Chapter 37: Don't Leave

72 6 1
                                    

Chapter 37
Don't Leave

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)









Masarap ngayon ang kinakain namin ni Rexx kase astig at maganda ako! Joke lang syempre date namin ni Rexx kaya bongga ang food ngayon! Pero napansin ko lang NGAYON bakit parang namumutla si Rexx? Saka lagi s'yang nauubo? May lagnat ba sya?

Tanong nga ako ng tanong sa kanya eh na kung may sakit sya pero wala naman daw eh. Sadyang naparami lang daw ang inom nya ng malamig na tubig kaya sya napapaubo. Pero hindi parin ako mapakali eh talagang sunod-sunod ang pag ubo nya.

"Rexx talagang ayos ka lang?" sabay lapat ko ng palad ko sa noo nya para tingnan ang temperatura nya pero normal naman iyon.

"Wala ka namang lagnat ah? Bakit ka namumutla?" tanong ko.

"W-wala 'to 'wag mo 'tong alalahanin. . . Kumain na tayo?" nakangiting sabi nya saka na sya sumubo.

Siguro apekto lang 'to ng puyat nya at pagod dahil dun sa pag aaway namin. Siguro nga. Kaya 'wag ka ng mag alala Michelle ayos lang si Rexx.

"Mag patingin ka kaya sa doktor?" tanong ko pa nang matapos na akong kumain. Alam ko kase na idadahilan na naman ni Rexx ang pagkain eh kaya inubos ko na 'yung pagkain.

"'Wag na. Wala lang 'to walang dapat na ikabahala ang mahalaga ay ang date natin dapat mag saya lang tayo" aniya nang matapos na syang mag bayad. Tumayo na sya at hinila na nya ako patungo sa kanyang kotse.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa park ulit. Basta 'wag ka na munang bibili ng letcheng isaw na 'yun ah?" aniya saka tumawa.

"Baliw ka"

Makarating na kami sa park ay agad kaming naupo sa damuhan ng magkahawak ang kamay habang tinitingnan namin ang mga bitwin.

Sana lang 'wag akong pagkamalan ng mga tao na white lady ako. Gabi na kase eh, tapos nakadress pa akong puti.

"Kapag malalaki na ang anak natin gusto kong pagmasdan silang tumatakbo rito" nakangiting sabi ni Rexx habang nakatingala. Pinag mamasdan nya kase ang mga bitwin.

"Ang tagal pa naman no'n Rexx eh!"

"Gusto mo gumawa na tayo ngayon eh!" sabay tawa nya sabay kurot nya sa pisngi ko.

"Kutoy ka!" sabay tawa ko rin.

"I love you!" sabay halik nya sa pisngi ko "I love you! I love you! I love you!" aniya habang tinatadtad nya ng halik ang pisngi ko.

"Ahhh!" sigaw ko.

"I LOVE YOU MICHELLE ALISSON DEARAYA CARRLINGTON!!!!!" biglang sigaw nya ng malakas agad naman iyong umalingaw-ngaw sa buong paligid kaya bigla kaming pinagtinginan ng mga tao dito sa park.

"Gago ka Rexx! Mahiya ka nga!" sabay palo ko sa kanya.

"Bakit ako mahihiya eh mahal kita? Kung pwede ko lang ipag sigawan sa buong mundo na mahal na mahal na mahal kita ng higit pa sa sobra ay nagawa ko na" nakanguso nyang sabi. Napangiti na lang ako sa sinabi nyang 'yun saka nya ako hinalikan sa labi.

"I love you too. . . Higit pa din sa sobra mahal ko. . . 'Wag ka na lang umalis please?" mahina kong sabi sa kanya hindi naman sya nakasagot sa sinabi ko kaya bumagsak na ang luha ko.

"Babalik ako. . ." aniya sabay halik naman sa noo ko.

Sana nga bumalik ka kase hindi ko kaya kapag hindi ka bumalik sa'kin eh. Ikaw lang din ang bubay, lakas, at mundo ko eh. Paano na kapag nawala ka?

"'Wag ka na lang tumuloy dito ka na lang sa tabi ko love. Kailangan kita, kailangan na kailangan kita. Ayaw kitang umalis. Gusto ko dito ka lang sa tabi ko"

"Wala akong choice Michelle kailangan eh. Kailangang kailangan. Pangako mo sa akin na hihintayin mo ako ako ah? Hintayin mo ako"

Pansin ko rin na may pumapatak na luha sa mata ni Rexx kaya ang gwapo nya. Tang'na naman nag iiyakan na at lahat-lahat 'yung kagwapuhan parin ni Rexx ang napansin ko!



ANDITO na kami ngayon ni Rexx sa apartment namin at nag papahinga na sa kwarto ko. Masyado kase kaming napagod kanina dahil sa katatakbo eh. Hinabol kase ako ni Rexx sa buong park kase hinahabol korin 'yung nakita kong ligaw na kalapate.

Naisip ko kase na aalagaan ko na lang 'yung kalapate kawawa naman na kung palaboy-laboy na lang sa kung saan para makapag hanap ng pagakin. Sakin iwasiwas nya lang 'yung pakpak nya may pagkain na sya.

Pero na lulungkot parin ako kase aalis si Rexx. Ayoko syang makitang aalis. Ayoko syang mag papaalam sa'kin na aalis sya! Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.

Hindi ko kayang mawala sa'kin si Rexx dahil lang sa lintik na trabaho nyang 'yun! Talaga bang mas pipiliin nya 'yung tarabaho nya kesa sa'kin? Kapag naman kase sinasabihan ko si Rexx ng ganon eh ang sasabihin nya lang. . .

"Para rin naman sa'tin 'to Michelle kaya 'wag ka ng malungkot"

Bwisit na para sa'tin din 'to! Lagi na lang! Ilang ulit pa ba akong iiyak? Nakakainis naman eh!

"Good night asawa ko" aniya sabay halik sa pisngi ko at pimikit na sya.

Isa pa 'yan! Lalo ko lang syang mami-miss kapag ganyan sya eh! Ayoko rin namang nanlalamig sya sa'kin. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?

"Good night din asawa ko" sabay pikit ko rin kasabay noon ang pag tulo ng luha ko saka naman ako tahimik na humagulgol.

Pagod na akong umiyak pagod na pagod na. Bakit ba kailangan dumating pa 'yung problema? Hindi ba pwedeng wala na lang? Kase ang hirap eh! At ang bigat pa ng problemang 'to!

Please Rexx 'wag ka ng umalis! 'Wag mo akong iwan. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Bakit pa kase kailangan nito?! Bakit?!

Naramdaman ko na lang na gumapang ang kamay ni Rexx sa bewang ko kaya ako ay napatingin sa kanya. Buti na lang at tulog pa rin sya.

I love you Rexx at kung aalis ka man hihintayin kita. At kung hindi ka man na bumalik baka hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. Baka mawala na ako sa mundong 'to pagka hindi kana bumalik sa piling ko.

Niyakap ko na si Rexx ng mahiglit kase bumibigat ng ang paghinga ko saka na ako napikit muli at sinukang matulog.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon