Chapter 50: Chat box

67 8 2
                                    

Chapter 50
Chat box

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)










Nag iimpake na ako ng damit ko kase paalis na kami ni James mamaya. Dapat nga kagabi ko pa 'to ginawa eh kaso napasarap ang pag kukuwentuhan namin ni Jiel sa tabi ng dagat. At 'yung tungkol naman dun sa tanong ni Jiel ay hindi ko na sinagot kase trip ko lang. Idinaan na lang namin 'yun sa inom para astig.

Napatigil ako sa pag sisilid ang mga damit ko nang makita ko ang isang pamilyar na dress sa aking kama. Hinablot ko iyon at saglit na tinitigan.

"Malaya na ako sa'yo. Malaya na ako sa sakit na dinanas ko sa'yo" sabay tapon ko ng dress sa basurahan at pinag patuloy ko na ang pag iimpake.

Matapos na akong mag impake ay narinig ko na lang na may kumakatok sa pinto at agad ko naman iyong binuksan. Nakita ko naman si James na ang gwapo nya sa suot nya kase nga gwapo naman sya. Pero may kulang kase wala syang jowa.

"Ready ka na?" tanong nya.

"Oo" saka ko na kinuha ang maleta ko at umalis na.

Sana maiwan ko na lahat dito 'yung sakit, alaala, at kung ano mang nag papahirap sa'kin. Sana maiwan ko na rin dito 'yung pag mamahal ko sa kanya.

"Oh my Michelle! Ang ganda mo!" sigaw ni Coreen sabay yakap ng mahigpit sa'kin.

"Baliw talaga" sabi ko.

"Sabi na nga ba eh dadating na si Michelle kase advance akong mag isip" sabi ni Majie.

"Alam mo kanina ka pa Mandy Jiena Santos ah? Kanina ka pang paulit-ulit sa advance mong 'yan!" surang sabi ni Nica.

"Gumaya ka!" surang sabi ni Majie.

Nagulat na lang ako nang may biglang nag salita sa likod ko. Grabe na miss ko 'tong taong 'to! Batukan ko kaya 'to?

"Ako wala bang yakap dyan?" kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Roxxane kaya agad namin syang sinugod ng yakap.

"Gaga ka! Hindi ka man lang nag sabi na uuwi ka? Kainis!" surang sabi ni Coreen.

"Sorry! Pero kumusta na kayo? Miss ko na kayo ah? Lalo na ang 'yung advance kung mag isip" sabi ni Roxxane.

"Aba ayos lamang!" sagot namin.

"Eh Michelle kumusta na kayo ni Rexx nag pakasal na ba kayo?" nakangiting tanong ni Roxxane kaya bigla na lang natahimik ang pagid kaya sumagot na ako para hindi awkard.

"Hiwalay na kami Roxxane" sagot ko at ngumiti.

"Ano?! Kailan pa? Aba bakit kayo nag hiwalay? Bakit wala man lang akong kaalam-alam? Michelle naman bakit naman kayo nag hiwalay?" inis na tanong ni Roxxane.

"Sisihin mo si author sya ang may kasalanan—este basta mahabang kwento" sabi ko.

"Hay nako, kumain na lang tayo!" sabay sugod namin sa mga pagkaing nakalatag sa mesa.

Grabe na miss ko 'yung kakulitan ng mga kaibigan ko lalo na si Majie na advance kung mag isip. Saka na miss ko rin 'yung utot ni Nica.

"Guys! Pakain!" sigaw ni James sabay lantak ng manok.

"Ang siba ni boy gwapo! May girlfriend ka na ba?" sabi ni Roxxane. Mag sasalita na sana si James nang sumingit si Majie.

"Wala pa 'yang girlfriend" kaswal na sabi ni Majie sabay subo nya ng asukal.

Teka bakit kumakain 'to ng asukal?

"Grabe advance talagang mag isip nitong si Majie! Huwaaaw! Majic!" sabi ni James.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon