Chapter 13: Carrlington's Shirt

87 7 1
                                    

Chapter 13:
Carrlington's Shirt






"Kaya natin 'to!! Mananalo tayo!" sigaw namin saka kami nagyakap-yakap

"Ang susunod na mag pre-presinta ay ang Devilheads!!" anunsyo mula sa stage kaya agad na kaming nagpunta roon.

Pumusisyon na kami ng pagkaganda-ganda na pinsan ni beautiful at nag sayaw na ng malupit. Panay kang ang sigaw ng mga tao na mas lalong nakakapag pabuhay ng loob ko. May napansin pa nga ako doon sa bandang gilid 'yung mga kalalakihan may hawak na tarpaulin na ang tatak ay logo ng grupo namin. Grabe nakakaganang sumayaw kapag ganito! I love you guys!

"GO DEVILHEADS!!!! GO!!! WE LOVE YOU!!!!" sigaw ng mga lalaking may hawak ng tarpaulin.

Nang dahil doon ay mas lalo akong ginanahang mag sayaw kaso 'yung suot ko ang nagpapa-abala sa'kin. Sobrang igsi kase ng short ko at 'yung damit ko naman kalahati lang. Bwiset. 'Di kaya pasukin ako ng lamig ni 'to? Hayaan na nga para na lang 'to sa bigas at napkin. Oo para 'to sa napkin. Whoo! Kaya 'to ng fighting spirit ko! Yah!

Ginawa na namin ang pasabog ay biglang nagsitayuan ang mga judges. Wow! Ang galing pala namin ngayon ah? Amazing!! Matapos na kaming sumayaw ay biglang nagsihiyawan ang mga tao.

"DEVILHEADS! DEVILHEADS! DEVILHEADS!!" sigaw ng mga tao kaya naman agad na kaming bumaba sa stage.

"Mga dre!! Nagawa natin! Mukang nagustuhan nila ang sayaw natin!" tuwang-tuwang sabi ni Coreen.

"Oo nga eh! Makakabili na tayo ng napkin! Yay!" sigaw ko.

"'Wag ka namang masyadong maingay Michelle mahiya ka naman. Baka kung ano pa ang isipin ng nga tao" suway sa'kin ni Roxxane.

"Oo na! Oo na—" bigla akong natigilan sa pag sasalita nang may nag salita sa mic.

"Our last contestant is Strayboys!!!" sigaw ng emcee.

Nang narinig ko iyon ay parang gumuho ang mundo ko bumilis din ang tibok ng aking puso at halos hindi na ako makahinga. Sumali din pala dito sina Rexx? What the hell?! Ano na ang laban namin?

Nakita ko na lang na sila na nakaposisyon na sila sa gitna ng stage at nagsisimula nang sumayaw. Agad namang humiyaw ang nga tao para i-cheer sina Rexx.

"STRAYBOYS!!! FOR THE WIIIIN!!!" sigaw ng mga babae sa dulo at ang iba naman ay puro hiyaw lang na ewan.

Nagulat ako nang biglang nag tama ang paningin namin ni Rexx saka nya ako sinimangutan at inirapan. Anong problema nya? Ibitin ko sya patiwarik eh! Tsk! Yabang ng putek! May pairap-irap pa syang nalalaman.

Matapos na silang sumayaw ay bigla ding nag tayuan ang mga judges at ang iba ay itinaas pa ang upuan nila. Edi wow! Saka ko naman ibinaling ang paningin ko kay Rexx na kasalukuyang bumababa na sa stage at parang dito sa direksyon namin patungo.

"My pokwangers! Mukang dito pupunta si daddy Rexx! Gulay!" malanding sabi ni Nica.

"Tumigil ka nga! " sigaw ko sa kanya saka ko ulit binaling ang paningin ko kay Rexx at nakita ko syang na kausap si Zachary. Mukang may iniuutos sya doon at nakita ko si Zach na umalis at pagbalik ay may dalang T-shirt. Kinuha ni Rexx ang T-shirt kay Zach saka naman ibinaling ni Rexx ang paningin nya sa'kin. Ano ba kase ang problema nya?

"Wear this clothes now" malaming na utos sa'kin ni Rexx.

"Ano? S-susuutin ko yan? Nag papatawa ka b-ba?" utal kong sabi sa kanya.

"Just wear this fucking clothes now!!!" galit na sigaw sa'kin ni Rexx saka nya kinuha ang kamay ko at inilagay nya doon ang damit na hawak nya.

"Wear that now" aniya.

"Saan naman ako mag—" hindi nya na ako pinatapos nang bigla nyang hilahin ang kamay ko at dinala sa kanyang magarang kotse!

Wow! Ganda naman ng kotse ni pareng Rexx! Mag kano kaya 'to? Siguro milyon 'to ang ganda eh. Ang kintab! Pwede ng manalamin! Sana may ganito din akong sasakyan para awstig! Saka para hindi narin ako mag commute para tipid pamasahe.

Saka napansin ko lang ah? Kaming dalawa lang ni Rexx ang andito. Ano 'to sa harap nya ako mag papalit ng damit? Saka bakit nya ba ako pinag papalit ng damit? Teka maitanong ko na muna.

"Hoy! Antipatiko bakit mo nga pala ako pinagpapalit ng damit ah? May problema ka ba sa'kin? " tanong ko.

"Ang problema ko ay 'yang lintik mong damit! Kaliit-liit! Pinag kait ka na ba sa tela at ganyan ka manamit? Bakit ganyan ang mga suot n'yo? Kailangan ba talaga ganyan? Kailangan dapat makita ang mga singit at pusod nyo? 'Di mo ba nahahalata na 'yung mga lalaking nanonood sa iyo eh, pinagkakatuwaan ka na? Pinipikturan nila 'yung legs mo at boobs mo! Bwisit! Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko. . . Tang'na Michelle!" malamig n'yang sermon sa'kin.

"Bugbugin ko na sana 'yung tarantadong namimikture ng dibdib pinigilan ko lang ang sarili ko. Kung 'di nangyari 'yon baka malamig na bangkay na lang 'yun ngayon! Bwiset!" sermon nya pa sa'kin. Wow! Walang preno! Halos humihingal na sya sa kabubunganga na akala mo naman boyfriend ko sya kung makapanalita.

"Bakit ka ba ganyan? Hindi mo naman ako pag-aari at ganyan ka makapag salita? Bakit jowa mo na ba ako? Tsk! Feelingero! " sigaw ko.

"Change your clothes now! " sigaw nya.

"Sa'n ako mag papalit ng damit sa harap mo? Wow! Asa ka! Namo! Namo! 'Di ka makakaisa sa'kin—" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nyang hinigit ang kamay ko at pinasok nya ako sa kanyang magarang kotse at saka nya sinarang muli ang pinto at sya ay nag intay sa labas.

Bwiset! No choice susuutin ko 'tong lintik na damit ni Rexx! Sinuri ko na muna ang damit na hawak ko at bigla akong nagulat sa nakita ko. Sobrang laki ng T-shirt na 'to at parang hanggang hita ko ito. Ang bango rin nito at napakasarap singhutin! Ang bango! Ano kayang gamit na downy ni Rexx magamit narin kaya hahaha charot. May nakita akong sulat sa likuran ng T-shirt at ito ay Carrlington the fuck!

Matapos na akong mag bihis ay lumabas na ako ng kotse at agad nang sinalubong ni Rexx.

"'Wag na 'wag ka na ulit mag susuot ng damit na gano'n kun'di babalutan na kita na parang lumpia;" galit nyang sabi saka sya umalis.

Whuuuuutttt??? Edi kya

Nakaramdaman naman ako na parang namumula ang muka ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Namo kang Rexx ka!!


✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon