Chapter 56: Stay With Him

70 6 2
                                    

Chapter 56
Stay With Him

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)







Nagising na lang ako dahil natapos na 'yung panaginip ko. Grabe ang ganda ng panaginip ko kung alam nyo lang! Gusto nyo bang malaman? Pwes eto sya

"My gosh Michelle ang ganda mo. Alam mo 'yun? Saka bagay sa'yo 'yang flower crown mo para kang si ano ahmm. . . . Si Bubay! Ayan!" sabi ni Coreen.

"Gaga ka sabunutan kita dyan eh!" inis na sabi ko.

"Eto naman hindi na mabiro! Pero Michelle punta muna ako dun sa bandang 'yun ah? Mukang may nakita kase akong cake eh" sabi nya sabay alis.

Dumaretso na lang ako sa kwarto ng aking mahal para mag pahinga at para narin kulitin sya. Makarating ay wala namang tao doon kaya dumaretso na lang ako sa kama at naupo. Mayamaya ay bigla na lang bumukas ang pintuan ng CR at nakita ko sya na naka boxer lang.

Dumaretso sya sa'kin at biglang nag sexy dance sa harap ko. Bigla na lang naginit ang aking muka sa nakikita ko ngayon

"Hot ba ako asawa ko?" sabi nya sabay lapit sa'kin.

"Ulul mo" sabi ko sabay iwas ng tingin at lumunok ng tatlong beses.

"Loving-loving tayo love ko" bulong nya saka nya ako tinulak pahiga sa kama at sya ay pumaibabaw sa'kin—

At dun na natapos ang malupet na panaginip ko. Ang ganda 'no? Ihihi landi ko talaga.

Tumagilid ako para yakapin si Rexx pero pagkita ko ay nakaupo sya sa kama at para bang nahihirapan syang huminga. Agaran akong naupo sa kama para tiningnan ang kalagayan ni Rexx at nagulat ako nang may makita akong dugo sa damit nya at iyon ay napakarami.

Kita ko naman na patuloy lang ang pag tulo ang dugo sa ilong ni Rexx at sya ay ubo ng ubo. Hinimas ko ang kanyang likod at kasabay no'n ang pag tulo ng luha ko.

"G-good morning a-asawa ko" hirap nyang sabi sa akin.

"R-Rexx" nag aalala kong sabi.

"A-ayos lang ako asawa ko. W-wag kang mag alala" hingal na sabi ni Rexx at pilit na hinahabol ang hininga.

Nabigla na lang ako nang sumuka na sya ng dugo at iyon ay kumapol agad sa kobre kama. Patuloy lang ang pag ubo nya at pag hingal. Tumayo na naman ako sa aking kama para tumawag ng doktor.

"Sandali lang tatawag lang ako ng doktor" sabi ko

"'W-'wag—" pero huli na ang lahat nakalabas na ako ng kwarto at agad sumigaw ng tulong.

May lumapit naman agad sa'kin na dalawang nurse at ang iba ay tinawag ang doktor. Agad nilang inasikaso si Rexx at pinahiga sa kama. Lumapit naman ako kay Rexx para hawakan ang kanyang kamay. Napatingin naman sya sa'kin kaya nakita ko ang kanyang muka na nahihirapan.

Tulo na lang ng tulo ang luha ko at hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Panay lang ang pag daing ni Rexx dahil sa mga itinutusok ng mga nurse sa kanyang balat.

"P-please d-don't cry. Mas lalo a-akong nahihirapan k-kapag nakikita k-kitang umiiyak" nahihirapang sabi ni Rexx.

Napatango na lang ako sabay punas ng luha ko. Nilagyan ng mga nurse si Rexx ng oxygen para hindi sya mahirapang huminga. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng kamay nya sa kamay ko. Nakatitig lang sya sa'kin at kita ko ang pag tulo ng luha nya.

"Stay with me. . . Stay by my side love i-i dont want y-you to leave" biglang sabi ni Rexx kahit nahihirapan pa.

"H-hindi ako aalis. Dito lang ako sa tabi m-mo" sabi ko.

Kasabay naman no'n ang pag bukas ng pinto at nakita ko naman doon ang mga magulang ni Rexx. Bakas naman sa mga muka nila ang pag aalala at agad na lumapit sila kay Rexx na sa ngayon ay maayos nang nakakahinga.

"Andito na kami ng daddy mo. . . Please stay strong Rexx we need you. And Michelle is need you" naiiyak na sabi ni mom Rainy.

"Rainy, Rexx is okay. You should have not to worry. May awa ang diyos hindi nya pababayaan ang anak natin" sabi ni dad Freddie.

Napatango naman si mom Rainy at napayakap na lang sa kanyang asawa. Napatingin na lang ako kay Rexx na sa ngayon ay nakatitig parin sa'kin.

":W-'wag kang bibitaw ah? Pag bumitaw ka tatanggalin ko 'yang patutoy mo" sabi ko at pilit na hindi umiyak. Napangiti na lang si Rexx saka sya tumango.

Matapos ang pangyayaring 'yun nakatulog na sya. At sa ngayon kausap pa namin ang doktor para alamin kung bakit nagka ganon si Rexx. Medyo nagtataka si mom Rainy dahil na operahan na nga si Rexx bakit daw patuloy parin ang pag susuka nya ng dugo.

Ang sabi naman ng doktor ay kaya daw patuloy na nag susuka ng dugo si Rexx ay dahil kagagaling lang daw ni Rexx sa operasyon kaya ganon. Pero wala naman daw dapat ikabahala kase unti-unti na daw nakakarecover si Rexx.

"Michelle salamat dahil andito ka sa tabi nya kahit pa sinaktan ka nya at pinaglihiman" sabi ni mom Rainy sakin "Humihingi ako ng tawad sa'yo kase nagawa koring mag lihim sa'yo" sabay hagulgol ni mom Rainy. Agad ko namang niyakap si mom Rainya para pakalmahin.

"Ano ba kayo ayos lang po 'yun sa'kin. Kaya 'wag na po kayong umiyak dyan baka isipin pa ni dad Freddie na pinaiyak ko kayo" sabay tawa ko.

"Pero salamat talaga Michelle kase kung wala ka siguro lantay parin ang Rexx namin ngayon. Kaya sana 'wag mo na syang iiwan sana sa tabi ka na lang nya. Kahit kase sa pag tulog nya pangalan mo ang binabanggit nya. Gabi-gabi umiiyak sya dahil sa'yo at araw-araw palagi nyang kinukwestyon ang sarili nya na kung bakit sya nag kaganon" napayuko na lang ako sa sinabi ni mom Rainy.

"Tapos last 2 months nakita ko sya na sumisigaw dyan sa balcony na 'yan" sabay turo ni mom Rainy dun sa labas "At alam mo ba ang isinisigaw nya? Na sana mamatay na lang sya kase hindi daw sya deserving para sa'yo. At kung bakit pa bumalik 'yung sakit nya" napapahikbi na lang ako dahil sobrang hirap pala ng dinadanas ni Rexx habang wala ako sa tabi nya.

"Nung 10 years old kase sya nagkaroon na sya ng leukemia at buti na lang agad namin 'yung naagapan. Pero nung nag 24 na sya bumalik 'yung sakit nya kase sabi nung doktor kahit ano mang oras o taon pwede daw bumalik 'yung sakit nya" sabi ni mom Rainy.

"Kaya Michelle manatili ka lang sa tabi nya ah? Kase kapag nawala sya baka hindi ko kayanin" sabay hagulgol nya.

Napatakip na lang ako ng bibig ko para pigilan ang paghikbi. Kasabay naman no'n ang pagbukas ng pintuan at nakita ko doon ang kapatid ni Rexx na si Reinelle at ang aking kapatid.

▄︻̷̿┻̿═━一▄︻̷̿┻̿═━一▄︻̷̿┻̿═━一▄︻̷̿┻̿═━一▄︻̷̿┻̿═━一

Vote and comment mga gilew salamat!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon