Chapter 8: Ghost

110 6 2
                                    

Chapter 8:
Ghost




Hindi ko talaga makalimutan 'yung pangalan ng aso ni Rexx. Grabe ang sama nya talaga sa'kin! Bwiset sya! Kalmutin ko ang abs nya eh bwiset! Talagang ang pangalan ng aso nya ay Alisson? Kingina lang ang daming pangalan dyan ah?! Nakakabwisit sya wala na syang ginawang matino! Puro na lang pambubuwisit ang ginagawa nya nakakasawa na! Punong-puno na ako! Ayoko na!

"Lutang na naman ang leader natin mga dre" sabi ni Coreen kaya ako'y napalingon sa kanya.

"Oo nga eh, sarap ipalutang sa ere. Tch! Ano ba problema nyan? Kanina pa 'yang balisa. Problema mo ah? Suntukan?" hamon ni Majie.

"Sige ba! Surang-sura pa naman ako ngayon parine! Ano! Gawin kong lamog na papaya ang muka mo eh" sigaw ko.

"Oyy! Tumigil na nga kayo dyan! Baka magkapasa pa kayo eh, may laban pa tayo sa linggo. Ano ba ang problema mo Michelle at bakit ka ba nag kakaganyan? Tell me nga tell me" tanong ni Nica.

"Eh kase si Rexx eh—" hindi na natapos ang sasabihin ko nang biglang nagsitilian ang tropa.

"Ayieeee! Whoohooo! Team Rexelle na nga talaga! Whooo 'la poreber! Bitter ako bitter" sigaw ni Roxxane.

"Tumigil nga kayo! Para kayong mga tanga! Hayaan nyo nga muna akong makapag salita pwede? At panigurado kapag narinig nyo 'to masusura din kayo" inis kong sabi.

"Eh ano ba 'yun?" tanong ni Roxxane.

"Ganito kase 'yun. Kanina nakita ko si Rexx na may dalang aso no'ng isang araw sa corridor tapos sinigawan ko sya ng bato-bato ayun nagalit tapos dinala nya ako sa abandunadong room—" bigla akong natigilan nang sumingit si Coreen.

"Anong ginawa nya sa'yo dun ah? Hinalikan ka ba nya? O.M.G! May something na ba sa inyo? Nako bess ako ninang!" sigaw ni Coreen. Lintik!

"Patapusin nyo kaya muna ako para maganda!" Bulyaw ko.

"Okay! Okay!" saad nila.

"Ayun! Nung nadala nya na ako sa room na iyon ay pinagpakain nya lang ako ng aso nya ka—" hindi na naman natapos ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Nica. Letchugas!

"Pinakain ka lang ng aso nya? Hindi man lang kayo gumawa ng milagro?" disappointed na sabi nya.

"Hay hindi tayo matatapos kapag sabat kayo ng sabat! My whisper!" sigaw ko.

"Sorry poooooo" sabay-sabay nilang sabi.

"Ang nakakainis kase ang pangalan ng aso nya ay Alisson! Sino ang 'di maiinis do'n!" Sigaw ko pero ang mga kumag kong mga kaibigan pinagtawanan lamang ako. Pakyu kayo!

"Hahahaha! Ganda ng pangalan ng aso ni Rexx ah? Bet ko 'yun! Bet ko! Hay ano kaya kung ang ipangalan ko na lang sa alaga kong kabayo dun sa probinsya ay Alisson din? Ay ang gara!" saad ni Majie kaya binatukan ko na.

"Aray ko naman ah? Masakit! " angal nya.

"Pang hayop ba ang pangalan ko ah? Mga tarantado kayo ah?" bulyaw ko.

"Sorry naman! Biro lang eh! Ito naman masyadong seryoso. Hehehe" saad ni Majie.

"Ayusin mo lang ayusin mo! Talagang tatamaan ka na sa'kin makita mo—" hindi na natapos ang sasabihin ko nang biglang nag bell.

"Oh! Tara na sa room at baka mapagalitan na naman tayo ni sir. Sernat " sabi ni Roxxane kaya naman kami ay nagtungo na sa room.

Habang nagkakalase wala lang akong ginawa kundi mag drawing ng anime. Mahilig kase ako sa anime simula pa noong bata pa ako. Favorite na favorite ko nga 'yung anime na My Little Monster ang ganda kase.












Matapos ang klase ay agad ko nang iniligpit ang gamit ko at ipinasok sa aking bag saka iyon isinukbit sa balikat at tuluyang lumabas. Iniwan na naman kase ako ng mga kuto kong kaibigan at nagsarili na naman kaya eto na naman ako mag isang naglalakad sa corridor.

Nagulat na lang ako nang may biglang sumabay sa'kin sa paglalakad. Pero infair ang bango nya ah? Nakaka-adik ang amoy sarap singgutin hanggang sa mapasok na sya sa ilong ko. Binalingan ko sya ng tingin at pagkita ko ay ang one and only kong crush na si Harry Styles!!! Charot! Hehe sya lang naman si James Scott Bartolome ang nag iisang nagpapatibok ng puso ko. Ganito kase 'yan gusto mo ikwento ko sa inyo ang love story namin ni James? Pwes! Kumanta muna kayo ng Love Story by Taylor Swift ehehe joke lang. Okay flash back!!!

"Oh? Bakit ka umiiyak?" tanong nya sabay lahad nya ng panyo sa harap ko. Agad ko naman 'yung tinanggap kase tumutulo na ang sipon ko.

"Okay ka lang ba?" tanong nya pa.

"Oo a-ayos lang ako" pag sisinungaling ko.

"Parang hindi naman eh share mo naman 'yan."

"Sige mapilit ka eh. Patay na kase ang tito ko namatay sya sa cancer" saad ko sabay punas ko ulit ng luha ko.

"Ano?! Nakakabigla naman. Hayaan mo andito naman ako para sa'yo" saad nya sabay ngiti. At dahil sa ngiti na iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at simula nun naging crush ko na sya. Rupok wow! D joke!

"Ako nga pala si James"

"Michelle"  sabay ngiti din.

















"Michelle kamusta ka na? Sorry kung ngayon lang ako nagpakita sa'yo ah? Naging busy kase eh" sabi nya.

"Nako ayos lamang 'yun!"

"Hatid na kaya kita sa susunod mong klase? Saan ka ba ngayon?" aniya.

"Nako 'wag na! Nakakahiya kaya ko na naman. May paa naman ako oh? Kaya 'wag na pumunta ka na sa klase mo at baka ikaw pa ang ma-late, "
pagtanggi ko.

"Sigurado ka?" tanong nya.

"Oo! Ako pa! Para namang may mang ra-rape sa'kin dito sa school," sabay tawa ko.

"Oh. Sige una na ako ah? Bye," saka na sya dalidaling umalis. Anyare dun? Bakit nagmamadali sya? Parang nakakita ng multo? Pero 'la akong pake 'di naman ako.

Lumingon ako sa paligid para suriin kung may multo nga at. . . Pusang gala may multo nga! Nakita ko si Rexx na masamang nakatingin kay James. Mukang nagdidilim na ang paningin nya at kulang na lang manugod na sya ng saksak. Umalis sya doon sa pwesto nya at nilapitan ako. Itinapat nya ang bibig nya sa tenga ko saka sya bumulong.

Shit ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko! Nakakakiliti!

"Selos ako" bulong nya saka sya lumayo sa'kin at umalis. Agad namang nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Ano daw? S-selos daw sya? What the fvck?!!!







✨✨✨
Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌











Next Chapter 9: First Time

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon