Chapter 14: The Price Choice

88 6 0
                                    

Chapter 14
The Price Choice






"My gosh Michelle!!!! Kinikilig ako sa inyo!!! My gosh!" sigaw ni Roxxane.

"Tumigil ka na nga! Para kang timang d'yan!" suway ko sa kanya.

"Eh, tingnan mo nga Michelle ibinigay nya sa'yo 'yang T-shirt nya! Tares ka nakakainggit ang kagandahan mong babae ka! Baligwasan kita dyan!" sigaw nya pa.

"Tsk! Tumahimik na kayo dyan at baka hindi natin marinig kung sino ang mananalo sa contest na 'to! Baka hindi pa tayo makabili ng napkin sa mga kalandian nyo eh!" sigaw ko pa.

"Oo na! KJ ng putek" galit na sabi ni Coreen.

Agad kong ibinaling ang paningin ko sa emcee at inintay ang kanyang sasabihin. Nagsimula na naman akong kabahan dahil umaasa talaga ako na mananalo kami. Talagang kailangan na kailangan namin ang perang mapapanalunan namin sa contest na 'to kase wala na talaga kaming maipang gastos. Kaya sana matalo namin ang Strayboys.

"So we have a result from judges. Let's take a look," panimula ng emcee.

"The third runner up is. . . The gospel!!"

Shit!

"The second runner up is. . . . . Viols!!!"

Ina! Sana kami! Sana kami! Bwisit! Sana kami champion! Shit! Shit! Shit! Gabayan mo po kami aling Nena! Huhuhu i can't take this any more!

"Whooo!! This is it! The champion is. . . . . . . Strayboys!!!!"

Ano?! Strayboys ang nag champion?! Tang'na! Wala kaming pambiling napkin!!! Bwisit na Rexx 'yan! Yaman na yaman na eh may pagsali pa sa contest na 'to! Limpak-limpak na nga ang pera nila eh! Lintik ka talagang lalaki ka ng dahil sa'yo wala na kaming bigas at napkin! Paano namin tatapalan ang mani namin kapag nilabasan na kami ng dugo? Lintik! This is your fault!

Nakita ko na lamang na sila ay nasa stage na at tinanggap ni Rexx ng walang emosyon ang trouphy at ang iba pang papremyo saka sila bumaba sa stage na parang walang nangyari.

Ano na naman bang problema ni Rexx? Sila na nga yung nag champion eh nakabusangot pa 'yung muka nya. Sarap nyang kalbuhin ng paulit-ulit! Tsk! Pero ano nga ba naman ang pake nya kung manalo nga naman sya? Wala naman syang gagawin sa pera kun'di itapon lang sa kung saan. Nako kasarap na talagang ipakain sa tae ni mang Koreng! Argh!

"Huhuhu Michelle ano na ang gagawin natin? Ano na ang maipapanggastos natin ngayon?" naiiyak na tanong sa'kin ni Nica.

"H-hindi ko alam. Siguro mang hihiram muna ako kay Merrylyn ng pera para may maipang gastos tayo" wala sa sarili kong sagot.

"Ako rin. Mang hihiram na rin ako ng pera sa mga kakilala ko" saad ni Coreen.

"Mas mabuti pa umuwi na tayo para makapag pahinga na tayo—" hindi na natapos ang sasabihin ni Majie nang may biglang sumingit na antipatiko.

"Pewede ko bang makausap si Coreen?" tanong ni Rexx.

"At bakit mo naman gustong kausapin si Coreen—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang hilahin ni Rexx ang braso ni Coreen at nagpunta sila sa malayo.

Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa kaloob-looban ko ng dahil sa nakita ko. Bakit naman ako nagkakaganito aber? Tsk! Wala lang siguro 'to. Pagod lang siguro 'to.

"Uwi na tayo?" aya ni Roxxane.

"Eh si Coreen baka hanapin nya tayo" sabi ni Nica.

"Hindi 'yan. Uuwi na 'yan pagkatapos kausapin ni Rexx panigurado," saad ko.

Umuwi na kami para makapag pahinga. Humiga na ako sa kama at tumulala ng saglit. Pumasok naman sa isip ko ang pangyayari kanina.

"Pwede ko bang makausap si Coreen?"

Bakit nya ba kase gustong kausapin si Coreen? Siguro manliligaw sya? No. No. No. Bahala na nga sila sa buhay nila basta ako matutulog na lang ng mapayapa at maganda dito. Tsk! Ni gigil mo si ako! 













"MY GULAY Micheeeeeeelle!!! Gumising ka d'yan!" sigaw ni Nica.

"Hmm. Ano ba 'yun? Kitang natutulog 'yung maganda eh! Problema mo?" tanong ko sabay upo ko sa kama.

"May pagkain na tayo at bigas! Saka syempre napkin" aniya sabay tawa.

"Talaga?"tanong ko.

"Si Coreen nag-grocery kanina."

"Huh? Eh wala naman 'yung pera paano 'yun nakapag grocery? 'Wag mong sabihin na nag nakaw 'yun? Nako hindi ko 'yun sagot kapag inaresto na 'yun."

"Baliw! Ibinigay sa atin ni Rexx 'yung premyo nila sa contest kahapon. So sweet." sabay ngisi nya.

"Ano?! Si Rexx?!"

"Oo! Kaya pala kinausap nya si Coreen. My gulay ang bait ng prinsipe mo Michelle! Pakasalan mo na!" sigaw nya.

"Pwede ba 'wag kang sumigaw?! Nakakarindi ka! Katabi mo lang ako wala ako sa kabilang baryo Nica!" sabay irap ko.

"Ay nag sungit na naman sya"

"Nasaan ba si Coreen ah? Tawagin mo nga! Ang gulo eh! Bilis! Tawagin mo"

"Okay! Coreeeen! Tawag ka daw ni Michelle!" sigaw ni Nica. Bwiset! Nakakarindi.

"Aryt! " sagaw din ni Coreen at namalayan ko na lamang na nasa harap ko na sya. Bilis ah?

"Bakit Michelle?" tanong ni Coreen.

"Totoo bang si Rexx ang nag bigay ng pambili ng pinang grocery mo? " galit kong tanong sa kanya.

"A-ah. Nica! Sinabi mo ba?!" sigaw ni Coreen kay Nica.

"Ah. Eh. Oo. Sorry!" sabay takbo ni Nica palabas.

"Shit. Ah Michelle. Kapag hindi ko yun tinanggap magugutom lang tayo" aniya.

"MAGAGAWA KO NAMAN NG PARAAN EH! BAKIT MO TINANGGAP?!" sigaw ko.

"A-alam ko naman. P-pero sabi ni R-Rexx eh kapag hindi ko daw t-tinanggap 'yung p-pera papaalisin n-nya daw tayo dito sa a-apartment na 'to." aniya.

"Para 'yun lang Coreen! Tsk!"

"Sorry. Alam kong magagalit ka pero wala akong choice eh. May dalaw na rin ako ngayong bwan kaya no choice tinanggap ko na."

"Lintik na choice na 'yan. Tsk. Labas!" sigaw ko.

"Sorry talaga Michelle," sabi nya sabay labas ng kwarto.

Agad ko namang hinablot ang cellphone ko at tinawagan si Rexx. Nako first time kong tumawag kay Rexx pero 'la akong pake. Makailang ring ay sinagot nya na.

"HELLO!! LANGYA KANG ANTIPATIKO KA! BAKIT MO IBINIGAY KAY COREEN ANG PERANG NAPANALUNAN NYO KAGABI SA CONTEST?!!!!" sigaw ko.

"Easy. Grabe mababasag na ata ang eardrum ko sa sigaw mong yun ah?"

"Wag mong ibahin ang usapan!!"

"Okay! Pero paano mo nalaman?"

"Wag mo nang alamin! Basta sabihin mo na lang kung bakit mo ibinigay kay Coreen yung pera?!"

"Wala gusto ko lang"

"Gusto mo lang? Hunghang ka ba?"

"Basta! Ibinigay ko na 'yun at wala ng bawian"

"A-ano—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang tapusin ang tawag. Shit!!! Ang puso ko tatalsik na sa bilis ng tibok

Bakit ba ako ganito? Baliw na ba ako? Tch! Kainis!

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (@The_Darkest_Mind)

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon