Chapter 29: Gay

79 5 0
                                    

Chapter 29
Gay

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)









Andito na ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo sa kama at nag lalaro sa cellphone ng Super Mario. Hehe paborit eh! Saka malapit ko narin namang maligtas 'yung prinsesa eh wait mo lang.

Habang ako ay nag lalaro ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya ako ay napangon doon. Wala namang tao ah? Kaya back to game! Sige Mario tumalon ka lang! 'Wag kang mag papatalo sa mga lintik na pagong na 'yan ah? Nakasalalay ang buhay ng prinsesa dyan.

Sa kalagitnaan ng paglalaro ko ay nagulat na lang ako na biglang sumulpot sa harap ko si Rexx na puting puti ang muka at tinatapatan nya pa ng lente ang muka nya para mas nakakatakot ang muka nya. Parang tanga.

"Ahhhhhhh! Ahhhhh! Bwisit ka! Lumayo ka nga sa'king hayop ka! Mag hilamos ka ro'n!" sigaw ko sa kanya pero ang walang hiya tinawanan lamang ako.

"Hahaha! K-kung nakita mo lang 'yang muka mo parang haha para kang ma-iihi na ewan! Haha" aniya habang tumatawa.

"Bwisit ka! Gabing gabi may ganyan ka pang pakulo! Bwisit 'to mag hugas ka na nga ng muka ron! Nag sayang kalang ng pulbos eh!" bwisit muntik na akong atakihin sa puso.

"Sige na nga. Pero in one condition" sabay taas baba ng kanyang dalawang kilay.

"Che! Mag hugas ka na ng muka!" napupuno na ako.

"Eh. May con—"

"Ano ba 'yun? Sabi kung ano! Basta mag hugas ka lang ng gwapo mong muka!" sigaw ko.

"Ah. Dito ako matutulog sa kwarto mo ah? Tabi tayo—" lintik talagang lalaking ito sinusura ako.

"Muka mo! Bakit ka naman matutulog dito? Ha?" tanong ko.

"Eh nasira 'yung pinag tutulugan ko run eh. Hihiga na sana ako dun sa bangko nyo kaso biglang bumigay eh" aniya sabay ngisi " Pumayag narin naman sina tito at tita eh" aniya habang nakangisi.

"Hayst! Oo na! Mag hugas ka na ng muka do'n!" agad na syang tumakbo palabas at mabilis na bumalik na malinis na ang muka. Pati nga damit eh nag palit sya hay.

"Ready na ako!" sabay talon nya patungo sa kama ko kaya dumagundong ang buong kama ko saka naman sya nahiga ng maayos.

"Bwisit kang lalaki ka ah! Anong tingin mo dito sa kama ko swimming pool? Hayst! Lahat na talaga! Rexx!" reklamo ko saka ako nahiga sa tabi nya.

"Hay nako. 'Yaan mo na baka mas makulit pa sa'kin ang magiging anak natin kaya masanay ka na" aniya sabay pikit at niyakap ako ng mahigpit.

"Good night my love" sabay hilik nya. Aba mabilis itong makatulog.

"Good night din love. . ." saka ko na ipinikit ang mata ko.


NAGISING na lang ako na maramdaman ko na ang init init at tumatagaktak na ang pawis ko. Kaya agad kong iminulat ang aking mata at gulat kong nakita si Rexx na yakap-yakap ako at nakatopless pa sya. Kaya pala mainit ah? Saka 'di ba kagabi may damit pa sya nung natulog sya? Ah ewan!

Agad ko nang inalis ang kamay ni Rexx sa aking bewang saka tumayo at nag tungo na sa kusina.

"Musta tulog nyo ni Rexx anak? Baka gumawa na kayo ng supling nyan ah. Nag aaral pa lang kayo. Hinay-hinay" pang eechos ni mama.

"Ma naman eh!" kainis umagang-umaga 'yan agad ang bungad sa'kin.

"Nakita kaya namin ng papa mo mag kayakap kayo ni Rexx. Ayiee katuwa naman ang anak ko. Hay Rolando malalaki na ang anak natin umiirog na" sabi ni mama.

"Ma aba hinay-hinay din naman sa mga sinasabi baka mapagaya kayo kay ate Ami nyan" panakot ko.

"Eto naman! Di na mabiro ang panganay namin. Sya gisingin mo na ang nobyo mo at pakainin mo na ah. Mahal tara na sa likod bahay at ating tingnan ang tanim nating luya" saka na tumayo sina mama at papa at umalis. Samantalang ako naman ay nag diretso sa kwarto ko at ginising si Rexx na nakabalot parin ng kumot hanggang ngayon.

"Hoy! Rexx—ay este love! Gising na umaga na oh! Hay kung matulog parang walang bukas" saad ko habang niyuyugyog ko si Rexx. Agad namang idinilat ni Rexx ang mata nya at umupo sa kama saka nya kinusot ang mata nya.

"Hay. Sarap matulog sa kwarto mo ah?" aniya.

"Tara tumayo ka na dyan at kakain na tayo! Saka oo nga pala ano tatlong araw pala tayong walang pasok sa school dahil may seminar ang mga teacher—"

"Sa Wednesday na tayo umuwi ng manila. Gusto ko na dito" saad nya saka sya tumayo sa kama. Agad namang nanlaki ang mata ko na makita ang suot nya. Grabe ang hot!

Nakatopless sya at nakaboxer na itim lang sya! Grabe mama miya~ nagugutom pa naman ako 'wag naman si Rexx ang ihain nyo ngayon sa'kin! Ilalaan ko pa 'yan sa honeymoon namin! Hihi landi pero ang hot nya.

*lunok*

"Ma-Mag suot ka nga ng short! Grabe ka!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Nay mali ba sa suot ko?" aniya sabay labas sa kwarto ko at nag punta sa kusina at kumain.

"Wala ka talagang balak na mag bihis ano? Tsk!" nang gigigil ako sa mga pandesal mo! Alam mo 'yun.

"Kumain ka na lang. Bahala ka malilipasan ka ng gutom. Lika susubuan kita. Say aah" sabay tapat nya ng kutsara sa bibig ko.

"Alam mo. . . Para kang tanga. Ano ako 2 years old na bata na hindi marunong mag subo sa sarili? My giliw Rexx!" gigil na sabi ko sa kanya.

"Eto naman. Sinusubuan na nga eh choosy pa. Oh nag aantay 'tong kutasara na isubo mo oh" kainis.

Dahil wala na akong nagawa sinubo ko na 'yung kutsara at nginuya ang pagkain.

"Oh. Di ba masarap laway ko" aniya na ikinabigla ko. Lintik kala ko hindi nya pa nasusubo 'yung kutsara!

"Hayop ka Rexx! Kadiri!" sigaw ko.

"Wow! Kung makapandiri naman ito wagas! Hoy nag kiss na tayo ah mariming beses pa kaya!" aniya sabay ngisi.

"Lintik na ito isa lang 'yun!" bwisit ka!

"Akala mo lang 'yun. Habang tulog ka kaya hinahalikan kita. May kagat pa" waaaaah! Manyak!

"Napakamanyak mo! Bahala ka dyan tapos na akong kumain" sabay tayo ko at nag punta sa harap ng TV. Agad naman syang sumunod at tumabi sakin maupo sa sahig. Ayaw kong maupo sa upuan eh. Trip ko sa sahig.

"May gagawin tayo ngayon" aniya sabay labas ng plastic botte "Spin the bottle ulit tayo game?" dagdag nya pa.

"Game!" sabay ikot ko ng bote at 'yun! Swerte ako ngayong araw! Tumapat kay Rexx! Yey! Whoo!

"Oh ikaw tinapatan! Yehey! Dare na kita" masaya kong sabi.

"Ano ba dare mo? Dapat madali lang ah" aniya.

Hmm? Ano kaya ang mapagawa sa lintik na ito? Dapat challenging saka dapat 'yung maiinis sya. Hmmm? Ah! Alam ko na! Hehehe humanda ka Rexx!

"Ang dare ko ay mag panggap ka na bakla ngayong maghapon. Ano kaya mo? Kapag hindi kayang gawin kukurutin sa ut*ng" bwahahaha kaya?

"Ano?! Grabe naman sige deal! Hayst! Kung hindi lang kita mahal at love na saranghae! Ay nako" aniya

Hahahaha good job! Nakaganti din ako sa mga panginis-inis nya sa'kin! Hahaha tingnan natin kung kaya mo

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon