Chapter 3: Antipatiko

144 9 1
                                    


Chapter 3:
Antipatiko





"Mandaraya ka Michelle," sabi nya saka sya ngumisi.

Talagang sinasabihan nya pa ako ng mandaraya ah? Aba't suntukan na lang oh! Halos mamatay na kami sa kapapraktise tapos sasabihin nya na madaya ako? Aba, baka surutin ko ang utong nya!

Bigla na lang lumalapit sa akin si Rexx kaya ako ay kinilabutan. Nakakatakot kase ang mga kinikilos nya parang ewan. At Hanggang sa magtapat na ang aming muka at halos maramdaman ko na ang kanyang hininga. Pero in fairness ang ganda ng mata nya color na kulay blue siguro may lahi 'tong gagong 'to. Balita ko ang tatay daw ni 'to eh australiano kaya siguro asul ang mata nya.

"Tch, masado mo akong ginagalit Michelle" malambing nyang wika.

Galit ka nga ba talaga?

Kanina pa akong naguguluhan sa mga pinagsasasabi ng lalaking 'to ah? May sayad ba 'to sa utak? O sadyang may sayad nga talaga?

"L-lumayo ka nga pwede ba!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit naman ako lalayo?.... Kinakabahan ka ba?" sarkastikong tanong nya.

Hindi ko na magawa pang sagutin ang tanong nya kase totoo naman. Kaya ang ginawa ko na lang ay umiwas ng tingin. Lintik na lalaki kase 'to eh! Bakit nya pa kase 'to ginagawa sa'kin wala naman akong ginagawa sa kanya? Wala din naman akong ninakaw sa kanya. . . Ahhh!!! 'Yung trophy! 'Yun pala 'yung nanakaw ko sa kanya kaya pala saya nagagalit ngayon sa'kin- pero parang hindi naman sya galit ah?

Bakit parang ang binibitawan nyang salita ay parang nanlalambing lang? Parang 'di ko naman nakikita sa mga mata nya na galit sya. Dapat nga ngayon pa lang namumula na 'to sa galit. Pero hindi eh, puting-puti parin ang muka nya at gwapo parin ang ekspersyon ng muka nya. Tsss! Bwisit na bato-bato talaga.

"Oh? Bakit hindi ka makaimik ngayon? Namilipit na ba 'yang dila mo? " saka sya lumayo sa akin kaya ako ay nakahinga na ng maluwag. Salamat naman. Pero pwedeng isa pa? Ang bango kase ng pabango nya eh gusto ko pang amuyin!

"Ano ba ang kailangan mo sa'kin at may pakulo ka pang ganito? Grabe lang ah, tayong dalawa lang talaga dito? Wow! " sabi ko habang ako ay pumapalakpak.

Oh? Kala nyo nakatali ang kamay ko ano? Hehe hindi ano! Walang inilagay si author na itali ako ng dalawang gwapong lalaking alipores ni Rexx! Saka baka bawas beauty lang 'yung mga paganong scene!

"Tch! Gusto mong malaman kung ano ang pakay ko sa'yo ngayon?" nakangisi nyang tanong sa'kin.

Nako! Nangingilabot na talaga ako sa lalaking 'to nako! Tsk! Tsk! Tssssk! Kung pwede lang akong tumakbo paalis dito nagawa ko na eh! Kaso alam kong may nagbabantay mula sa labas ng pinto kaya wala akong kawala. Natalo lang ng isang beses 'tong si Rexx akala mo pinagsakluban na ng langit at lupa! Tsk!

"Ano?! Sabihin mo na at nagingilabot na ako sa'yong gago ka!" sigaw ko sa kanya. Agad naman syang napahalakhak sa sinabi ko.

Nakakatawa dun? Baliw na ata 'to eh! Kulang ata 'to sa pasuso ng kanyang nanay!

"Simple lang naman at walang halong hirap, kaso may halong sakit" saad nya sabay ngisi.

Anong pinag sasasabi ni 'to? 'Wag mong sabihing-

"Bastos ka!!!" sigaw ko sa kanya.

"Huh? Ano bang sinasabi mo dyan ah? Tch! Napakarumi naman ng utak mo! Ano sa tingin mo pag sasamantalahan kita ngayon? Hahaha mangarap ka na lang"

Napahiya ako dun ah? Kala ko kase eh! Naman!

"E-eh ano ba 'yung kailangan m-mo?!"

"Mag patalo ka sa susunod na laban natin" dirediretso nyang sagot.

"Ano?! Aba mangarap ka na lang din! Yabang nitong antipatikong 'to! Tsk! Saka bumababa na ba ang reputasyon nyo dahil sa'min? Puro bato-bato kase ang sayaw nyo eh" saad ko sabay halakhak.

"Bato-bato? Bakit hindi ko naman sinasadya na makita ang alaga ko sa tyan ah! Bakit ayaw mo ba na may nakakakita dito sa perpekto kong abs? Gusto mo ba ikaw lang ang nakakakita? Oh sige pagbibigyan kita ngayon" sabay taas nya ng polo nya kaya nakita ko ang mala halimaw at nakakatakam nyang abs.

Nanlaki naman ang mata ko at napamura ng sampung beses sa isip ko.

SHIT!!! Ng sampung beses! Pero gusto kong i-extend ang mura gusto kong gawing bente. Pero 'wag na lang tinamad na ako.

"Oh? Tulo laway ka na" aniya habang nakangisi. Bwiset ka!!

"Tch! Ibaba mo na nga 'yang polo mo at nahahalayan ako! Bilis!" sigaw ko.

"Ayoko ko nga. Ibababa ko lang 'to kapag pumayag ka na" sabay kindat.

Unti-unti nyang tinatanggal ang pagkabotones ng kanyang polo kaya mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko. Lintik na manyak na 'to! Sarap hampasin ng sapatos. Kapag talaga nasugod kita ng may oras nako ihanda mo na lang ang buhok mo sa taas kase hindi ko kaya sa baba. Kadiri.

"Itigil mo na nga 'yan! Napakamanyak mo talaga!" suway ko sa kanya pero huli na ang lahat. Natanggal na nya lahat ng butones at bumalandra sa akin ang malahalimaw nyang dibdib at. . . . Lunok po tayo. . . Ang kanyang perfect abs!

WHAT THE FUCK?!

Unti-unti syang lumalapit sa akin ng nakaevil smile. Bwisit na lalaking 'to napakamanyak! Hindi ko pwedeng isuko ang grupo namin! No! Pero baka ma-rape pa ako ng hambog na 'to hindi ko rin pwedeng isuko ang kayamanan ko. Ano na ang gagawin ko? Tuloooong!!! Nako parang awa nyo na. Huhuhuhu wala akong choice.

"Oo na payag na ako basta 'wag ka lang lumapit dito at takpan mo na 'yang letcheng abs mo! " sigaw ko habang nakapikit.

"Papayag karin naman pala eh" saad nya kaya ako ay tumingin ng masama sa kanya.

"Hayop ka!"

"Gwapong hayop " aniya ng matapos na syang mag bihis saka na sya umalis.

Arrggghh! Langhiya talaga wala ba syang bait?!! Nako!

Agad na akong lumabas doon at nag tungo sa room para kausapin ang nga kaibigan ko tungkol sa nangyari. My hairlalu!





















"ANO?! BAKIT KA naman pumayag Michelle?!!" sigaw sa'kin ni Majie. Ay OA lang? Imbyenang frog.

"Aba! Kung ikaw kaya ang na sa posisyon baka gano'n din ang gagawin mo! " sabay irap ko.

"Oo nga Majie, baka kung hindi 'yun ginawa ni Michelle ay baka hindi na 'yan virgin" natatawang wika ni Roxxane.

"Nye! Eh ano na gagawin natin? Kabanas naman 'yang Rexx Carrlington na 'yan! Tsk! " inis na sigaw ni Coreen.

"Kailangan nating mag isip ng plano. 'Yung epektibo at perpekto. " saad ko.

Hmm? Ano kaya maisip na plano sa antipatikong 'yun? Dapat brutal at matinde! Ano kaya kung 'di ko na lang sundin ang inuutos nya? Tama! 'Wag na lang! Bwahahahahaha! Bwahahaaah! Bwahahahaha!

"Oh? Michelle bakit ka nag tatawa dyan mag isa?" tanong sa'kin ni Coreen.

"Baliw na." mabilis kong sagot sa kanya.

"Buti inamin mo" saad nya.

"Hayop 'to ah?" sigaw ko pero tinawanan lang ako.

Humanda ka sa'king antipatikong Rexx Zander Carrlington!! Hahaha mawawala 'yang itlog mo sa'kin hahahahha! Teka bakit ba ako tawa ng tawa? Wala namang nakakatawa? Baliw na ata ako teka nga.

"Nica! Paki dala nga ako sa mental hospital ngayon na" saad ko.

"'Wag na sa susunod na lang. May ginagawa pa ako 'wag kang istorbo" masungit na saad ni Nica.

"Mamatay ka na!" sigaw ko.

Ay tama na nga baka tuluyan na akong mabaliw gagawan ko pa ng solusyon 'yung problema ko kay Rexx na mukang karton. Hhhhhmmmmmppp! Tsk! Antipatiko tch!






✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡Vote♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon