba hindi ko kaya baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang ni Rexx pag dito ako natulog ngayong gabi.

"Rexx! Gising! Hoooy!" sigaw ko pero wala paring epekto. Bwisit

Okay lang naman siguro na dito ako matulog 'no? Boyfriend ko narin naman si Rexx eh. Saka imposible din namang rapin nyan ako habang natutulog.

Agad na akong humiga sa kama ni Rexx at natulog na. Grabe ang lakas ng hilik ni Rexx!

KINABUKASAN nagising na lang ako na mag kayakap kami ni Rexx. Nakita ko rin naman na bagong gising sya kase mapungay pa ang mata nya. Ngumiti sya ng pagkalapad-lapad at hinalikan ako sa labi. Medyo matagal din iyon kaya ang sweet!

"Good morning asawa ko" malabing nyang sabi.

"Asawa mo muka mo" pag mamasungit ko.

"Eto naman umagang-umaga ang sungit! Pahalik nga!" sabay halik nya sa'kin ng pagkarami-rami na akala mo namamapak ng asukal.

"R-Rexx! Ano ba?" angal ko pero patuloy lang sya sa ginagawa nya.

"Sarap mong halikan! Nakakagigil ka! Nako kung hindi lang ako nag pipigil napagod na kita dito sa kama ko—" ayun sinuntok ko na.

"Owch! Ang sakit! Sige ka hahalikan ulit kita dyan hanggang sa hindi ka na makahinga" banta nya.

"Uwi na ko" sabay upo ko sa kama pero ang kumag nakayakap parin sa'kin.

"Lubayan mo nga ako para kang linta kung makakapit sa'kin. Nakakakilabot ka"

"Kiss muna" aniya sabay tawa.

"Ang dami mo na ngang kiss sa'kin eh tapos kiss pa ulit? Saka hindi pa nga ako nag tu-toothbrush eh!" sabay tanggal ko ng kamay nya sa bewang ko pero inilagay nya ulit 'yung kamay nya doon. Bwisit naman agang-aga nagpapakilig 'tong si Rexx.

"I love you" aniya saka sya umupo sa tabi ko.

"I-i love you too" sabay halik nya ulit sa'kin.

Napabaligwas na lamang ako nang biglang nag bukas ang pinto at nakita ko naman doon ang mama ni Rexx na gulat na gulat sa nakita. Shit! Kahiya!

"Sorry! Wrong timing—" akmang aalis na sana ang mommy ni Rexx nang pigilan ni sya Rexx.

"Mom! Okay lang! Tapos na naman kaming mag lambingan eh! Ano ba 'yun?" tanong ni Rexx.

"Ah gusto ko lang sabihin na bumaba na kayo kase handa na 'yung breakfast. Sorry kung naputol ko 'yung ano nyo ah? Ehehe good luck!" sabay labas ng mommy ni Rexx.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon