Epilouge

96 7 0
                                    

Epilouge

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








Dalawang linggo na ang nakalipas no'ng mangyari ang wedding proposal ni Rexx. Medyo lumalaki narin ang tyan ko pero hindi parin naman halata na buntis ako. Hanggang ngayon hindi ko parin sinasabi kay Rexx na buntis ako. Ang mga nakakaalam pa lang ay sina mama at ang mga kaibigan ko. Bukas na ang kasal namin ni Rexx kaya todo prepare na sila para bukas. Handa na rin ang susuotin kong wedding gown at handa narin kung saan gaganapin ang reception.

Mas tumitindi pa ang pagkainis ko kay Rexx dahil nga buntis ako. Siguro kamuka nya ang anak namin kaya ganito ako sa kanya. Dito na muna ako natulog sa bahay nina Coreen kase nga ayaw kong makita si Rexx. Tapos si Coreen naman todo kwento at kulit sa akin gawa ng anak ko. Magiging ninang na daw sya eh kaya ganon.

"Michelle sana lang girl ang anak mo para mana sa akin! Hihihi saka Michelle exited na ako sa kasal nyo ni Rexx bukas! Nang gigigil ako grabe" sabi ni Coreen.

"Pwede ba Coreen tumahimik ka na muna? Naiirita ako sa lintik na bunganga mo baka gusto mong tahian ko 'yan?" sabay taas ko ng kilay ko.

"Oo na! Tatahimik na! Bwisit na buntis na 'to!" sabay alis nya kasabay naman no'n ang pag tunog ng telepono ko.

Kinuha ko na iyon at agad na sinagot ang tawag

"Hello Misis ko" bungad na sabi ni Rexx kaya kumulo na naman ang dugo ko. Ano ba 'yan kahit hindi ko nakikita ang muka ni Rexx kumukulo parin ang dugo ko!

"Misis mo muka mo!"

"Bakit? Ikakasal na naman tayo bukas ah? Kaya pwede na kitang tawaging Misis sa kahit na anong gusto ko!"

"Lintik kang Carrlington ka iniinis mo na naman ako!"

"Hayaan mo na palagi ka namang inis sa'kin. Pero asawa ko sabik na akong makita-kita sa altar at makuha ang basbas ng dyos proweba na kasal na talaga tayo" seryosong sabi ni 'to. Bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso sa pinag sasabi ng lalaking ito.

"Pero mas exited ako dun sa honeymoon siguradong masaya 'yun" sabay halakhak nya.

"Bwisit ka talaga Rexx! Alam mo maganda na sana ang gabi ko eh tumawag ka lang!" inis na sabi ko.

"Eh bakit mo sinagot ang tawag kung ayaw mo akong kausap?"

"Eh malay ko ba na ikaw ang tumatawag!" sigaw ko.

"Ang sabihin mo na mi-miss mo na ako! Aruy! Miss na ako ng asawa ko!"

"Tumigil ka nga! Sumasakit na ang ulo ko sa kakulitan mo!"

"Ang asawa ko naman lovin—" at pinatay ko na ang tawag kase surang-sura na talaga ako. Humiga na lang ako sa kama saka na ako pumikit.













"Teka Michelle! 'Wag ka nang magalaw! Kumakalat 'yung eyeliner mo eh! Pwede pumirmi ka lang?! Ginigigil mo ako!" inis na sabi ni Roxxane.

"Oo na! Oo na!" sabi ko.

Mamaya na kase ang kasal kaya todo ayos na sila sa akin. Tapos hindi pa ako sanay na ayusan kase mas sanay ako na ako ang mag aayos sa sarili ko. Nang makaraos nang mag ayos ay tiningnan ko na ang sarili ko sa salamin. Napanganga na lang ako kase grabe na 'yung iginanda ko nag muka na tuloy akong manika sa ganda ko!

"Mga bessy! Ang ganda ni Michelle oh! Grabe sobrang ganda nya" puri sa akin ni Nica.

"Oo nga! Kamuka nya na si I have a pen! I a apple! Ahmm! Apple pen! "  sabay tawa ni Majie na sinundan naman ng tatlo.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon