Chapter 46: Malaya

69 5 1
                                    

Chapter 46
Malaya

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








"Hello ma?" sabi ko nang masagot ko na ang tawag.

Kanina medyo nag aalinlangan pa akong kuhanin ang cellphone ko kase natagay pa ako sa baso. Pero nung makita ko na kung sino 'yun ay dalidali ko na 'yung sinagot.

"Anak kamusta na kayo dyan? Ayos ka lang ba?" sabi ni mama.

"Ayos lang ma, 'wag kang mag alala maganda parin ako" biro ko sabay tawa ganon din naman si mama.

"Anak ko talaga oo, gusto ko lang tanongin sa'yo na kung nakikita mo pa ba dyan si Merrylyn? Aba'y hindi na nag paparamdam ang batang iyon sa akin. Siguro may problema ang batang iyon tanongin mo nga kung sakaling magkita kayo" sabi ni mama.

"O sige ho ma, makakaasa kayo sa maganda nyong anak"

"Sya sige ako'y mag papaalam na magingat kayo dyan ah? Miss ko na kayo"

"Miss ko narin ho kayo ma, sya sige ho bye na" pag papaalam ko sabay patay ko ng tawag.

Tumungga naman agad ako ng isang baso ng alak hanggang sa mag sunod-sunod na iyon. Hindi alintana ang pait sa aking dila ng alak ang mahalaga ay maidaan ko dito ang sakit na nadarama ko kay Rexx.

"Oh Michelle hinayhinay lang parang isang taon kang hindi nakainom ah?" sabi ni James sabay agaw sa'kin ng baso na hawak ko. Nagalit naman ako sa ginawa nya kaya kinunotan ko sya ng noo. Medyo tinamaan narin ako kase marami na 'yung nainom ko. Plus matapang pa 'yung alak kaya halos tumumba na ako dito.

"Akin na nga yan! Akala ko ba mag iinom tayo? Parang ako pa lang ata ang lasing dito eh!" lasing kong sabi sa kanila matapos kong uminom ng isang shot.

"Tama na Michelle, pinapahirapan mo na naman ang sarili mo" seryosong sabi sa akin ni James.

"Wala ka ng pake do'n!" sigaw ko

"Michelle kung dahil na naman 'to kay Rexx itigil mo na 'to dahil sobrang nahihirapan kana! At kung talagang mahal ka nya hindi ka nya hahayaan na mag kaganito! Michelle mas mabuti pa na—"

"Ano?! Makipag hiwalay sa kanya? James akala mo ba ganon lang 'yun kadali? Mahal na mahal ko sya James eh, mahal na mahal ko sya" sabi ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Eh nahihirapan ka na nga eh! Walang kwenta 'yang Rexx mong 'yan kaya tapusin nyo na ang namamagitan sa inyo!" galit na sabi sakin ni Coreen.

"Bakit ba—" hindi ko na natuloy nang muling mag salita si Coreen na ikinagulat ko.

"Nakabalik na sya dito Michelle tatlong bwan na. Nakita ko sya papunta sa ospital at hindi ko alam kung bakit" seryosong sabi ni Coreen.

"A-ano? Bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa'kin?! Bakit?!" sigaw ko sabay tayo ko at nag tungo sa kwarto ko para kuhanin ang wallet ko. Pupuntahan ko si Rexx sa bahay nila at sisiguraduhin ko na kung naka uwi na ba talaga sya.

"Sa'n ka pupunta?" tranong ni Majie nang makalabas na ako ng kwarto ko.

"Sa bahay nila Rexx" sagot ko saka na ako lumabas ng babay. Agad naman nila akong hinabol para pigilan pero huli na ang lahat. Nakapag para na ako ng taxi at mabilis na sumakay doon.

Mabilis din naman akong nakarating kase hindi naman ma-traffic ngayon. Bumaba na ako ng taxi matapos kong maka pag bayad. Nung makalapit na ako sa gate nila Rexx ay pinapasok naman ako ng gwardya nila kase nakilala naman nya ako.

"Michelle?" gulat na sabi ni mom Rainy nang makapasok na ako sa bahay nila.

"Asan po si Rexx?" tanong ko.

"Hija lasing ka ba? At saka wala dito si Rexx nasa ibang bansa sya 'di ba? Bakit mo naman sya hahanapin dito?" sabi ni mom Rainy pero hindi ko na 'yun pinansin at agad na nag tungo sa kwarto ni Rexx.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay agad na tumambad sa akin si Rexx na nakahiga sa kama nya at tulog. Agad ko syang nilapitan at sinampal napabaligwas na lang si Rexx sa gulat dahil sa ginawa ko.

"M-michelle lasing ka ba?" sabi ni Rexx

"Walang hiya ka nakabalik ka na pala hindi mo man lang sinasabi sa'kin! Napakawalang hiya mo! Iyak ako ng iyak sa kaiiisip sa'yo! Hindi ka man lang nag paparamdam sa'kin tapos mababalitaan ko na lang andito ka na?! Hayop ka!" sigaw ko sa kanya habang sinusuntok ko sya. Tumayo naman sya sa kinauupuan nya at hinawakan ang kamay ko.

"Tama na Michelle. Kaya lang naman ako hindi nag papakita sa'yo ay sosorpresahin sana kita. Kaso hindi ko naman alam kung saan mag sisimula" aniya habang hawak nya ang kamay ko.

"Tangina mo! Tatlong bwan! Tatlong bwan kang nag iisip kung paano mo ako sosorpresahin?! Tanga ka ba?! Gabi-gabi mo akong pinapaiyak na sana bumalik kana sakin pero andito ka na pala at natutulog lang!" sigaw ko.

"S-sorry! I'm sorry" aniya sabay yakap sakin pero kumawala ako doon at agad syang sinampal.

"Rexx kung alam mo lang dalawang taon akong nag hihintay sa pag babalik mo! Dalawang taon akong nagluksa sa'yo kahit buhay ka pa!" sigaw ko pa

"Hindi mo kase naiintindihan eh. Wala ka kaseng alam!" sigaw ni Rexx.

"A-anong hindi ko alam? Ano ba ang dapat kong malaman? Na may iba ka na? Na mag papakasal kana sa iba?"

Shit Rexx nakakasura ka! Ang sarap mong patayin ngayon kaso 'wag na kase kailagan pa kita. Linggo-linggo akong nag lalasing sa'yo tapos andito kana pala! Napakawalang hiya mong lalaki ka! Pag babayaran mo ito!

"Wala akong iba! Mas lalong hindi ako mag papakasal sa iba! Mag isip ka nga Michelle!" sigaw nya.

"Eh ano ba ang dapat kong malaman? Sabihin mo nga!"

"Ayoko. . .  Kase alam kong mahihirapan at masasaktan ka lang kapag nalaman mo. Ayoko kitang nakikita na nahihirapan" garalgal nyang sabi sa'kin.

"Eh ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin? Diba pinahihirapan mo na ako ng ganito? Tapos sasabihin mo sa'kin na ayaw mo akong nahihirapan gago kaba?" sabay talikod ko sa kanya.

"Sa'n ka pupunta?" tanong nya.

"Aalis na ako. Siguro tama nga sina Coreen siguro dapat itigil na natin 'to kase nahihirapan lang tayo eh" sabi ko habang nakatalikod ako sa kanya.

Kailangan na muna siguro ng pahinga. Kailangan na muna siguro ng panahon para maka maka hinga ng maayos. Pagod na kase akong masaktan eh. Bigla akong nagulat at nanghina sa sinabi ni Rexx sa'kin.

"Sige kung 'yan ang gusto mo" seryosong sabi ni Rexx.

Akala ko tututol sya. Akala ko mag mamakaawa pa sya sa'kin. Siguro nga tama 'tong desisyon ko.

Nakakailang hakbang palang ako paalis nang yakapin nya ako mula sa aking likuran saka sya bumulong sa'kin ng. . .

"Malaya ka na" aniya saka nya ako pinaharap sa kanya at ako'y hinalikan nya.

"P-paalam" sabi ko saka na ako bumitiw sa mga kamay nya at tuluyan nang nakaalis sa kwarto nya.

Bye Rexx Zander Carrlington my sunshine.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Please vote and comment thanks a lot!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon