Chapter 24: Tabi

77 5 1
                                    

Chapter 24
Tabi

(This chapter is unedited , so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)














Ang ganda talaga dito! Grabe para akong nasa paraiso! Buti n alang at dinala ako rito ni Rexx. Grabe nakakawala ng stress tong lugar na 'to! Makabalik nga dito.

"Mich uwi na tayo gumagabi na. Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Tara na" saad ni Rexx.

"Wag muna! Pabitin naman 'to! Dito na muna tayo! Kung kelan naman na fi-feel ko na 'yung kapaligiran eh saka ka naman mag aayang umuwi!" galit kong sabi saka ako nahiga sa damuhan. Samantalang si Rexx ay nakatayo lang sa tabi ko at pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid.

Mayamaya ay biglang tumabi sa akin si Rexx at ako ay yinakap nya. Agad ko namang naamoy ang kanyang pabango kaya heaven na naman. Nakakaadik talaga. Pero ang nakakasura may kung anong kumikiliti sa aking tyan at bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Alisin mo nga 'yang kamay mo! Hindi ako unan para yakapin mo lang ako ng basta-basta!" reklamo ko.

"Hindi nga kita unan pero ikaw naman ang mahal ko kaya pwede lang kitang yakapin" aniya sabay higpit ng pagkakayakap nya kaya sobrang lapit na namin sa isat-isa.

"Pero hindi pa kita sinasagot kaya wala kang karapatan na yakapin ako!" bulyaw ko.

"Tch! Kahit 5 minutes lang" saad nya sabay pikit. Ang gwapo talaga ni Rexx lalot naka pikit sya. Para syang prinsipeng natutulog!

Hinayaan ko na lang na yakapin ako ni Rexx baka mag talo pa kami eh wala ako sa mood makipag bangayan ngayon. Tinitigan ko na lang ang muka nya habang natutulog. Narinig ko na lamang na humihilik na sya kaya napatawa na lamang ako sa isip ko. Grabe ang lakas humilik ni Rexx sarap supalpalan ng bulaklak sa bunganga pero ang gwapo nya. Hehehe nakaramdam na lang ako ng antok kaya ipinikit ko na ang aking mata.

ANG SAYA-SAYA ko! Eto na ang pinakahinihintay ko! Matagal ko na 'tong pinangarap at ngayon matutupad na! Sawakas!

"Oh Michelle. Ready ka na ba sa kasal mo? Nako excited nakong makita kayong dalawa sa altar!" masayang sabi ni mama.

"Nako ma, kahit ako rin excited na excited! At sawakas mangyayari na ang inaasam ko" sabay tulo ng luha ko.

"Nako anak! Wag kana munang umiyak! Mag sisimula na eh! Oh sya tara na at rarampa ka na sa simbahan!" saad ni mama kaya ako ay tumayo na at sabay kami ni mama na mag punta sa simbahan. Pero si papa ang mag hahatid sa'kin patungo kay alam nyo na.

Habang ako ay naglalakad patungo sa kanya ay hindi ko talaga maiwasang mapaluha sa saya. Akala ko hindi 'to totoo. Makarating nako sa kanya ay agad nyang hinawakan ang aking kamay.

"Ang ganda naman ng asawa ko" puri nya kaya hinampas ko sya ng hawak kong bulaklak?

"Aray ko naman!" angal nya.

"Bolero—" naramdaman ko nalang nang may biglang humahaplos ng aking ulo kaya ako ay biglang napamulat at nakita ko naman si Rexx na sobrang lapit ng muka sa'kin.

"Lumayo ka nga! Kung kelan napakaganda ng panaginip ko eh!" sigaw ko agad naman syang lumayo at nahiga sa tabi ko.

"Ano ba ang panaginip mo? Ako ba?" sabay ngisi nya.

"Che! Wala ka na dun!" napansin ko na lamang na gabi na at sobrang daming stars sa langit kaya ako ay napatunganga roon.

"Ang ganda ng star sa langit ano? Sarap pagmasdan" saad ko.

"Oo nga ang ganda. . . Sobra" sabi ni Rexx pero nakikita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatitig sya sa akin kaya ang ginawa ko ay naupo na ako.

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon