Chapter 45
Grey World(This chapter is unedited, so there's a typo grammatical errors, and wrong spellings)
Isang taon na ang lumipas simula nung magkausap kami ni Rexx sa cellphone. Hindi narin sya tumatawag sa'kin at hindi nya na rin sinasagot ang mga tawag ko sa kanya wala rin akong natatanggap na kahit na isang text mula sa kanya. Hindi na rin kami nag vi-video call at mas lalong wala na akong nalalaman tungkol sa kanya.
Mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon naming ito kase isang taon na syang hindi nagpaparamdam sa akin. Malapit na rin ang birthday ko kaya siguro mag bi-birthday na naman ako ng wala sya. Ang lukot-lungkot kapag wala sya. Gustong-gusto ko na syang makita.
Miss na miss ko na sya.
Mas lalo akong nalungkot dahil umalis si Roxxane para bisitahin ang kapatid nya. Nasa California na sya ngayon at paniguradong malungkot din sya ngayon. Naaksidente kase ang kapatid nya sa pagmamaneho ng kotse kaya namatay.
Si Nica, Majie, at Coreen ay dito na muna titigil sa bahay ko. Ang sabi kase nila baka daw kung ano na ang gawin ko sarili ko kapag wala akong kasama sa bahay.
"Kumusta na kaya si Roxxane? " Tanong ni Nica.
"Sana maging okay lang si Roxxane do'n 'no? Grabe na mi-miss ko na agad 'yung lintik na babaeng 'yun" sabi naman ni Majie.
"'Wag na nga muna kayong mag emote dyan! Mag isip na lang kayo ng magandang makakain dahil nagugutom na ako. " pagsingit ni Coreen.
"Magluluto na lang ako ng paksiw," tumayo na si Majie at nagtungo na sa kusina kasama si Nica.
Binuksan ko na lamang ang T.V para naman umingay sa bahay na ito. Tumabi naman sa akin si Coreen na may daladalang chips. Saka ko naman nakita ang pintuan na bumukas. Nakita ko si James na may dalang speaker. Tumabi sya sa amin ni Coreen saka sya nagpatugtog ng malakas kaya napilitan akong patayin ang TV. Bwisit!
"Sayaw tayo? Magandang magsayaw ngayon dahil balita ko nakakatunaw din 'to ng taba." Nakangiting sabi ni James.
"Anong mag sasayaw? Ayaw ko nga! Mag sayaw ka mag isa mo!" Reklamo ni Coreen.
"Bakit ba ang sungit mo? Tch, Tara nga Michelle sayaw tayo. . ." Sabay hila nya sa akin patayo at nag sayaw. Mabuti na lang at hindi ako bad mood ngayon kaya mabuti pa akong makisama ngayon.
"James pwede ba patayin mo na 'yang gagong speaker mo?! Nanonood ako ng k-drama dito!" surang sabi ni Coreen.
"Ayaw ko!" sigaw ni James.
Wala rin namang nagawa si Coreen. Sumabay na sya sa pag sasayaw namin James dahil mukang nainggit. Lumabas din si Majie sa kusina habang may daladalang bote ng toyo. Sumabay din sya sa amin kaya mukang nay party na naman sa bahay ko.
Bigla na lang akong napatawa dahil nakita ko si James na panay ang kendeng. Ang cute nyang tingnan tapos ang lambot pa ng katawan nya. Minsan nga inaasar ko 'tong bakla eh kase ang puti nya at ang hinhin nyang kumilos. Nagagalit naman sya kapag sinasabihan ko sya ng ganon kaya tinitigilan ko na.
"Fancy! You~" pagkanta namin habang sumasayaw.
Buti na lang puro saya ang dulot nitong si James. Kung wala sya ngayon dito siguro nasa mental hospital na ako. Kahit natatarayan ko na sya nasa tabi ko pa rin sya.
"Ayoko na pagod na ako! Tumutulo na ang pawis ko!" sabi ko at naupo sa sahig. Samantalang sina Coreen at Majie ay patuloy lang sa pagsasayaw.
"Gusto mo ng tubig ko Michelle?" Nakangiting sabi ni James. Napalaki naman ang mata ko. Ano bang iniisip ko? Kabastusan?
"No thanks, mabubuhay naman ako ng walang tubig mo," sagot ko.
"Gago ka James! Palagi mo na lang ba kaming papagurin? Aba akala mo ba madaling mag sayaw?" reklamo ni Nica.
"Edi 'wag kang mag sayaw problema ba 'yun?" sabi ni James matapos syang uminom ng tubig.
"Kainis ka!" inis na sabi ni Nica.
Kumuha na ako ng tubig kase nauuhaw na ako. Nagulat na lang ako nang makita ko si Coreen na naglabas ng dalawang bote ng alak at mukang parehas na matatapang. Double Block ang isa, at ang isa naman ay Tequila.
"Grabe si girl may painom. Birthday mo?" natatawang sabi ni Majie.
"Syempre luksain tayo ngayon eh lalo't parang byernes sato ang muka ng isa dyan" sabi ni Coreen sabay tingin sa'kin.
"O bakit kayo nakatingin sa'kin?" tanong ko. Kainis.
"Aba malay ko, sige tagay na tayo!" sigaw nila sabay bukas nila ng bote at nag nagsimula na.
Natigil lang kami sa pag iinuman nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sino kaya 'to?
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Please vote and comment thanks a lot!
Copyright©Rica Francheska Loyola (The_Darkest_Mind)
◌⑅●♡⋆♡VOTE♡⋆♡●⑅◌
![](https://img.wattpad.com/cover/218512298-288-k685121.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Book 1 Of With Me Trilogy) ✓
Ficção AdolescentePalagi akong umaasa na sana 'wag nya akong iwan, na sana palagi na lang sya sa tabi ko. Pero kahit na anong gawin ko aalis parin sya at pupunta sya sa malayo Hanggang kailan pa kaya ako mag sasabi sa kanya na Manatili na lang sya sa tabi ko? (The bo...