Chapter 43: Passionate

67 5 4
                                    

Chapter 43
Passionate

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)










"HAPPY BIRTHDAY JAMES SCOTT BARTOLOME!" sigaw namin nang makarating na sya sa bahay ko.

Kita ko naman ang gulat sa muka nya dahil sa pagsigaw namin. Pero idinaan nya na lamang iyon sa ngiti. Agad syang lumapit sa amin para kami'y pasalamatan.

September 27 na at hanggang ngayon wala akong natatanggap na tawag o text mula kay Rexx. Tatlong bwan na kase ang lumipas nung huli ko syang naka video call. Pero kahit ganon umaasa parin ako na babalik sya at ako parin.

"Wow! May pa-surprise! Akala ko may bible study lang eh" natatawang sabi ni James.

"Akala mo lang 'yun!" sabi ko naman.

Nagulat na lang ako nang biglang lumapit si Natasha sa kanya at nahihiyang inabot kay James ang regalo nya. Nawala naman ang ngiti ni James nang makita nya ang pag mumuka ni Natasha.

Hanggang ngayon kase ayaw parin ni James kay Natasha ang sungit parin. Kaya andito si Natasha ngayon sumama sya sa amin na surpresahin si James dito sa bahay kase nga trip nya. Naging kaibigan ko narin 'tong si Natasha dahil nga minsan tinutulungan ko na syang makaiskor kay James. Mabait rin naman sya at nakakatuwang kasama.

Samantalang eto namang si James napakalupit kay Natasha ang sungit! Parang si Natasha na ang nanliligaw kay James. Napakasarap tadyakan.

"Happy bithday J-james. I hope you like my gift" namumulang sabi ni Natasha habang nakalahad ang regalo nya sa harap ni James.

"Thanks" saad ni James sabay kuha nya ng regalo at agad na inabot iyon kay Majie.

"Sa'yo na lang" sabi ni James at dumaretso na sa hapag.

Nakita ko naman si Natasha na paiyak na kaya niyakap ko na. Napakalupit talaga ni James kay Natasha, hindi nya ba alam na nag tanong pa sya sakin kung ano ang magugustuhan nyang regalo? Medyo mahal din 'yun kase hundred posters at light sticks ng BTS 'yung binili ni Natasha matuwa lang si James.

BTS fan kase tong si James adik na adik dun. Lalo na kay Rapmon mahilig kase si James sa mga nag ra-rap na koreano kaya nahiligan nya ang BTS.

Kita ko naman na binubuksan ni Majie ang regalo at halos lumuwa na ang mata nya nang makita nya na iyon. Isa pa kase tong BTS fan adik kay V. Pero bahala sya sa buhay nya swerte nya nga eh may mga merchandise syang natanggap.

"Huwaw! Andaming poster ng bts dito! Saka andami ding mga light sticks! Nakakatuwa!" sigaw ni Majie habang tumatalon pa. Binaling ko naman ang paningin ko kay James at kita ko syang nakakanganga habang tinitingnan nya ang mga merchandise.

'Yung juice nya nga natatapon na kase nag sasalin sya ng juice sa baso nya kaya umaawas na. Napailing na lang ako kase alam kong sising-sisi si James na ibinigay nya pa 'yun kay Majie.

Bigla na lamang tumayo si James sa kinauupuan nya at inagaw kay Majie lahat iyon. Oh ano binawi mo 'no?

"Akin na nga 'yan pinahawak ko lang sa'yo 'yan saglit binuksan mo na" sabi ni James sabay balik nya sa hapag dala 'yung mga poster at light stick.

"Teka! James sabi mo akin na lang 'yan?! Ang daya mo walang bawian!" angal ni Majie.

"Birthday ko kaya bawal akong ma-stress!" masungit na sabi ni James.

Napasimangot nalang si Majie at lumantak ng spaghetti. Kita ko naman ang ngiti sa labi ni Natasha kase alam nya na nagustuhan ni James 'yung regalo nya.

"Michelle thank you ah, mukang nagustuhan ni James 'yung suggestion mo" nakangiting sabi ni Natasha sa'kin.

"Wala 'yun!" pang eechos ko.

Ang ganda talanga ni Natasha para talaga syang model! Wala akong panama sa ganda nito para bang may lahi 'tong kano na ewan. Ang tangos kase ng ilong at ang ganda ng mata. Maganda din ang hubog ng katawan nya kaya nakakainggit.

"🎶KUNIN MO NA ANG LAHAT SAAKIN, WAG LANG ANG AKING MAHAL!🎶" pagkanta ko

Kumakanta kase kami sa karaoke at nag iinom na kami ngayon. Tamaan narin kami lahat at para bang mga wala na kami sa sarili. Lalo na si Natasha panay ang suka sa C.R at tulog na dun sa couch.

"🎶ALAM KONG KAYA MONG PAIBIGIN SYA, SAAKIN MAAGAW MO SYA, PAKI USAP KO SAYO MAG MAHAL KA NALANG NG IBAAAAA AAAAHHH!🎶" pagkanta naman ni James. Duet kase kami at iisang mic lang ang gamit namin.

Grabe para kaming mga tanga dito sana lang 'wag kaming puntahan ng tanod dito. Mga boses palaka na kase ang boses namin ngayon kase nga tamaan na.

Matapos na ang kanta ay naupo na ako sa sofa kase nga napagod ako sa kabibirit. Ganoon din naman si James at ako ay tinabihan nya sabay inom ng alak na agad kong sinabayan.

"Whooo! Pait!" sigaw ko matapos kong uminom

"Ngayon mo lang nalasahan kung kailan lasing ka na?" natatawang sabi ni James. Pansin ko naman ang pamumula ng muka nya kase nga lasing na sya.

"Murahin mo dila ko" lasing kong sabi sa kanya sabay lapag ko ng baso sa mesa. Kita ko naman ang mga kaibigan ko na naka higa na sa sahig dahil sa kalasingan kaya kami na lang ni James ang natitirang matibay sa pag-iinuman.

"Gusto m-mo murahin ko?" tanong nya.

"Murahin—" hindi ko na natapos nang bigla nya akong halikan sa labi na ikinabigla ko pero mabilis lang naman iyon.

"Ayan na mura ko na" sabay alakbay nya sa akin. Sinigawan ko naman sya at kinurot ang tagiliran nya.

"Gago ka bakit mo ako hinalikan?!" sigaw ko.

"Sabi mo murahin ko 'yang dila mo—" ayun kinurot ko na "Aray! Masakit!" sabay hawak nya sa tagiliran nya.

"Hindi ko naman sinabi na halikan mo ako ah?!" sigaw ko.

"Ay ang ingay mo naman sige ka hahalikan ulit kita" lasing na sabi nya sa akin.

"Tangina ka eh isumbong kita dyan kay Rexx—" bigla nya na lamang akong inihiga sa sofa at sya'y pumaibabaw sa akin.

Lunok!

"James lasing lang tayo umayos ka, kahit lasing ako nasa katinuan parin ako ng kaunti!" sigaw ko.

"Ang daya mo kase Michelle eh, hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ko sa'yo nung college pa tayo. At putangina lang hanggang ngayon ikaw parin. Hindi kita maalis-alis sa sistema ko alam mo 'yun?" sabi nya na ikinabilis ng tibok ng puso ko pero hindi dahil iyon sa kilig kundi sa kaba.

"J-james umayos ka" saka ko sya tinulak palayo sa'kin kaya sya ay timilapon sa sahig.

Rinig ko naman ang dagundong ng pagbagsak nya kaya alam kong sobrang sakit 'non. Sana naman hindi mabalian ng buto 'to

"Aray! A-ang sakit!" sigaw nya habang hawak nya ang likod nya. Tinulungan ko naman syang maupo sa sofa baka matuluyan pa.

"Ayos ka lang?" tanong ko

"Medyo masakit kang 'yung likod ko kaya mag inom nalang tayo" sabay tungga nya ng alak sa mismong bote.

"Hoy matakaw ka tirahan mo ako!" sabay batok ko sa kanya kaya bigla naman syang nasamid.

"Papatayin mo ba ako Michelle?" surang sabi nya.

"Oo! Hinalikan mo ako eh—"

"Ulitin ko 'yun eh gusto mo?" naka ngisi nyang sabi pero bago pa ako maka react ay hinalikan nya na ako sa aking labi ng marahan.

Hanggang sa lumalim iyon ng lumalim.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon