Chapter 52: This Is Not Real Right?

72 6 0
                                    

Chapter 52
This Is Not Real Right?

(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors.)








Nakatingin lang ako sa table nila at pinag mamasdan silang kumakain. Gusto ko syang lapitan pero hindi ko magawa kase nga matagal na kaming tapos. Akala ko nga nakalimutan ko na talaga sya 'yun pala lalong bumalik nung nakita ko na sya. Bakit ba ang hirap nyang kalimutan? Bakit ang hirap nyang tanggalin sa puso ko?

Napahawak na lang ako sa suot kong kwintas na binigay nya sa'kin para ako ay kumalma. Eto na lang kase ang natitirang bagay na bigay nya sa'kin kase 'yung ibang bigay nya sa'kin itinapon ko na para hindi ko na sya maalala pero wa' epek parin eh nakakainis!

"Michelle andito si Rexx oh may kasamang babae. Sino kaya 'yun" sabi ni Roxxane.

"Si Selena 'yun. Rinig ko mayaman daw 'yang babae na 'yan. Galing pa nga daw 'yang New Jersey eh" sabi ni Coreen.

"Ah talaga? Girlfriend na ni Rexx?" tanong pa ni Roxxane.

"Hindi ko alam" sagot ni Coreen.

"Tara na?" yaya ni James na mapansin nya na ang pang iiba ng ekspresyon ng muka ko.

"Tara" saka na kami tumayo at lumabas na. Dumaretso na lang kami sa tindahan ng mga damit para bilihan na si Natasha ng regalo.

Napako naman ang tingin ko sa isang dress na kulay blue kase parang bagay 'to kay Nastasha kapag sinuot nya. Kinuha ko iyon at ipinakita kay James.

"Hoy James ayos lang ba 'to kung ito 'yung ireregalo ko kay Natasha? Hindi ba pangit?" tanong ko.

"Ayos lang naman. Maganda." aniya sabay tingin ulit sa cellphone nya.

"Alam mo kung nag hahanap karin ng ireregalo kay Natasha edi okay! Hindi 'yang nag ce-cellphone ka lang dyan!" inis na sabi ko sa kanya.

"Ayoko" aniya sabay laro ulit sa cellphone nya.

Hay kainis naman! Bakit ba wala 'tong pakealam kay Natasha? Pasalamat nga sya at may babae pang baliw na baliw sa kanya.

Matapos naming mamili ng kung ano man at mga regalo kay Natasha ay naglakad na kami palabas ng mall. Medyo pagod na rin kase ako eh at gusto ko nang matulog.

"Hay alam nyo may nakita akong cute na teady bear dun mukang ang sarap ngang bilhin eh" sabi ni James. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa mga taong nakatitig kay James sa bawat nadadaanan namin. Ang gwapo kase nitong tarantadong 'to eh!

Pati lola napapatitig narin kay James! Lakas kase ng appeal eh.

"Bakit hindi mo binili at iregalo mo na lang 'yun kay Natasha?" sabi ko.

"Eto na nga oh binili ko na" sabay pakita nya sa'kin ng maliit na teddy bear. Grabe ang cute nga! 

"Good boy! Iregalo mo 'yan kay Natasha ah? Para naman matuwa naman sya sayo kahit papano" sabi ko.

"Opo ma'am!" sabay saludo nya.

Bigla na lang bimilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Rexx at 'yung Selena. Shit makakasalubong pa ata namin 'to. Nang sila ay nasa harap na namin ay huminto sila at kinamusta kami.

"Hi!" sabi ni Rexx sabay ngiti

"Hi" sabi namin.

"Kumusta na kayo?" tanong nya. Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Selena na nag ce-cellphone lang at para bang wala syang pake alam sa nangyayari.

"Ayos naman" sagot ni Coreen at pilit na ngumiti.

Napabaling naman ang tingin ko sa leeg ni Rexx at nakita ko na suot parin nya ang pares ng kwintas na suot ko kaya bigla na lang nanubig ang mata ko.

Suot nya parin 'yung kwintas na katulad ng sa'kin. Pero bakit nya pa 'yun suot?

Ngayon kaharap ko na si Rexx bakit parang nanlalambot ako ngayon? Bakit parang 'yung puso ko nagyon tinutusok ng milyon-milyong mga espada? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ang tagal na ng panahon bakit hindi parin 'to lumilipas? Bakit hindi parin natatangal ang sakit!

"Ah mauna na kami ah? May pupuntahan pa kase kaming birthday party sige bye" sabi ko sabay hila ko kay James sumunod na naman 'yung nga kaibigan ko kaya nakaalis na kami ng tuluyan.

Nang kami ay nasa loob na ng kotse ni James ay bigla na lamang hinawakan ni James ang kamay ko at sabay sabi ng.

"Gusto mo kulamin natin 'yung babae?" sabi nya na ikinatawa ko. Akala ko naman kung ano 'yun pala kulam lang.

Makarating kami sa bahay ay nag bihis na kami ng pormal at walang pag aalinlangang nag punta na sa bahay nina Natasha. Bumungad naman samin ang napaka raming bisita at mga pagkain kaya nanulo na naman ang aking laway. Katakawan.

Sinalubong naman agad kami ni Natasha at grabe lang! Ang ganda nya! At ang sexy pa! Nakakagigil na babae! Bakit ba ayaw na ayaw ni James 'to? Hay!

"Hala! Thank you at nakapunta kayo!" sabi ni Natasha binigay na naman namin 'yung mga regalo namin kay Natasha maliban lang kay James.

"James? Hindi mo ba ibibigay 'yang regalo?" tanong ko sabay ngisi. Pansin ko naman ang pamumula ng muka ni James at mabilis na inabot kay Natasha 'yung regalo nya.

Kita ko naman si Natasha na sayang-saya dahil niregaluhan sya ng kanyang crush. Pumunta na naman kami sa table para kumain. Tapos etong si James tuwang-tuwa na naman kase may bagong merch na naman syang natanggap mula kay Natasha. Ang dami ngang mga poster eh nakakainggit sana all! Ehehehe.

"Ang sarap naman nitong lasagna! Grabe ang sarap!" sabi ni James habang sunod-sunod syang sumusubo.

"Actually ako ang nag luto n'yan" nahihiyang sabi ni Natasha kay James. Napatigil naman si James sa pag subo.

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni James. Agad namang tumango si Natasha at si James naman ay pinagpatuloy lang ang pagkain no'n.

"Natasha dapat araw-araw mo nang dalhan nyan si James para magutuhan ka na nyan" bulong ko kay Natasha.

"S-sige" natatawang sabi nya.

Nag simula na akong kumain ng lasagna at totoo nga masarap nga. Siguro magaling mag luto 'tong si Natasha. Nabulunan na lang akong bigla nang biglang sumigaw si Natasha at tumayo ay sa kanyang upuan at sinalubong ang kanyang bagong bisita. Pero mas lalo akong nabulunan nung makita ko kung sino iyon.

"Rexx! Salamat at nakapunta kayo! Sina tita and tito andito ba sila?" sabi ni Nastasha.

Pero napansin ko lang ah? Bakit hindi nya kasama si Selena? Nag patiwakal na ba 'yun? Saka ang gwapo ni Rexx sa suot nya ah ang sarap nyang kagatin.

Nabigla ako nang tumingin sya sa gawi ko at hinahayaan nya lang na mag salita si Natasha sa harap nya. Grabe snober si kuya.

"Andito sila kausap lang sina tito Fabio" sagot ni Rexx kay Natasha pero nakatingin parin sya sa'kin.

Naputol lang ang tinginan namin ni Rexx nang sumingit 'tong si James.

"Uy Michelle tingnan mo oh nabusog ako!" sabay akbay sa'kin ni James.

"Takaw mo kase pero hindi ka naman tumataba" sabi ko.

"Ganon talaga kapag gwapo!" sabay pisil nya ng ilong ko.

Muli ko namang ibinaling ang tingin ko kay Rexx at nakita ko na nakatingin parin sya sa'kin. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang hilahin sya ni Natasha patungo sa table namin.

No! Sabihin mong hindi 'to totoo!
☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞☜☆☞

Vote and comment thanks!

Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)

◌⑅●♡⋆♡Vote♡⋆♡●⑅◌

Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon