Chapter 21: Second Offer

81 7 2
                                    

Chapter 21
Second Offer







(-This is unedited chapter, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.-)





Inilagay ko na sa vase 'yung ibinigay na rosas sa'kin ni Rexx kahit lanta na. Pero inamoy ko 'yun kagabi ang bago pala no'n? Hihihi ang sweet talaga ni Rexx! Pero tarantado parin kase lanta 'yung bulaklak. Sana kung mag bibigay man sya ng bulaklak sana hindi na lanta. Kung hindi itatapal ko 'yun sa itlog nya.

"Michelle! 'Yung sandok daw saan mo nailagay?" tanong ni Roxxane.

"Aba! Aanhin ko ang sandok na 'yun? Sa'kin mo pa ibibintang 'yan—" bigla akong natigilan nang mag salita si Roxxane.

"Sa'n galing 'yang bulaklak na 'yan? Bakit lanta?" tanong ulit ni Roxxane.

"Wala ka na dun! Tss! Labas na nga sa kwarto ko! Wala naman sa'kin 'yung sandok eh!" sigaw ko.

"Sabihin mo na muna kung sino ang nagbigay n'yan. Daya mo eh!" sabi nya

"Eh! 'Wag na! Lumaki na naman 'yang tenga mo! Labas na! Kainis 'to. Labas na" inis kong sabi.

"Sabihin mo na muna kase! 'Di ako aalis dito" sabay halukipkip nya.

"Hays. Sige na nga ang kulit. Si Rexx ang nag bigay—" langya naman.

"Kyaaaaa! Si Rexx! Sabi na eh, sya ang nag bigay eh! Sya tang'na bakit lanta? Pero bye! Bye! Lintik ka" aniya saka na sya lumabas ng kwarto ko.

Aba't! Walang hiya 'yun ah? Minura pa ako! Tares namang iyan! Tsk! Itakwil ko sya sa grupo eh! Tss! Bahala na nga kayo dyan! Di na ako kakain ng hapunan! Tulog na ako!

"TARA na sa batibot! Tara na sa batibot"

Ay sawakas at bell na! Sawa na kase ako sa pagmumuka ni sir! Kainis! Lumabas na ako ng room at nag lakad ng mapayapa sa corridor. Nagulat na lang ako nang bigla akong harangan ni James. Aba! Ngayon ko na lang ulit to nakita ah? Sa'n ba 'to nag punta sa Jupiter? Hays. . .

"Oh James! Kumusta ka na?" tanong ko pero 'di nya iyon pinansin. Bigla nya na lamang hinila ang kamay ko at kami ay nag punta sa kanyang tambayan.

"Oh. Bakit tayo nag punta dito? Tuturuan mo ba ulit ako mag gitara?" tanong ko ulit pero 'di ulit sya nag salita. Nakatingin lang sya sakin. At sawakas din naman umimik na sya.

"Totoo ba na. . . Na nililigawan ka ni Rexx?" seryoso at diretso nyang tanong.

"H-huh? A-ano oo nililigawan n-nya ako" pag amin ko.

Bigla na lamang napahilamos ng muka si James kaya mas lalo akong naguguluhan sa mga kinikilos nya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba sya nag kakaganyan? Bakit parang frustrated sya? Parang tanga naman 'to. Joke.

"Ayos ka lang J-james?" tanong ko.

"Hay. Siguro ito na ang tamang oras. . . Michelle. Gusto kita—" hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin kase ayaw ko eh. Pake nyo!

"James. Hindi pwede. Pigilan mo. Pigilan mo 'yan kahit masakit 'yan sa pantog pigilan mo."

"Bakit? Ayaw mo ba sa'kin?" aniya.

"Hindi naman sa ganon James pero ayaw lang naman kitang paasahin kase 'di naman ako paasang tao aminado na ako. Saka para hindi ka narin masaktan ng super" sabi ko.

"Michelle. . . Shit!" at bigla na lang tumulo ang luha nya "First time kong ma-reject. First time koring ma-inlove. First time koring mag confess. At first time koring masaktan. Pero tatanggapin ko para lang sa'yo" saad nya sabay alis agad ko naman syang tinawag at sya ay lumigon sa'kin.

"Sorry. Wala talaga eh. Sorry talaga sorry" sabi ko ng may halong awa.

"Ayos lang. Basta hindi masisira ang pag kakaibigan natin ah?" saad nya. Agad naman akong tumango at sya ay umalis na.

Kawawang James. Hay 'yung crush ko noon ang confess sa'kin. Hay kaso nung umamin eh hindi ko na mahal sayang lamang! Nalipat na kase ang pag mamahal ko kay alam nyo na eh. Hihihi ang haba talaga ng hair ng ate nyo! Joke lang!

Napagpasyahan ko nang umalis doon sa lugar na iyon kase ginugutom na ako. Makarating na ako sa Cafeteria ay agad na akong bumili ng pagkain at na upo sa bakanteng table. Habang lumalamon ay narinig kong pinag uusapan si Rexx sa kabilang table ng mga kikay na babae. Mga hayop kayo anong issue nyo sa manliligaw ko!

"Alam mo girl na sa gym daw ngayon si Rexx" malanding sabi ni girl sa bestfriend nya.

"Bakit daw?" tanong naman ng kausap nya.

"Nag pa-practise sya ng basketball! Girl tarang tingnan siguradong ang hot dun ni Rexx! Hihihihi i-cheer natin sya"

"Tara! My gosh!" saka na sila umalis.

Aba! Kasali rin pala si Rexx sa basketball team. Makapanood nga. Ano sa tingin nyo? Wala namang masama kung manonood ako 'di ba? Hihihi. Agad na akong tumayo at naglakad na papunta sa gym. At aba totoo nga! Nag ba-basketball nga si Rexx! Updated ang mga iyon sa mga ginagawa ni Rexx. Kapag tumatae kaya si Rexx alam din nila? Hay mga babae nga naman.

Umupo ako malayo-layo dun sa mga babaeng nag chi-cheer kay Rexx kase nakakaulirat ang boses nila. At nung makashoot si Rexx ay mas lalong lumakas ang sigaw nila. Kaloka para silang binubunutan ng buhok sa kilay dyan eh! Makasigaw parang walang bukas. Tsss! Batuhin ko sila ng notebook dyan eh! Kainis kalalandi.

"YAAAAA REXX!! ANG GALING MO!!!" sigaw ng mga babaeng sarap tadyakan sa ngalangala.

Kaya naman naagaw ang atensyon ni Rexx at napatingin sa kanila. Bigla namang nanlaki ang mata ni Rexx na mapansin ko na nakatingin pala sya sa'kin. Ay enebe talagang kapansin-pansin ang ganda ko 'di ba? Agad na namang dumagundong ang aking puso. Bwisit nayan. Kala ko naka tingin sya dun sa mga hampaslupang babae sakin pala. Tsk!

"Hoy Rexx! Focus malapit na ang laban natin" suway ng coach nya sa kanya. Kaya muli na ulit nag laro si Rexx. Samantalang ako naman ay tumayo na at lumabas na sa gym kase parang nakakagulo ako dun at dumeretso na lamang ako sa susunod kong klase. Agad naman akong sinalubong ng tropa ko.

"Michelle! Tingnan mo 'yung upuan mo bilis! Tingnan mo!" sabi ni Nica

"Ano na naman bang kabalbalan 'yan ah? " saka ko naman sya inirapan.

"Taray ah? Pero tingnan mo 'yung upuan mo bilis na! Magugulat ka kapag nakita mo kung ano ang meron dun!" aniya sabay hila nya sa'kin patungo sa aking gwapong upuan.

Agad naman akong nabigla nang may nakita ako roong tatlong box ng moon cake at isang bouquet of roses. Agad ko namang hinablot ang rosas at may nakita ako roong sulat kaya bunuksan ko iyon at binasa.

Second Offer ;)

Lintik na offer na 'yan! Kinikilig na naman ako! Bwiset! Agrrhh! Kainis! Nakakainis talaga! Super

"Kanino daw galing?" sabay sabay na tanong nila.

"Kay. . . R-rexx" sagot ko agad naman silang napatili at nakuha ang etensyon ng mga kaklase ko kaya ang ginawa ko sinapok ko sila isa-isa.

"Langya ka talaga Michelle! Masakit 'yun ah? Hayop" angal ni Majie

"Che!" sabay upo ko sa upuan ko at agad namang pinag kaguluhan ng mga bugok kong tropa ang tatlong moon cake na bigay sa'kin ni Rexx. Mga patay gutom ang puts.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon